Chapter 3: Damage

19.2K 352 15
                                    

Celeste Desjardins as Celeste Golbach. Picture attached at the top. Enjoy reading.

Chapter 3: Damage

Saic Edrian's POV

"I'm sorry, Sir. We found out that the one who passed is your sister, Keana Feri Caleb."

I shook my head again from my thoughts. Naaalala ko na naman noong gabing sinabi sa akin ng doktor na ang kapatid ko ang namatay sa car race na 'yan. Ilang gabi rin akong hindi nakatulog, bagsak sa trabaho, bagsak pa sa nararamdaman ko. Ang sakit-sakit kasi. Hindi ko inakalang mawawala ang kaisa-isa kong kapatid.

Ngayon ay nandito ako sa puntod niya at binibisita siya. Isang taon na rin siyang wala sa tabi namin ni dad pero nakayanan naman namin.

Si dad naman ay nanghihina na rin dahil siguro sa pagkawala ni Feri. Pinipigilan din ako ni dad na sampahan ng kaso si Celeste kasi wala naman daw siyang kasalanan. Aksidente ang nangyari at walang may gusto dito. Pero kasalanan niya pa rin kung bakit nawala si Feri. Kung maingat lang siya sa pagmamaneho at hindi desperadang manalo, malamang nandito pa si Feri sa tabi namin, nakangiti at masayang nakikipagkulitan.

Feri is the one who deserves to live and Celeste is the one who deserves to die.

Naisapo ko na ang mga kamay ko sa mukha ko kasi nag-uumpisa na namang tumulo ang luha ko. I shook my head and sighed.

"Good bye, Feri. I love you. See you again." Umalis na ako at umuwi na.

Gusto ko lang makapag-isip at mawala na lang ang kalungkutan na 'to. Gusto ko kasing makuha ang hustisya ni Feri pero hindi ko alam ang gagawin ko.

Pagkadating ko sa bahay ay sobrang tahimik ng paligid.

"Dad! Dad!" Tinawag ko si dad pero walang sumasagot.

Ngayon lang siya hindi tumambay dito sa sala ah. Kadalasan kasi lagi siya dito sa sala at nanonood ng TV. Pero ngayon tahimik at sarado ang TV.

Tinawag ko siya ulit pero hindi pa rin siya sumasagot. Nasaan naman kaya siya? Wala naman siyang trabaho dahil nagretiro na siya sa company at sa akin na napamana ni dad kaya ako na ang laging nandoon.

Pumunta ako sa kwarto niya at nakita ko siya na nandoon at nakadapa sa kama niya.

"There you are." Masaya kong sabi. Mukha namang tulog na tulog siya.

"Dad. Are you okay?" Tanong ko sa kanya habang papalapit ako at nang makalapit ako ay hinawakan ko siya. Sa sobrang pagtataka ko ay iniharap ko siya at laking gulat ko nang...

"What the fuck?" Napabulong ako. "Dad! Dad! Dad! No! It can't be. Dad!" I'm shrugging him.

Meron siyang hawak na bottle ng gamot at nang makita ko ang bote na ito may nakalagay na poison warning.

No, it can't be. Hindi kayang gawin ni dad ito sa akin.

Nagsimula na akong kabahan at hindi ko na alam ang gagawin ko, tumutulo na rin ang luha ko. Tumayo ako at naghalukipkip sa buong kwarto at may nakita akong sulat mula sa kanya na nakalagay sa side table.

I couldn't take it anymore, Saic. Just be with yourself and take care of our company. Feri and I are okay now. We're home. You'll always be my son. I love you, Saic.

'Yan ang nakalagay sa sulat niya at hindi ko magawang makapaniwala sa laman nito. Bakit? Bakit nagawa 'to sakin ni dad?

Dinial ko ang number ng hospital at maya-maya lang ay nandiyan na sila agad.

Prisoner in Bed [PUBLISHED under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon