Chapter 9

12.3K 366 2
                                    

Mhay's POV

Tinuon ko at pinakiramdaman ang enerhiya na dumadaloy sa aking katawan.  Maya-maya pa ay naramdaman ko ang init ng kamay ko kaya naman ay dumilat ako at binuka ang aking kamay tsaka tinapat sa dummy at may lumabas na apoy na red orange mula rito na naging dahilan para masira ang dummy.

Sinubukan kong gumawa ng maliit na fire balls at mabilis naman akong nakagawa. After noon ay ginawa ko ang tinatawag na Fire Spin at namanghawa ako sa nagawa ko dahil ang daming fire balls na umiikot sa akin.

Jamy's POV

BAKIT BA KASI ANG HIRAP NG SPECIAL MOVE NG WATER!!! 

Pinagmasdan ko ang bawat ka myembro ko at Si Alexus mukang improving medyo namamaster na niya ang dark power niya, Si Luis naman ay pawis na pawis na, Si Mj mukang susubukang gamitin ang special move ng earth sopres sa dummy, Si Trixie nag improve na rin dahil nagawa na niyang palabasin ang pink ice niya. May dalawa kasi itong kulay, una ang blue na ordinary pangalawa ang pink na sobrang init.

Si Mhay naman ay mayroong fire ball at water ball na umiikot sa kanya. Fire spin at hydro canon ang tawag sa mga ito. Ngunit napapikit ako ng dalawang beses dahil nagiging puti na ang buhok ni Mhay at ang iris ng kanyang mata ay nagiging pula.

Nang naibato na ni Mhay ang hydro canon at fire spin sa dummy ay may ginagawa ulit siya at ito ay ang rock smash, mga bato ito pero hindi basta basta bato pag tumama ito sayo ay sasabog ito ng malakas.

Pinatama niya rin sa dummy ang mga bato. Mabilis ang mga pangyayari, bago tumama ang fire spin at hyrdo canon sa dummy ay naibato na din niya sa dummy ang rock smash at ang ganda ng kinalabasan nito na dahil pag tapos ng pagsabog ay nabuo ang isang parang rainbow pero puro parang glitters lang ito.

"Yehey!!!!"- Sigaw sa tuwa ni Mhay.

"Let's stop the training because we'll do some battle" Sabi ni Alexus na kinagulat naming lahat.

Ano bang pumasok sa isip nito ni Alexus at naisipang maglaban-laban?

"The first fight is between Trixie and Luis"- Saad ni Alexus

Mhay's POV

Kinabahan talaga ako ng husto ng marinig kong may laban na gaganapin and the worst is ka-myembro pa ang kalaban. Sino kaya ang makakalaban ko? 

Pumunta na sa Gitna si Trixie at Luis tsaka agad na nagsimula ang laban.

"Ice Fog!"- Chant ng spell ni Trixie

Nagkaroon ng sobrang lamig na fog dahilan para hindi namin makita ang dalawa. Si Alexus ay nakabalot ng fire shield, si Mj ng Light shield, at si Jamy water shield pero mainit ito. Ginawa nila ito para hindi sila lamigin. Ako? Wala, hindi naman ako nilalamig eh..

Tumingin ako sa kanila at nakatingin din sila sa akin na may halong pagtataka. Siguro iniisp nila bakit wala aking barrier para mainitan.

"What? Di naman ako nilalamig eh"-  Sabi ko at napailing naman sila sa sagot ko at binalik nalang ang tingin sa naglalaban.

"Gust"- kalmadong sabi ni Luis. Di ko alam kung ano iyon pero, hinihigop nito ang fog at nung nawala na ang fog may limang malaki na tornado sa likod ni Luis at nahigop rin nito ang mga shield nila Jamy.

"Guys dito kayo sa likod ko"- Sabi ko sa kanila ngunit hindi sila gumalaw.

Tumingin ako sa kanila nang nagmamakaawa dahilan para sumunod sila.. Gumawa naman ako ng barrier, nagkaron ng bilog sa ilalalim ng mga paa ko at sa isang iglap may barrier na kami that will protect us from the battle. Natutunan ko ito kanina pag pinagsama ang water and earth makakagawa ng barrier.

Magically Powerful Academy: The Curse MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon