Career

2 0 0
                                    

Author's Note:
Eyoo btches! So it's been i dunno maybe 7 months mula nung sinimulan ko po ito, so medyo inaalala ko pa yung ginawa kong plot and ideas sa story, itutuloy ko na rin sa wakas after 7 months wahaha! So i really need your opinion guys kung tumatagilid yung story ko Comment langgg! Hihi

-Arift.MelanieWeirdo
-  - - - - - - - - - - - - - -
Ciara's POV

Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa binta. Pinag pasya ko na bumangon na agad dahil medyo naiinitan din ako since nawalan ng kuryente kagabi.

Mga around 10:15 na pala, tinanghali ako ng gising. Dumiretso ako sa banyo, naghilamos at nag mumog ako at pagkatapos dumiretso sa baba para mag handa ng agahan namin ni pines.

Tinatamad ako magluto kaya simpleng pancakes na may maple nalang ang inihanda ko.

Kumuha ako ng dalawang tasa at linagay sa coffee maker, hinintay kong mapuno ng espresso yung tasa at inilapag ko sa dining table yung inihanda kong agahan.

Hindi parin bumababa si pines, baka tulog pa, ipinagpasya kong akyatin sya. Pumasok ako sa kwarto nya at naabutan ko syang mahimbing na natutulog. Nilapitan ko sya at hinaplos ko ng maingat yung malambot na pisngi nya.

"Pines..." Tawag ko habang patuloy na hinahaplos yung pisngi nya.
"Gising na, lalamig na yung kape, hindi na masarap inumin yon"

Bahagya nyang inimulat yung mga mata nya at tinitigan ako at hinawakan nya bigla yung kamay ko. Nginitian nya 'ko. Hanep na yan ang aga aga laglag panty nanaman ako.

"Tara na, bumangon ka na jan bago pa malaglag yung panty ko sa pagpapa cute mo" Aya ko sakanya.

Tumawa sya ng bahagya at bumangon, dumiretso sya sa banyo. Nauna na 'kong bumaba at naupo. Maya maya ay bumaba na din sya. Tumayo ako muli at nag play ng music, feel ko mag OPM ngayon.

"Tinanghali na pala tayo ng gising" Pagpuputol nya ng katahimikan

"Oo nga, lalo na ikaw nakapag handa na ko ng breakfast naghihilik ka pa din tsaka, Ayan pa roma-romantic dinner date ka pa kasi kagabi nag brown out tuloy" sagot ko, Sabay tawa.

"Sus kinikilig ka din naman, tapos na bitin bitin ka pa muntik mo na 'kong manyakin kagabi, kaya nagpapasalamat ako sa brown out" Pang-aasar nya habang naka ngisi sya.

Sinamaan ko sya ng tingin at inirapan. Naalala ko tuloy yung kagabi, hindi yung sinasabi nyang pang mamanyak ha? yung chineck namin yung circuit breaker tapos kusang naka baba yung lever at naka off. Nakakapagtaka na talaga mga nangyayari sa paligid namin at lalo na sa paligid ko. Napatigil ako sa pag mumuni muni habang kumakain ng bigla syang nagsalita...

"Hayaan mo next time iaakyat na talaga kita kahit mag brown out or bumaha pa sa bahay, kaya may next time pa para manyakin mo 'ko" Humagalpak sya ng tawa sa sinabi nya.

"Ewan ko sayo! Bahala ka jan mag hugas ng plato ha! Dun ka sa waitress sa bistro magpa manyak" Tugon ko, at binuhat yung pinagkainan ko papuntang lababo.

May naramdaman akong yumakap mula sa likod ko.
"Thanks for the idea, pero mas gusto kong sayo magpa manyak" Nararamdaman ko yung bawat buga ng hininga nya sa leeg ko.

Humarap ako sakanya at unti unti niyang inilapit yung mukha nya sa mukha ko, bahagyang sumara yung mga mata 'ko, naghintay ako ng biglang

"Gumayak ka na, aalis tayo marami pa tayong aasikasuhin" Bulong nya.

Inimulat ko yung mga mata ko at nakita ko siyang naka ngisi, itinulak ko sya.

"Tabi nga jan! Linisin mo yung dining table tapos maghugas ka ng mga pinagkainan" Utos ko sakanya at dali daling umakyat sa kwarto.

Bill's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon