Finarva's POV
2 days na ang nakalipas simula ng umalis ang limang iyon. Namimiss ko na sila lalo na ang kakulitan ni Luis at Trixie tapos ang ka sweetan ni Jamy at Mj. Pero syempre mas namimiss ko yung crush ko. Sino pa ba si Alexus syempre! Pero shh lang kayo ah? Crush lang naman eh!
Sinubukan ko ngang hingin number nila kaya lang sabi nila hindi din makakapag usap kasi daw iba ang number sa ibang bansa. Sabi pa nila hindi din sila mahilig mag facebook nung hinihingi ko name nila sa fb.
Basta ang dami nilang dahilan. Kaya nga minsan napapa isip ako kung totoo ba sinasabi nila o kasinungalingan eh.
Kasi sabi sakin ng kaklase ko. Pag ayaw daw talaga ng isang tao ay magpapalusot ito at magsasabi ng kung ano-anong dahilan.
Ewan, basta ako pinapaniwalaan ko sila.
Sa loob ng 2 days na iyon lalong lumala ang sakit ng ulo ko pero hindi na ako nakakarinig ng kung ano-ano.
Lalabas na sana ako ng kwarto ko para tignan kung nandyan na si lola at pony dahil umalis ang mga ito para bumili ng pagkain, hahawakan ko na san ang door knob ng biglang sumakit na naman ang ulo ko at napahawak ako sa pintuan bilang suporta.
At ang isang kamay ko ay nakahawak sa sentido ko. Lalo pang sumakit ang ulo ko kaya napaupo na ako sa sahig at napasandal sa pintuan.
Masakit!! Sobrang sakit na para bang binibiyak sa dalawa ang ulo ko!!!
"Ahhhhhhhh!!!!!!!" Ang tanging nasabi ko sa sobrang sakit.
Nakakita na naman ako ng mga imahe. Unti-unti ng tumulo ang mga luha ko.
"TAMA NA!!" -Ako. Lalo pang sumakit ang ulo ko!
"TAMA NA!!!! AYOKO NA!!! ARRGGHHHHH!!!! MASAKIT NA!!!" -Ako.
Napatingin ako sa kamay ko ng nakita kong may nagapang na mga tattoo rito. Pinilit kong tanggalin iyon ngunit ayaw matanggal.
Kahit sobrang sakit ng ulo ko ay pinilit ko pading gapangin ang papunta sa full-length body mirror ko.
Pagpunta ko doon di ko inaasahan ang aking nakita.
Ang mata ko ay naging itim ang labas at kulay pula ang pupil na may kung anong drawing sa loob at mula sa mata ko papunta sa kamay ko at sa buong katawan ko ay may tattoo ako na para bang kadena na di ko.maintindihan!!! Lalo akong naiyak sa nakita ko!!
SINO ANG NASA HARAP NG SALAMIN NA ITO!?!?
*BLACKOUT*
Napahawak agad ako sa aking ulo ng bigla itong kumirot ng kaunti at sa pagdilat ko nakita ko doon si Lola Mel at Pony na natutulog. Si lola ay nakaupo sa sofa habang si pony ay nakaupo sa lap ni lola. Hindi ko alam kung nasaan ako dahil hindi naman ito mukang hospital. Kulay Puti at pink ang kulay ng buong kwarto kaya medyo masakit sa mata.
Nakakita ako ng isang baso ng tubig sa side ko, kinuha ko iyon at ininom.
Napamulat si Lola at nagulat dahil sa nakita niyang gising na ako.
"Apo??" -Lola.
Dahan-dahan niyang inalis ang ulo ni pony mula sa pagkakahiga nito sa kandungan niya at maingat na nilapag muli sa sofa.
Lumapit sakin si Lola.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" -Tanong ni Lola.
"Opo ayos na po ako. Ano.. Lola nasaan tayo?" -Tanong ko.
"Malalaman mo din maya maya" -Lola.
••••••••••••••
BINABASA MO ANG
Magically Powerful Academy: The Curse Magic
FantasyHighest Ranked Achieved: #2 in Fantasy #5 in Academy #1 in Curse #33 in Friends # 1 in Power #9 in game #1 in Action-Fantasy #4 in Adventure #6 in princess [REVISING!!] Nirvana Mhay Rhapsodos, a 16 year old girl who lives in the normal world...