Introducing.

17 0 2
                                    

Author's Note: Guys kung mapapansin nyo, itong chap na to ay about sa Character natin na si Ciara at Pines, para makilala ng husto. Lalo na si Ciara.

Pines's POV

"san punta mo?" tanong ni ciara.

"Chi-Chill lang, may nag aya. Gusto mo ba sumama?" sagot ko.

"hindi na, manunuod na lang ako dito or i-check kung kamusta na yung branch"-ciara.

Pagkadating ko sa Bistro kung saan kami magki-kita kita ng mga tropa ko ay nahanap ko agad kung saang Table sila nakapuwesto.

"Uyyy andito na pala si Mr. Genius! Upo ka pare! Long time no see" bati sakin ni Caleb.

"So? Kamusta buhay? Oh wait bago ka mag kuwento, shot ka muna isa" sabi sakin ni gian.

Naka puwesto ako sa gitna ni gian at caleb. Lima kaming magkakasama.
Ininom ko ang alak na laman ng shot glass. Hindi ko tiyak kung ano bang alak yung pinainom nya saakin. Ramdam ko ang hagod ng alak sa lalamunan ko.
Naalala ko tuloy si ciara.

*Flash back*

May babae akong nakasabay sa Jeep. Kasalukuyan akong Galing sa Reunion namin ng family ko. Napansin 'kong mula pa lang sa jeep ay antok na antok na sya, nasa mga 11pm na ng gabi.

Nung pumara na sya Sinabayan ko syang bumaba, hindi talaga ako don dapat ba-baba pero ewan ko ano meron sakin at sinundan ko sya.

Pumasok sya sa isang village ngunit yung street na dinadaanan nya wala masyadong bahay damuhan lang. Napapansin kong medyo hindi maayos yung paglalakad nya para syang hilo na ewan. Oh baka nakainom.

Bigla syang tumigil at tumingin sa langit.

"Hayop ka!!" bigla syang sumigaw napa luhod sya sa damuhan. "tangina bakit?! Bakit?!" nagsisigaw sya tapos bigla nyang tinakpan ng dalawa nyang kamay ang kaniyang mukha.

Linapitan ko sya at hinubad ko yung jacket ko, at pinatong sa Balikat nya pagtapos ay yinakap sya. Hagulgol lang sya ng hagulgol. Nung kumalma na sya ay pumara ako ng taxi at hinatid sa apartment nya, dun ko daw sya ihatid. Nung nakatulog na sya sa apartment nya, ay Nag iwan ako ng note sa table.
"Call me when u're already awake. Thank me." at linagay ko yung number ko.

Hindi ko din alam kung bakit napaka gaan ng loob ko kay ciara nuon, ayoko rin naman syang iwan doon baka mapano pa sya.

At dun ko sya nakilala at nalamang Sawi pala sya, naudlot nyang manliligaw yung iniiyakan nya, akala nya nung una hindi sya na develope dun sa lalaki.
Habang tumatagal at lumilipas ang panahon hinahanap hanap nya na. She was alchoholic at mas lalo pala syang nalulong sa alak nung nasaktan sya. Naglilibang sya. Nag lalasing.

Although na Alchoholic sya nabago nya na rin naman. She isn't a bad person, or what yes, may mga attitude syang hindi kanais nais. Pero habang tumatagal nung naging kami, thank god at unti unti syang nagbago. She improved at mas lalong tumibay yung relasyon naming dalawa.
*End flashback*

"So pare kamusta buhay? Kamusta yung Negosyo nyo?" -tanong ulit ni gian

"Ayos naman, may dalawa nang bagong pinagagawang branch sa Laguna"-sagot ko.

May negosyo kami at si ciara ang katuwang ko, may restaurant kami at marami rami na rin ang mga branch nito. Dito 'ko kinukuha yung pangtustos sa mga pangaingailangan namin at yung mga matiryales at mga gastos sa portal na ginagawa 'ko.

Nagpatuloy ang kuwentuhan, kamustahan sa isa't isa at tawanan.
Medyo tinatamaan na 'ko pero na sa huwisyo pa naman ako, hindi ako ganon kalakas uminom dahil hindi naman ako sanay. Naisipan 'kong mag CR muna at maghilamos.

"Pre, CR lang ako saglit balik din ako agad" paalam ko, pagkapaalam ko ay dumiretso na 'ko sa banyo at naghilamos.

Paglabas ko may babaeng naka tayo, maganda ito pati na rin ang hubog ng katawan nito. Napansin kong waitress ito dito dahil sa uniporme na suot nya. Lalagpasan ko na sana sya ng bigla nya 'kong hilahin at halikan. Katulad ng sinabi ko medyo natamaan na 'ko't medyo hilo kaya hindi ko sya naitulak agad. Nang makawala ako ay...

"Miss problema mo? ba't bigla kang nanghahalik? Gusto mo masisante? Is that how you treat your customers here? Bistro 'to hindi strip club"-ako

"sorry sir." Sagot nya.

Pagtapos non ay bumalik ako sa table namin. Maya maya ay Nagpaalam na rin ako sakanila, at sinabing hinihintay ako ni ciara umuwi.

Pagkababa ko nang Kotse ay nakita kong Nakasara na halos lahat ng ilaw sa bahay. Natatanaw ko bintana ng Kwarto ni ciara ay patay na ang ilaw, siguro tulog na. Pagkapasok ko ay dumiretso ako sa kusina at nagulat ako sa nakita 'ko.

Nakita kong May hawak na bote ng alak si Ciara at parang pangalawang bote nya na yon dahil yung isang malaking bote wala nang laman, at yung hawak nya nangangalahati na.

"Oh himala umuwi ka pa? ayaw mo dumiretso ng motel?"-sabi nya.
--------------------
author's note:
yung pagpapatuloy nyan Next chap na. pls comment or what kung maganda ba flow nung story. Thanks
-arift. melanieweirdo

Bill's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon