Six

11 2 1
                                    

Kahit antok na antok na ako mas pinili ko paring tapusin 'yong na reject na ginawa ko.

Simple lang ang gusto niya.

Okay! Kaya ko ito

'Yong mga naiisip kong concept agad kong inisketch para kong may mali man, mababago ko agad.

Hindi ko naman kelangan baguhin lahat. Tatanggalin ko nalang 'yong mga hello kitty balloons. Tapos 'yong nasa round table ganon na siguro 'yon.

Napahikab ako. Sign na inaantok na ako. Day off ko naman bukas kaya bukas na bukas ipapamukha ko sa lalaking iyon na mali siya. Mali siya kasi ngayon ko lang naranasan mareject.

Heto na...

Tapos ko na. Ewan ko lang sa lalaking ito kong hindi parin pasado sa kanya.

Sabi niya sa LB Park nalang kami magkita. Pumayag narin ako kasi walking distance lang siya samin.

At ito nga naglalakad na ako papunta sa park. Tahimik ang lugar kasi umaga palang. Kukunti palang kasi ang tao pero kapag hapon madaming love birds na nagde'date.

Tutal wala pa siya. Umikot muna ako. Malaki narin pala ang pinagbago ng lugar na ito.

May mini fish pond sa bandang dulo. Naghulog ako ng barya at sobrang nakakaaliw sila. Kasi nag unahan silang kunin 'yong barya na akala nila pagkain.

Lumipat ako sa kabila at naagaw ng atensiyon ko ang mga humuhuni na ibon. Ngayon alam ko na kung bakit LB Park ang pangalan ng park na ito. Para sa mga Love Birds pala itong park na ito.

So kung para sa mga love birds pala ang park na ito? Anong ginagawa ko pa dito?

Aalis na sana ako kaso biglang sumulpot sa harapan ko ang isang nilalang. Nakasuot siya ng fitted white na shirt na tinernohan ng maong pants. Sobrang simple tignan pero napakagwapo niya.

"Laway mo, tumutulo na." at nag acting pang pupunasan ang laway ko.

Walang laway okay, OA kayo masyado

Kahit kailan talaga bweset itong lalaki na ito kaya iniwas ko ang kanyang kamay.

Janica kalma ka lang. Isipin mo kunting tiis nalang matatapos na ito

"Ito na 'yong report ko sir." pormal kong sabi. "At kung may problema aayusin ko nalang ulit"

Habang binubuksan niya yung envelop napapikit nalang ako.

Sana okay na para hindi ko na makita ang pagmumukha ng lalaking ito.

Kung sa tingin niyo ok ako, nagkakamali kayo kasi sa isip ko minunura ko talaga siya... Oi baka iniisip niyo na bad ako ha! Halata naman na siya ang bad kasi siya si Aaron BADeo... Gets niyo??? Haha dami ko tawa mga dalawa.

Waiting For YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon