Two

23 2 0
                                    

Pagkagising ko mabigat parin ang aking pakiramdam. Ikaw ba naman ang pagkaisahan ng barkada. Nung natapos kaming mag usap ni Tita Elaine nagpasundo ako kay Rick. Speaking of Rick, nakalimutan ko lang naman na birthday niya kahapon.. Sobrang pre-occupied ang utak ko to the point na nakalimutan ko ang birthday niya. At dahil nakalimutan ko,  ako ang naging taya.

"Urrrrrg" hilo akong tumayo at marahang hinihilot ang aking sintido

Kalahating case ng beer lang naman ang nainom ko kagabi. Dahil nadala ako sa bugso ng aking damdamin hindi ko na namalayang nakarami na pala ako. Kung hindi pa ako inawat ni Rick malamang baka narape na ako ng mga mapagsamantalang tao. Thankful ako kasi may isang Rick na nag eexist sa buhay ko.

At dahil late na akong nagising, binilisan ko ang pagligo. Paglabas ko sa aking kwarto wala akong nadatnan na tao sa sala. Himala at walang tao. Kaya naman pala hindi ako nagising dahil bukod sa aking hang over wala rin akong narinig na alarm clock.

Dahil sa worried ko tinawagan ko ang aking nanay. Baka kasi kung anu na ang nangyari doon. Parehas pa naman kaming maganda, alam niyo na pag maganda lapitin ng mga boys pero ang pinagkaiba lang namin allergy ako sa mga boys except kay Rick na aking bestfriend.

"Nay asan ka? " halata sa aking boses ang pag aalala. Sino ba naman ang hindi mag aalala kung pag gising mo napalitan kana.... Ay este kung pag gising mo wala na yung nanay mo.

"Anak.. Ikaw muna ang bahala sa bahay ha, magbabakasyon lang ako at sa pagbabalik ko ayos na ako" nay ang tinatanong ko ay kung nasaan ka. Ang dami mo pang alam na drama.. Syempre sa isip ko lang yan sinasabi... Hehe

"Nay sigurado bang ok ka langGusto mo puntahan kita" hindi ko man nakikita si nanay ramdam ko ang kanyang lungkot dahil sa boses palang niya damang dama ko na

"Don't worry anak i'll be fine. Nanay will miss you. I love you" and she hung up the phone.  Nay kung nasaan ka man ngayon at kung anu man ang magiging desisyon mo magiging masaya ako para sayo

Hindi nga pala alam ni nanay na nagkita kami ni Tita Elaine kahapon. Alam kong sa tamang panahon maaayos din ang lahat. Alam kong sa tamang panahon maitatama din ang pagkakamali. Dahil alam ko may rason kong bakit nangyari ang lahat ng 'to.

Ok tama na ang pag eemote. Balik na tayo sa realidad. Andito na ako sa office kong saan ako nagtratrabaho.

Isa nga pala akong event especialist. Trabaho ko ang mag organisa ng mga social events tulad ng mga birthday parties, debu,  binyag pero sa lahat ng selebrasiyon ang pinaka iilagan ko ay ang pag organiza ng wedding. Hindi kasi ako naniniwala sa kasal dahil para sakin isa lamang itong kapirasong papel at hindi ito ang magbubuklod sa pagsasama ng dalawang nagmamahalan. To make it short WALANG FOREVER.

"Hello Bessy" bungad ni Shao, sabay beso sakin

"Kayo ha nilasing niyo ako kagabi, anong klaseng kaibigan kayo? " pagmamaktol ko

"Hoy babae ikaw kaya ang ayaw magpaawat, ang dami mong... " hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin kasi tinakpan ko ang kanyang bunganga

Waiting For YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon