Kellyafter 1 month
Gradute na kame ng High School! Ngayon ang pagtatapos namin ng High School at eto ako sa bahay dahil nag handa si Mama ng kaunting pagkain. May palabok at menudo.
"Ma pupunta po ako kila Chanyeol" paalam ko kay Mama.
"Sige umuwi ka ng maaga." tumango ako at pumunta na kila Chanyeol.
"Chanyeol!" nagulat sya ata ng nakita ako. Bigla ko syang niyakap at binigay sakanya yung regalo ko.
"Nag abala ka pa. Sorry ah wala akong regalo sayo" nakayuko nyang sabi. Tinaas ko naman ung ulo nya.
"Anu ba! Hindi naman ako nanghihingi eh. Tara dun tayo sa likod" hinila ko sya sa likod at umupo kame kagaya ng dati.
"San ka mag aaral next year" tanong ko sakanya.
"Sabi ni Tatay hindi na daw ako mag aaral. Tutulungan ko na lang daw sila ni Tito sa pagsasaka"
Hay, alam ko naman mahirap sila kaya naiintindihan ko yun. "Hihiwalayan mo ba ko dahil mahirap ako?" nagulat naman ako sa tanong nya.
"Huh? Hindi bakit naman? Ako din kaya mahirap. At alam mo naman na mahal kita kahit anu ka pa" ngumiti lang sya ng simple at niyakap ako.
"Ikaw, san ka mag aaral"
"Hindi ko pa alam. Hindi pa namin yan ni Mama napag uusapan"
"Sana dito nalang para lagi pa rin tayong mag kikita"
Sana nga. Sana kami talaga ang naka tadhana sa isat isa.
×××××
"Anak may sasabihin ako sayo" sambit ni mama pagkatapos naming kumain ng hapunan.
"Anu po yun?"
"Napag desisyonan namin ng tatay mo na sa Tito mo ikaw titira pag nag kolehiyo kana" nagulat ako sa sinabi ni mama.
Ibig sabihin sa Manila ako mag aaral? Unang pumasok sa isip ko si Chanyeol. Panu kame? Pag nag aral ako magiging busy na ko dahil college na ko.
"Anak alam ko namang iniisip mo ngayon si Chanyeol pero sana intindihin mo rin na para sayo tong ginagawa namin" hindi ako sumagot, gusto kong maiyak dahil ayokong umalis sa tabi ni Chanyeol.
Pero tama din sila, para sa ikaka buti ko toh. "Dun ka titira sa tito mo. Pag aaralin ka nya kapalit ng pag ta trabaho mo sa karinderya nya doon sa Maynila. Sa isang buwan pa alis mo, may araw pa para makasama mo si Chanyeol. Lubos lubusin mo na" umalis na si mama at ako naman pumunta sa kwarto ko.
Isang buwan? Lulubus lubusin ko na nga. Wala akong magagawa kay mama dahil kahit umiyak ako ng dugo sa harap nya hindi nya ko pag bibigyan na mag aral ng kolehiyo dito.
××××

BINABASA MO ANG
Still Waiting [Chanyeol Fanfic]
FanfictionSabi nila 'True Love Waits' mapapa tunayan ka un ng storyang toh? Long distance relationship. Yan ang problema. Happy Ending ba? O hanggang Once Upon A Time nalang?