One

25 1 0
                                    

"Juliet anak bangon na mal-late ka na sa klase mo."

"Nay, wait lang. 5 minutes."

"Anong 5 minutes? 7:00 na! Akala ko ba may klase ka ng 8?"

Napatayo ako sa higaan ko, kinuha ko kaagad ang alarm clock ko.

"Sh*t bakit hindi nag alarm?" Tinaktak ko yung orasn ko at napansing kong wala palang battery ito. Matagal kasi talaga ako kumilos kaya 2 hours bago ako pumasok ay nagising na ako.

"Patay na! Bakit walang battery to?" napasigaw ako sa inis.

"Ay anak, pasensya ka na. Kinuha ko kagabi yung battery kasi nawalan tayo ng ilaw, wala na palang laman yung flashlight." napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Nanay, may magagawa pa ba ako? Nahiya tuloy ako kasi nasigawan ko si nanay.

Nag mamadali akong naligo, buti na lang inayos ko na yung mga gamit ko kagabi bago ako natulog. Pag bukas ko ng kwarto nakita ko ang tatay kong nakaupo sa lamesa at nag babasa ng dyaryo habang may katabing kape sa kanan nito.

"Tay alis na ho ako." nag mano ako dito ngunit hindi nito agad binitawan ang kamay ko.

"Anak kumain ka muna." turo nito sa nakahain na pag kain. Ang sarap tignan, paborito ko pa naman ang mga ito. Kaso nag mamadali na ako malapit na akong ma-late ehh.

"Tay male-late na ho kasi ako. Aagahan ko na lang ho ang uwi mamaya." Tumalikod na ako sa kanya, bago ako tuluyang makalabas ay sumigaw na din ako sa Nanay na aalis na ako.

Habang dumadaan ako sa makipot na eskinita, may nariinig akong pamilyar na boses. Boses ng taong number 1 na kinaiinisan ko.

"Juliet oh my Juliet!" Ayan na sya, kung kailan naman ako nagmamadali ay humarang sya sa harapan ko. At dahil masikip ang daanan dito sa eskinita mukhang mahihirapan akong umalis sa harap nito.

Pinag cross ko ang mga kamay ko at mahinang pinapadyak ang paa ko, Tinaasan ko din sya ng kilay.

"Kapag hindi ka umalis jan babayagan kita!" Matray na sabi ko dito. Natawa naman ako ng hawakan nito ang alaga nya at kusang tumabi.

Nakakainis talaga ang isang iyon, minsan parang gusto ko ng umalis sa lugar na yon para naman makaiwas ako sa mga katulad nya. Pero mukhang matatagalan pa ito mangyari kaya titiisin ko muna to hanggang makahanap ako ng trabaho.

YAAH NAKITA NYO NA BA YUNG NEW STDUENTS?

ANG POGI NILA GRABE

ARTISTA BA SILA?

BALITA KO FOREIGNER YUNG ISA GALING DAW AUSTRALIA

SAAN KAYANG DEPARTMENT SILA?

GRABE ANG GWAPO TALAGA

Yan ang sinisigaw ng mga babae sa hallway, nakakainis mukhang mat-traffic pa ako sa ibang hall na lang ako dadaan.

Lakad takbo na ang ginawa ko pero may nakita ako sa kabilang dulo  ng hallway kaya napatigil ako. Namamalikmata ba ako? Hanggang sa ngumiti sya sakin.

OMG WHO'S THAT GIRL?

WHY IS SHE SO STARING AT OUR NEW PAPA?

Hindi ko na lang pinansin ang mga iyon. KUmaway ako na parang tanga sa harap nya, at nakita ko na naman ang magandang ngiti nya.

Halos patakbo na ako na lumapit sa kanya, may tao akong nalagpasan pero hindi ko sya pinansin, wala akong pakielam kung nakita nya ako sa ganung sitwasyon.

Patakbo akong lumakad sa lalaking nakikita ko sa harap ko at mabilis na yumakap.

Patakbo akong lumakad sa lalaking nakikita ko sa harap ko at mabilis na yumakap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon