Chapter 1: My NIGHTMARE

34 4 2
                                    

Jarv's POV

Unang araw ng pagpasok. Bagong kaibigan ( pero sa totoo, wala naman talaga), naglalakad mag-isa papasok ng gate. Bagong mga kaklase at terror na guro. At mga estyudanteng nagbabalat-kayo (akala mo mga anghel sa umpisa.. tsk!) pero ang di na nagbago sa akin ay ang makakita ng mga kaluluwa dito sa loob ng university at ako -_-.
Sanay na ako makakita ng mga espiritu dito. Hindi nga lang sa unibersidad na 'to eh, pati din sa labas.. hayyssstt. Minsan nga akala nila galit ako sa kanila kasi di ko daw sila pinapansin. Minsan oo, pinapansin ko sila. Kinakawayan nila ako pero di ko kayang makipag kaway sa kanila sa public places kasi baka kung anong isipin sa akin ng mga tao. Nasa paligid - ligid lang sila... yung ibang mga multo dito ginagawa nila nagbabasa, nagsusulat sa notebooks, at mayroon pa nga akong nakitang tumalon sa 3rd floor ng building eh. Mayroon din akong mga nakikitang guro dito na pumanaw na. Yung iba nga sa kanila wala ng ulo. Haysstt.. Sanay na ako at 'di na ako takot dun. -_-

Ako si Jarv... Jarvaine De Ocampo. Ako yung taong gustong mapag-isa palagi, paboritong kulay ay black, dati simple lang akong babae pero ngayon emo girl na ako(may dahilan kung bakit ako nagbago -_-) nanonood at nagbabasa ng mga horror stories. Hilig ko din ang pag gigitara, napakahaba ng buhok ko hanggang hita ko ito. At mayroon din akong kwintas na bungo( sa totoo lang, bigay yun sakin ng pinakamamahal kong tao,kaso di ko na alam kung nasaan na sya ngayon. Yan yung remembrance niya sa akin) Ayaw ko nang balikan dati.. mahirap na.. Ewan ko ba kung bakit ako binigyan ng ganitong kakayahan na makakita ng mga espiritu. Hayyssttt.. Ewan ko. Pero sa tingin ko makakatu......

"Jarv.. Jarvaine!... Saglit lang! Hintayin mo 'ko! " Isang boses ng lalake na kilalang-kilala ko na.. si Aaron.

"Ano yun, Aaron? -_-" napalingon ako sa kanya.

"Sa..sabay na tayo pumasok.. hooo!! ^_^" pawis na pawis at hingal sa pagsasalita. "Matagal-tagal din tayong 'di nagki..kita.. ah" nagsasalita pa din sya kahit hingal na hingal na.

"Anong matagal?! Eh, kahapon lang tayo nagkita.. matagal na sayo yun?" Sabi ko sa kanya. Grabe 'tong si Aaron.

"HA-HA-HA!Heheehehe! ^_^" tumatawang napahiya si Aaron. Ano basag ka no?!

"Uminom ka kaya muna ng tubig." Imbis na sa akin yun ay napunta sa kanya. Hayysstt.. -_- kinuha ko na yung tubig sa bag ko. " Oh. Inumin mo na 'to, Aaron." Patuloy kami sa paglalakad.

"Salamat, Jarv... " yun ininom nya na ang tubig na para lang talaga sa akin. Hayysstt...

"Ron, may sasabihin ako sayo. ^_^" pabulong kong sinabi sa kanyang tenga.

Pagkatapos nyang uminom. "Ano yun?" Tanong nya sa sinabi ko.

"Huwag ka sanang magugulat ah..... Mayroon ka kasing kasamang multo sa likod mo e. Tignan mo. ^_^" hehehehehe. .

Mukhang tatakbo na naman sya. Ha-ha-ha! XD

"A...aa..ano?!!!😨 " takot at pinagpapawisan pa din. " Wahhhhh!!!" Takbong nagmamadali si Aaron.

"Wahahahahaha!! XD" ang galing ko talaga! Tawang-tawa ako sa naging reaction nya. Niiya-ha-ha-ha!!! Wohoo! Pinagtitinginan na pala ako ng mga tao. Debale, basta masaya naman ang nagawa ko. Hahaha! XD Ewan ko ba kung bakit 'di pa niya sinasabi kung bading ba yon. Hahaha! Yan si Aaron. Matagal ko ng kaibigan yan since nung Grade 4 pa kami. Cute sya saka parehas kaming weird. Ewan ko din kung bakit nya ako naging kaibigan, eh alam naman nya na nakakakita ako ng mga 'di pang karaniwan.. hayysstt..

"Mhay bhaon kha pha dhyan, Jharv? ^^" asked sa kin ng multong nasa likod ni Aaron kanina.

"Wala e, tubig lang.. Gusto mo? "

"Ah eh. Shhhiggeee!! ^^" masayahin 'tong multo na ito.

Hinanap ko sa bag.. wait... " pasensya na.Nasa kaibigan ko pa pala yung tubigan ko. Kukunin ko pa sa kanya. " sabay tingin sa orasan. Naku! Unang araw baka ma late ako.. "Pasensya na po Mang....??"

"Mhang Chonrhadohhh. ^_^" yung multo.

"Ah eh, pasensya na po. Kaylangan ko na pong umalis. Baka po ma late ako sa klase. Sigi po! "

"Mhag iihngat kha ahh... ^_^" ngiti nyang kaway sakin.

"Sige po! ^^" nagpaalam na ako aa kanya at sya ay naglaho na.

Nagtaka yung isang babae sa akin habang umaalis na ako. "Sinong kinakausap nung weird na yun??"..... "ewan ko nga eh, baka baliw.. hahahaa! "

Mapapa edi nye ka na lang sa kanila. -_-

The Trouble HEARTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon