Nirvana Mhay's Picture ↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑
------------------------------------------------
Nirvana Mhay's POV
Ang sakit ng katawan ko na parang pinupunit sa bawat galaw na ginagawa ko. Idinilat ko ang aking mga mata ngunit medyo malabo pa ang aking nakikita. Nawala ang labo ng aking paningin ng biglang may sumigaw na medyo kinagulat ko.
"Sa wakas! gising kana!"- Sigaw ni Trixie na akala mo na-comatose ako.
Inalalayan ako ni Trixie para makasandal sa headboard ng kama upang makita lahat ng tao sa kwarto.
"Bakit ilang oras ba akong natulog? Nasaan ako?"-Tanong ko
"Anong oras pinagsasabi mo, sabihin mo araw. Dalawang araw ka kayang tulog at nasa Hospital ka ng Academy"-sagot ni Jamy
"Nagugutom ako"- Saad ko at sumabay pa ang pagkulo ng aking tiyan.
"Halata nga"-Sambit ni Mj
"Kuha lang kami ni Mj ng pagkain mo"-Pag prisinta ni Luis at lumabas na sila.
"Oo nga pala. Punta ka daw sa office ni Head Master"- Sabi ni Jamy
"Why?"-Tanong ko
"Don't know"- Ani Trixie
Bakit kaya ako pinapatawag? Pero ang tagal ng pagkain ko ah!
Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas ito. Si Nurse Jyn lang pala. Tinignan niya kung fully healed na ba ako.
"Pwede kana lumabas at deretso kana rin daw sa office ni Head Master"- Pakli ni Nurse Jyn.
"Sige po"- sagot ko
Bumukas ulit ang pintuan at tuwang tuwa ako sa nakita ko dahil dala na nila ang pagkain na kanina ko pa hinihintay.
"Ito na pagkain mo"- Sabi ni Luis at inabot sakin ang pagkain na dala.
Kinuha ko ito at nilantakan agad.
Pagtapos kong kumain pumunta ako sa banyo para maligo. Binigyan naman ako ni Trixie ng damit pamalit
Trixie's POV
Nang pumunta si Mhay sa banyo ay nag-usap na kaming apat, wala naman si Alexus dito at si Mhay nasa banyo kaya apat lang.
"Bakit kaya siya pinapatawag ni Headmaster at mag-isa lang siya?"- I ask out of curiosity
"Baka kasi hindi siya nakasama nung nagpameeting si Head Master"- sagot ni Jamy
"Ano bang nangyari kay Mhay noon?"-Luis
"Kasi ano.. Nung nag concentrate na siya.. After 10 minutes lumulutang nalang siya bigla at--"- ako
Naputol ang sasabihin ko ng biglang nagbukas ang pintuan sa banyo at lumabas si Mhay.
"Mhay tara samahan na kita sa office ni Head Master."- Pagprisinta ko.
Tumango naman siya, inayos na namin ang loob ng kwarto at sabay sabay na kaming lima palabas ng hospital.
"Guys hiwalay na ako sa inyo ah, una na ako sa Training room"- Saad ni Jamy.
"Sabay na ako"- Luis.
"Me too"- Mj
Sabay-sabay na silang pumunta sa Training room sa Mansion.
Habang naglalakad kami ni Mhay papunta sa office, bigla kong nakita si Aexus at napansin kong ang lungkot niya at parang naiinis na. Kailangan ko siyang puntahan naisip-isip ko.
BINABASA MO ANG
Magically Powerful Academy: The Curse Magic
FantasyHighest Ranked Achieved: #2 in Fantasy #5 in Academy #1 in Curse #33 in Friends # 1 in Power #9 in game #1 in Action-Fantasy #4 in Adventure #6 in princess [REVISING!!] Nirvana Mhay Rhapsodos, a 16 year old girl who lives in the normal world...