Four

19 2 0
                                    

Sa isang relasyon hindi mo maiwasang masaktan. Kahit sa isang kaibigan pwede palang mangyari iyon. Nasasaktan ako para sa kanya kasi sa dinami dami ng babae bakit ako pa. Ako na hindi kayang suklian ang kanyang pagmamahal. Ako na takot pang magmahal, hindi pa kasi ako handa sa commitment. Kasi gusto ko pag nag mahal ako 'yong handa na ako.

Inihatid muna namin si Shao bago kami umalis ni Rick. Andito kami ngayon sa isang lugar na ngayon ko lang napuntahan. Hindi ko aakalain na may ganito pala sa lugar namin.

Ang tawag daw dito LOVE GARDEN.

Tagong lugar ito kaya kunti lang ang nakakaalam. Kaya pala bilang din ang mga tao na nandito ngayon. Nilibot ko ang aking paningin at masasabi kong napakaganda ng lugar. Napapalibotan ito ng mga bulaklak. Kahit gabi na kitang kita parin ang view. Sa may bandang gitna may LOVE na design na pwedeng pag picturan. Sa bandang right side my nakita akong butterfly garden, nakaka aliw tignan ang mga paru-parong lumilipad. Gusto ko sanang manghuli pero baka pagkamalan akong baliw.

Gabi kaya, buti pa sana kong alitaptap

Umupo kami sa may damuhan at pinanauod ang mga naggagandahang bituin sa taas.

"Naaala mo ba noong mga bata pa tayo? Palagi nating ginagawa ito. " panimula niya. "Buti nga lumevel up na tayo eh, 'nong mga bata tayo nasa bobong lang tayo at halos papakin tayo ng lamok non."

"Huwag mo na nga ipaalala 'yon, you only reminds me how old we are now."

"Nica, age is just a number. It is only in the mind pero ang youth nasa pakiramdam 'yan." pangangaral niya. "Ako nga kahit 22 na ako, I still feel like sweet 16" saka siya tumawa pero 'yong mahina lang

"Kaya isip bata ka parin most of all the time" pangangaral ko rin sa kanya.

Biglang tumahimik ang atmospher kaya medyo awkward. Tumingin ako sa taas at saktong may falling star. Sabi nila kapag may nakita ka daw na falling star mag wish ka daw at magkakatotoo ito.

Sana..... Sana matupad 'yong winish ko.

"Ano winish mo?" Tanong sakin ni Rick

"Hindi pwedeng sabihin dahil ayon sa matatanda kapag sinabi mo sa iba hindi daw magkatotoo." Sagot ko sa kaniya

Ang winish ko, na sana makahanap na siya ng taong kayang mahalin siya. 'Yong taong kayang pantayan ng higit pa sa binibigay niyang pagmamahal sakin at kong dumating man ang panahon na 'yon wala na akong ibang hihilingin pa para sa kanya.

Waiting For YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon