V

22 1 1
                                    

Aeger

"Hoy Panget! Gising na!" Someone pulled my foot at nahulog ako sa kama.

"KITA MO NATUTULOG YUNG TAO!" sigaw ko kay Kuya. Bwiset umagang umaga.

"What was that loud noise?" Napakyat pala si Dad.

"He pulled my foot Dada. I fell sa floor." Nagpaawa effect naman ako kay Dada.

"Why did you pull your sisters feet Bruce?" He asked Pitbull.

" Malalate na kami Dada. It's almost 7:00 at hindi pa nakaligo or nakabihis si Behati." He told Dad.

"Okay okay. Princess take a bath and get ready for school. Hurry up okay. And Bruce bumaba ka na. I gotta go na." He kissed my forehead at sabay sila bumaba ni Kuya.

At ako naman. Natoothbrush at naligo exactly 8 minutes lang. Bilis ko ah. Dumiretso ako sa aking walk in closet and pulled out my Black off shoulder romper and white converse shoes. Dali dali ko yung sinuot and braided my hair to the side. I grabbed my White Nine West Sling bag at dumiretso sa garahe.

"I'm sorry for pulling you earlier." Kuya apologized.

"It's okay Kuya. Let's go it's almost time."

"T-teka, teka kapos na ba ng tela ang mga damit ngayon? Magpalit ka." Utos ni Kuya sa akin.

"Kuya namana eh! It's almost time na and you want me to change!" Dumadabog ako at binuksan ang door ng car niya at sumakay na.

"Ok fine. Basta bukas mag pants at shirt ka lang okay?" UGH IT'S NOT OKAY.

"Kuya naman eh. I'll be panget na." I tried to convinced him.

"Panget ka naman talaga. Baka ampon ka lang." UGH..

"Ugh! I hate you Pitbull!" I screamed at nakabusangot. Tinawanan naman ako ni Kuya.
 
Nakarating na kami sa school. 2 minutes nalang time na. Tumakbo ako papunta sa classroom. I held the doorknob at halos mapatalon ako nang may humawak sa kamay ko.

"U-uhm" Omygosh. Si Fran. Wala siyang glasses and OMO his hair is up kung yung dati ay nakababa at magulo. Isa lang masasabi ko ang gwapo niya.

"H-hi Fran. Tara pasok na tayo bago maabutan ni Ma'am." I told him. I opened the door for him. Pumasok na siya. ANG GENTLEWOMAN KO NAMAN.

"TOL!" Napatalon ako sa sigaw ng tatlong lalake sa harap ko. Actually yung dalawa lang ang sumigaw nakatayo lang yung isa. New student again?

"Girlfriend mo Boss?" Tanong ng lalake at lumapit kay Fran sabay turo sa akin. I blushed.

"Hell no. She will never be. " He answered coldly. Ang lamig ng boses niya. Ayaw niya ako maging girlfriend why? Kumirot naman ang puso ko doon.

Matamlay naman ako lumakad patungo sa upuan ko.

"Bessy Aeger, why are you so glommy?" Vira asked. I didn't answer.

"Come on tell me."

"Later. I'll tell you." I answerd tumango naman siya.

"KEAN ANO BA!" Naguat ako na narinig ang boses ni Saige na sumigaw. Mabuti nga wala pa si Ma'am eh.

"MANAHIMIK KA SAIGE!" Nanahimik ang  lahat nang narinig ang sigaw ni Kean.

"I WILL NOT SHUT UP UNLESS KAUSAPIN MO AKO NG MATINO!"sigaw pabalik ni Saige.

"Let's talk later Saige. Not now." Ani ni Kean kay Saige.

Natahimik si Saige at umupo lamang nagkatinginan kami ni Vira.

"Kausapin natin si Saige mamaya." I told her. Tumango naman siya.

Napatingin ako sa harap. Nandoon pa si Fran at ang mga kaibigan niya. Nagulat ako sa pinakitang ugali ni Fran kanina. Ang bait niya yung Friday ba't ganito na ang ugali niya? Pakitang tao lang ba yun lahat?

"Good Morning Class." Bati ni Ma'am.

"Good Morning Ma'am" sabay sabay na tugon namin at tumayo.

"Please sit down. We have new students. Please introduce yourselves." At tumayo yung tatlo sa harap.

"Hi Girl- ARAY ay hehehehe. Hi everyone! I'm Declan Carson V. Lumaban. 19 years old." ani ni Declan. Habang nakahawak sa leeg dahil binatukan ng isa. Pfft.. bantot ng apelyido niya hahahahahaha.

"Cole Alexander M. Sanchez. 19." Ang cold naman niya mukhang tahimik ito ah. Kamukhang kamukha sila nung isa. Kambal yata to.

"Hi people! I'm Colton Alessandro M. Sanchez. Call me Colton or Ales. And he is my twin. Pasensya na at palagi yan PMS." Napatawa naman kami. Medyo madaldal si Colton. Kabaligtaran nang kambal niya.

"Okay. Declan, Cole and Colton proceed sa back doon kayo uupo." utos ni Ma'am sa kanila.

Sa likuran ni Fran si Cole. Sa likuran ko naman si Colton at sa likuran ni Vira si Declan.

|Cole| |Colton| |Declan|
|Fran|   |Me|     |Vira|

Habang nagdidiscuss si Ma'am ay nagdoodle na lamang ako sa notebook. Bigla may kumuhit sa akin. Napatingin ako sa likod. Nakita ko si Colton na ang kamay niya ay nasa baba niya at nagwhiwhistle. I just smiled at him.

"Tss.." Huh? Sino yun? Napatingin ako kay Fran namatalim ang tingin sa akin. Lumapit siya t bumulong sa akin.

"Huwag kang malandi." He told me.






Will He?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon