(Reading while playing Paalam na"Kelly
Malapit na kong umalis papuntang Maynila. Hindi ko sinabi kay Chanyeol na aalis ako. Sinulit ko ung mga araw na natitira samin.
Ung mga ipon ko nung high school pa ko ginastos ko na. Mahigit 10,000 din yun. Pero may natitira pa naman.
Sa loob ng isang buwan palagi kaming nagkikita sa paborito namin lugar. Tuwing hapon at umaga nandon kami, hinihintay ang pagsikat ng at ang pag lubog ni toh.
Palagi kaming pumupunta sa park at nakikita namin don si Josh ung kamukha nyang bata. Palagi kaming naglalaro. Pumunta din kame ni Chanyeol sa perya, sumakay kame ng roller coster at ferris wheel. Tuwing linggo nag sisimba kame at mamamasyal kame sa palengke. May mga ukay ukay don at palagi ko syang binibili ng T-shirt.
Bukas na alis ko at ang hirap hirap para sakin. "Anak alam na ba si Chanyeol ang pag alis mo?" umiling lang ako dahil wala akong gana ngayong araw. "Anak sabihin mo na"
Pumunta ako sa likod ng bahay at sinabi ko magkita kame duon.Umupo muna ako duon at hinintay sya.
Dapat hindi ako umiyak, dahil alam kong mag aalala lang sya sakin.
"Kelly, bat mo ko pinapunta dito?" biglang nanggilid ang mga mata ko. Hanggang kelan ko ba maririnig ung boses na yun?
Umupo sya sa tabi ko bigla ko syang niyakap ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.
"Bakit?" tanong nya. Inalis ko ang yakap ko sakanya at humarap sa ilog na malawak.
"Aalis ko" mangiyak ngiyak kong sabi.
"S-saan? Pupunta ka bang palengke? Sa simbahan? Uuwi sa bahay nyo? Ano? Basta wag lang m-malayo..." alam kong umiiyak na sya dahilan para ayong humarap dahil nasasaktan ako pag nakikita ko syang umiiyak.
"B-bukas ng maga, pupunta na kong Maynila. Duon na ko mag aaral"
"Pano tayo?"
"D-diba meron naman tayong cellphone. Tatawagan kita, ite text"
"Pero hindi tayo magkikita" tama hindi kami magkikita. Sabi ni Mama hindi daw ako uuwi ng dito hanggat hindi ko natatapos ang pag aaral ko.
"Chanyeol... mahal na mahal kita. Alam mo naman yan diba?"
"O-oo naman, basta pangako mo..ako lang ha?"
"Oo i-ikaw lang"
Nag pasya kaming dito muna kami saglit. Gusto ko syang makasama kahit saglit lang.
×××××
Hanggang Chapter 20 lang po ito.

BINABASA MO ANG
Still Waiting [Chanyeol Fanfic]
FanfictionSabi nila 'True Love Waits' mapapa tunayan ka un ng storyang toh? Long distance relationship. Yan ang problema. Happy Ending ba? O hanggang Once Upon A Time nalang?