Ariac.

18 0 0
                                    

Ciara's POV

"uy" Tawag pansin ko kay Pines habang kumakain kami.
"You're spacing out again, andito po tayo sa earth koya wala sa ibang dimention"

"ay, may naalala lang" sagot nya.

"Naalala mo nanaman kambal mo?" Pagkasabi ko nuon ay napatigil sya sa pagkain at tumingin sakin, pagtapos ay yumuko at nagpatuloy sa pagkain.
"Wag ka mag alala kung nasaan man ngayon kapatid mo, siguro nasa maayos na lugar sya. You know, your twin is a strong man."

Ngumiti sya saakin at hinalikan ako sa noo.
Pagkatapos naming kumain nag insist ako na ako na lang mag hugas ng mga pinagkainan at mauna na syang matulog at umakyat.

Sanay akong may music sa tuwing nag iisa or may ginagawa ako, nabibingi kasi ako sa katahimikan. Sinuksukan ko ng speakers yung Phone ko, at linakasan ang volume. Sinimulan ko nang Maghugas ng pinggan.

Sumasabay ako sa music na pinapatugtog ko nang biglang parang nagugulo or parang Grounded yung speakers, sa pagkaka-alala ko bago pa lang ito at hindi na cheap na speakers ang binili ko. Nagbanlaw ako ng kamay at panandaliang tinigilan ang paghuhugas,
Chineck ko ito at inayos ang pagka Plug sa Cellphone ko, umayos sya. Ngunit maya maya nang bumalik na uli ako sa paghuhugas ay nagugulo nanaman ulit ito. Hinayaan ko muna dahil naghuhugas pa 'ko at ayoko na ng pabalik balik. Nang bigla akong may Narinig.
"ariac you're mine"

Hindi ko naintindihan ang unang sinabi nya, ang narinig ko lang ang mga katagang "You're mine"

Binilisan ko paghuhugas ng pinggan at dali daling inun-plug ang phone ko sa speakers at umakyat. Iniwan ko na sa baba yung speakers. Pumasok na agad ako sa kwarto ko maya maya may kumatok. Hinayaan ko lang nang biglang 'tong bumukas.

"nai-Lock mo na ba yung Pintuan sa baba?"

Si pines lang pala, magkatabi lang kami kasi ng kwarto. Yes we are couples at naninirahan sa isang bubong and yet magkaiba kami ng silid.

"ahm ano oo" sagot ko.

"ahh, anong nangyari sayo ba't pawis na pawis ka? Buksan mo yung aircon dito sa kwarto mo para ma preskuhan ka" -Pines

"wala medyo nainitan lang sa paghuhugas at pag akyat dito. Hindi na, mag Fa-Fan nalang ako keri na 'to"-ako

"Sige goodnight! Sweet Dreams"

Isasara nya na sana yung pintuan at aambang umalis ng bigla ko syang tawagin.

"Pines"
Tumingin sya sakin, umamba ako ng Hug at sabay sabing "Huugg!" Lumapit sya sakin at niyakap ako. Pagtapos non umalis na rin sya.

Lagi kaming ganon hanga't di ko sinasabing yakapin nya 'ko di sya Yayakap, minsan lang pag kusa. Pero sweet din naman sya sa mga di 'ko inaasahang moments. Shy type? LT. Torpe? ano ba 'tong pinag iisip 'ko panong ma to-torpe yon eh matagal nang kami.

Naputol ang pagmumuni muni ko nang mapansin kong may shadow na dumaan, kasalalukuyan akong nakatitig sa kisame at nabigla sa nakita ko, napabalikwas ako at tumingin sa bintana sigurado akong may dumaan na something kaya may shadow epek don sa kisame.

Sa sobrang takot ko pinagsasara ko lahat ng Bintana at Curtains sabay bukas ng aircon binuksan ko na din pati ilaw. Sayang kuryente pero hindi ako makatulog ng maayos ng ganon, mas mabuti na 'to.

Bill's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon