Chapter 1: My Nightmare (prt. 2)

33 5 2
                                    

Jarv's POV

11:58 a.m MONDAY
Heto na malapit na ako sa classroom namin. Alam ko naman kung saan ako nakaroom ngayon, dahil sinabi na samin ito nung nag orientation kami.

Hayssst -_-... Ito na ang classroom malapit na akong pumasok. Sa palagay ko ang pinaka worst na place sa akin ay ang school -_-. Naiinis ako parang nandidilim ang mga mata ko. Hayysst. Ewan.
Ito na papasok na ako sa pinto ng aking nightmare..(I mean my classroom). Nung pagpasok ay mayroon na naman akong narinig at kilala ko ang boses ng lalakeng iyon.-_-

"Uy! Jarv! ^_^" sabi nya sakin habang kinakawayan niya ako.

Wait..classroom ko atsaka classroom niya din?! Magkaklase pa din kami?!Magkaibigan nga talaga kami...

Ito papasok na ako na sa nightmare este sa classroom pala... Nakuuu.. pinagtitignan nila ako.. Habang naglalakad ako ay nakatago yung mga bangs ko sa mga mata ko kasi nahihiya pa ako sa kanila. Paano ba naman kasi, eh nakatitig sila sakin mula paa ko hanggang ulo. Haysstt...nakakahiya talaga. 😥😥😥

"Tara! Tabi tayo, Jarv! ^_^" masayang-masaya sabi sakin ni Aaron.Well first day of my nightmare este first day of my class ito,ay tatabi muna ako sa kanya. Kahit papaano nagpapasalamat ako dahil may kakilala ako sa classroom.

______________________________________

Aaron's POV

Thanks Lord! kasi kasama ko yung cru--- este Best friend ko pala. Hehehe! 😁 Yan na sya papunta na sya. Sinerve ko talaga itong upuan na ito para sa kanya. 😁 Pagkatakbo ko papunta dito sa classroom na ito dahil sa kagagawan ni Jarv, ay nagpahinga muna ako saglit sa labas ng room namin. Tapos sakto nakatapat pa sa akin yung student lists. Syempre galawang hokage, naisipan kong tignan yung lists. ^^ Tinignan ko yung mga kaklase kong babae, tapos nakita ko yung De Ocam...DE OCAMPO, JARVAINE!!!! 🙌🙌 Grabe ang tuwa kong magiging kaklase ko sya ulit! Yahoo! Yiee! Thanks Lord talaga. 😁

Yan na papunta na sya ^^.

"Jarv, dito ka na. Tabi na tayo. ^^" sabi kong sa kanya. Napansin ko na nakatakip yung mga bangs niya sa mata niya. Hmmm 'lam ko na yan.. Nahihiya na naman sya. Tingin kasi sa amin ng mga tao dito sa university kami daw yung weird. Kasi yung pormahan namin di daw maganda sa kanila, Naka eye glasses ako habang sya ay laging naka eyeliner saka napakahaba ng palda niya. Ang proper uniform kasi sa girls ay hanggang tuhod nila. Pero sa kaibigan kong si Jarv ay hanggang paa nya. Masaya daw sya doon at komportable. At higit sa lahat napapansin nila si Jarv na may kinakausap sa hangin. Napapagkamalang kaming baliw saka weird. Pero dati, hindi sya ganyan. Hindi sya emo noon. Simple sya porma. Yung blooming sya all day. Nagbago lang sya ng mamatay ang kanyang pinakaminamahal na tao ....si Lhinson. Hindi nya sinabi sa akin ang dahilan kung bakit namatay si Lhinson. Kaya yun nagbago sya ng ugali at panlabas nya.Pero kahit ano pang itsura nya, gusto ko pa rin syang maging kaibigan.

"Pa upo ako, Aaron. Dali! " tarantang sabi nya sa akin habang inaayos ko yung upuan sa kanya.

"Pinagtitignan ka nila? " mahinang boses na sinabi ko sa kanya.

"Anong ako?! Baka tayong dalawa, Ron. " naka steady lang sya habang nakayukong sinabi nya.

"Tayong dal---" Napalakas kong boses. Hanggang sa napigilan ko ang boses ko dahil hinawakan nya ang labi ko para pigilan ito nang nakayuko pa din sya.

"Oo naman... diba ang tingin sa 'tin ng mga tao ay weird tsaka baliw tayo. Kaya nakayuko na lang ako. Yumuko ka na din,Ron." Yung nga nakayuko pa din sya hanggang sa sinasabi nya yun.

The Trouble HEARTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon