Si Pareng Luis

191 6 1
                                    

"Dadalhin kita sa aking palasyo, dadalhin hanggang..."

Napahinto ako sa pagbirit na mala Ms. Regine Velasquez nang maalala ang mga nangyari kanina sa munisipyo. Hindi ko naman sinasadyang marinig ang usapang iyon pero nangyari na at ngayon nga ay hindi ako makatulog kahit na tulug na tulog na si Luis. Kinakabahan ako at natatatakot sa kung ano ang mangyayari bukas.

Haaaaaay. Hindi ko tuloy maiwasang mapabuntong hininga at mapaisip.

Marami ang nagsasabing ang mga tumatakbo raw sa pulitika ay ang mga taong may lihim na pagnanasang makalamang sa kapwa at maging mas mataas at tinitingala. Ang mga pulitiko raw ay nasapwesto para magpayaman, maging mas mayaman, at maging pinakamayan.

Well, I bet to disagree. Siguro yung iba ganoon nga, kasi sino ba naman ang magtatapon ng sariling pera para sa kampanya para manalo kung hindi naman babawi sa huli hindi ba? Sino ba naman ang hahayaang mabasa at magpadulas para mapabilis ang pagtatagumpay kung walang kapalit? Para saan pa nga naman kung may kapangyarihan ka na tapos hindi mo naman magagamit para sa pag-unlad ng buhay mo at ng mga taong mahal mo?

Pero hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Luis. Iba siya sa mga pulitikong nababalita sa social media, sa telebisyon, sa radyo at sa dyaryo. Mali sila nang inaakala kung bakit nanatili si Luis sa posisyon niya at patuloy na tumatakbo kahit na may iniinda na siya sa kalusugan niya.

Marami akong alam tungkol kay Luis dahil sa lahat ng lakad niya at sa lahat ng dokumentong kailangan niyang basahin—mapasulat man galing sa constituents niya, requests mula sa mga kapwa politiko at panliligaw ng mga partido, death threats na hindi na mabilang, financial reports, proposals, biddings, mga thank you letters pero pampadulas lamang pala, at kung anu-ano pa.

Minsan kapag kailangan niyang mag-research at gamitin si Mr. Google ay ako rin ang kasama niya kaya masasabi kong malaki rin ang papel ko sa buhay ni Luis. Ni minsa'y hindi niya ko iniwan at lagi niya akong sinasama sa lahat ng mga events sa buhay niya.

Madalas ko ngang naririnig sa mga tao na mas gwapo raw si boss kapag papalitan na niya ako pero mas pinipili niya pa rin ako.

Sampung taon na kaming magkasama mula nang malaman niyang malabo na ang mga mata niya, yung kaliwa ay 350 ang grado tapos yung kanan ay 450 naman. Kung tutuusin para na rin siyang bulag kapag wala ako at parang anino na lang ang nakikita niya. Kapapanalo pa lang niya noon bilang Baranggay Chairman nang una niya akong suotin at talaga namang proud na proud ako.

Una naming binasa ang sulat na galing sa mama ni Luis. She was congratulating her son for a job well done at 'finally' makakabawi na rin sila.

Hindi ko man naintindihan iyon, mukha namang tagos sa puso dahil hinubad niya ako at pinunasan ng panyo nang nabasa ako ng mga luha niya. Marahil ganoon kabigat ang sulat kaya hindi niya napigilang mapaiyak. Muntik pa tuloy madulas noon si Luis.

Paano ba naman, dahil sa hinubad nga niya ako, hindi niya nabasa yung nakasulat sa karatula ng mababang paaralan ng Barrio San Jose na BABALA, 'Slippery when wet'.

Good thing, magaling siyang mag balanse kaya hindi siya natumba sa pagkakatayo niya at nakaakyat pa rin siya sa stage para magbigay ng welcome remarks na nagdala naman ng malakas na palakpakan ng mga tao lalo nang sinabi niyang magpapatayo siya ng bagong gusali para sa silid-aklatan ng mga bata.

"One way, Jesus, You're the only one that I can live for."

Nagising si Luis sa mahimbing niyang pagkakatulog dahil sa lakas ng ring tone ng kanyang cellphone. Mula nang matanggap niya yung maliit na Bibliya na bigay sa kanya ng isang taga San Jose na survivor ng cancer ay naging medyo banal na itong si Luis kaya kahit ang ring tone ng cellphone niya ay "One Way Jesus". Ang sabi niya kasi, kung Kristyano ka, huwag kang mahiyang ipagsigawan sa mundong na kay Kristo ka.

Rush (Short Stories and Life Inspirations) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon