SPECIAL CHAPTER

6.5K 109 24
                                    

"Mom, where's daddy na po?" Zac asks while playing his fingers on top of the dining table.

"Just wait there. Daddy's on the way, sweetie."

Lumuhod ako sa tapat niya at hinalikan ang noo niya. Ang mga mata niyang magaganda ay nakuha niya sa akin. Ang tangos ng ilong at mapupulang labi ay sa akin din nakuha kasama na din ng pagngiti niya. Para siyang boy version ko pero mas gwapo.

Bigla namang lumundag si Aisel mula sa likod ko at niyakap ako, kaagad ko naman siyang hinarap.

"Mommy! I can't wait. Daddy's taking so long." Nag-pout pa siya sa akin.

Ang cute talaga ng mamula-mula niyang pisngi at ang pinkish niyang labi pati ang mga mata niyang nakuha niya kay Saic. Ang korte ng kanyang ilong at hugis ng mukha ay nakuha niya din kay Saic. Para naman siyang girl version ni Saic at sobrang ganda. Nagkapalit kami ng kamukha ni Saic. Siya kay Aisel at ako naman ay kay Zac.

"Just sit there and wait for daddy, okay?" Payo ko na lang at tumayo para iupo si Aisel sa tabi ng inuupuan ni Zac.

"You two behave, okay? Just wait there."

"It's daddy's birthday, Ice. Behave." Suway ni Zac sa kambal niya. Ice kasi ang pinapangalan namin sa kanya, short for Aisel.

Umiling na lang ako at ngumiti at hinanda na ang mga niluto ko for our small celebration.

Saic and I have these lovely and super cute twins. They are five years old. Si Zachary, my baby boy, ang naunang lumabas sa kanila at si Aisel, my baby girl, ang sumunod na lumabas. They are so cute pero minsan hindi talaga maiwasan ang pagkamakulit nila dahil mga bata pa.

Bossy si Zac pero masunurin sa amin ng daddy niya, hindi siya showy sa pagiging sweet sa amin. Minsan nga naiisip ko nagmana ata sa daddy niya. Si Aisel naman ay sobrang sweet niya sa amin ng daddy niya pero minsan mainipin gaya ngayon. Saic and I raising these kids right. Hindi namin sila pinapalaking spoiled although we have everything we need. Dinidisiplina namin sila gaya ng pagdisiplina sa amin dati. Ganoon din ang ginagawa ng yaya nila.

Zac and Aisel are IVF babies or In vitro fertilization babies.

I can't bear a child.

Noong unang taon ng kasal namin ni Saic ay nagtataka kami kung bakit wala pa ding nabubuo kahit araw-araw na kaming nagsisiping and not using any protections. Morning sex, evening sex, we also tried every position that we knew. Our sexcapades went crazier on our first year of marriage. Saic's libido is so high. We tried making out on our office, every single day, Saic enjoyed being inside of me. We tried making out in his car too in the parking lot.

Hanggang one day, inip na inip na si Saic. My PT tested negative again. Nababahala na ako kasi two years na kaming active pero wala pa ding nabubuo. Kaya nagpunta na kami ni Saic sa OB GYN and found out that I am infertile. I can't bear a child that's why siguro hindi ako mabuntis-buntis. Dulot daw ito ng mga pinagdaanan kong surgeries dati nang maaksidente kami ni Feri. May radiation pa din daw ang aking katawan gawa ng mga machine na nagpagaling sa akin dati.

Halos manlumo ako sa mga narinig ko pagkatapos nh check-up na 'yon. Iyak ako nang iyak, feeling guilty that I can't give him a family na gustong-gusto niya.

I was so depressed that time and Saic was there to comfort me. Hindi din siya nag-give up sa akin knowing that I can't bear his child. He handled our issue well. Gusto ko na ngang iwan niya na lang ako that time at maghanap ng babae para anakan niya pero hindi siya pumayag dahil mahal na mahal niya daw ako at malalagpasan din daw namin iyon.

Until one day, the doctor encouraged us to have IVF babies. Malaking possibility daw na magkaroon kami ng anak with our genes. Naging masaya kami dito at nag-try nito. Kumuha sila ng eggcell ko at ng sperm ni Saic. They did some laboratory works at naghanap din kami ng healthy na babae to bear our twins. Napili namin na magkaroon ng kambal since it is possible daw sabi ng doctor. We paid the woman who carried our twins hanggang sa ipanganak sila, sobrang saya namin at nagpasalamat sa kanya kasi healthy na lumabas ang dalawa.

Prisoner in Bed [PUBLISHED under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon