Chapter 11

1 0 0
                                    

(Now playing Kailan Kita"

Kelly

Maaga akong gumising, itenext ko si Chanyeol na maghintay sakin sa paborito naming lugar. Naka ayos na lahat ng gamit ko, at pumunta na ko sa likod ng bahay.

Nakita ko syang naka upo at hinihintay ang pag sikat ng araw. Tumabi ako sakanya pero nanatili syang tahimik.

Ilang saglit lang binasag nya ang katahimikan sa pamamagitan ng mahigpit na yakap at mahinang pag iyak sa balikat ko.

Niyakap ko sya pabalik at isinandal sa balikat nya ang ulo ko. Pinikit ko ang mga mata ko at  hinayang umiyak sa balikat nya.

"C-Chanyeol...mamiss kita"

"Sana pwede akong sumama sayo"

"Ok lang kahit malayo ka basta alam kong mahal mo ko. Babalik ako"

"O-oo babalik ka, at pag--pagbalik ko magpapakasal tayo, magkaka anak at mag kaka apo"

"P-pangako mo yan. Wag--wag mo kong kakalimutan ah. M-mahal na mahal na mahal kita Kelly"

"Ako rin Ma-mahal na mahal kita" Humiwalay ako sa yakap nya at pinunasan ko ang mga luhang umaagos sa mata ni Chanyeol.

"E-eto" kuha ko sa isang pulang San Rio sa buhok ko. "Ingatan mo yan. Pag balik ko dapat hindi pa yan pigtas. Tandaan mo...hanggat hindi yan na pipigtas, babalik ako"

"P-pangako iingatan ko"

"A-aalis na ko.." Bago ako umalis binigyan ko sya ng simpleng halik sa labi. Simple pero may halong pag mamahal.

"Mahal na mahal kita Chanyeol... Pa-pangako babalik ako"

"Mahal na mahal din kita Kelly, at hihintayin kita"

Muli kaming nagyakapan na para bang ayaw na naming umalis sa isa't isa. Pero wala na kong magagawa, tumakbo na ko sa kanto namin. Duon naghihintay sila Mama para mag abang ng Bus.

Nang may dumaang Bus. Sumakay na ko at sila mama na bahala sa bagahe ko sa lagayan ng bagahe sa baba ng bus.

Pero bago tuluyang umalis ang bus nakita kong tumatako si Chanyeol. Ordinary lang ang bus kaya rinig na rinig ko ang boses nya.

"KELLY! MAHAL NA MAHAL KITA! SABI MO BABALIK KA! AT PINANGHAHAWAKAN KO YUN! SA TAYO PA RIN! KELLY HIHINTAYIN KITA..!!" sinisigaw nya habang patuloy ang pag bahol sa bus habang umiiyak.

Hindi ko magawang tumitig sa mata dahil nasasaktan lang ako. Ang tanging nagawa ko lang ay umiyak. Umiyak ng umiyak.

Naniniwala akong kung kayo talaga, kayo talaga. Kung hindi, hindi. Everthing happens for a reason.

××××

Short story lang po toh. Sana suportahan nyo hanggang ending. Promise maganda ending.

Still Waiting [Chanyeol Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon