Chapter 32

14.1K 398 33
                                    

Mahigit isang linggo na ang lumipas at unti-unti na ding humihilom yung mga sugat ko sa katawan. Halos hindi ako iwanan ni Cirino sa kaka-alaga sakin.








"Diba sabi ko sumigaw ka lang kapag may ipag-uutos ka?" mariing sabi ni Cirino habang nakatayo sa harap ko.







"For Pete's sake, Cirino! Uugatin na ako doon sa kwartong iyon! Halos isang linggo na akong nakaratay ng parang patay doon!"








"No! You need to rest."







"Fine!" padabog akong naglakad at umakyat ulit sa kwarto. Naiirita na ako sa kwartong ito. Ni wala man lang na bintana?! Kailangan ko ng araw! Putlang putla na ang kulay ko dahil dito!








Bumukas ang pinto at iniluwa non si Cirino na may dala dalang tray ng pagkain. Pinatong niya iyon sa side table at naupo sa gilid ko. Nagulat pa ako ng hawakan niya ang pisngi ko.








"I'm sorry for shouting at you. I was just pissed because I feel like you don't need me anymore. That you can live without me." sabi niya at this time, hawak hawak naman niya ang kamay ko.









"Kaya kong mabuhay ng mag-isa, Cirino." lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko hanggang sa mabitawan niya na ito.











"This is so unfair. You can live without me but I can't leave without you. Magkakonekta tayo pero pakiramdam ko ay ako lang ang nakakonekta sayo. Halos mabaliw ako kapag wala ka sa tabi ko pero ikaw, parang wala lang sayo." sabi niya at ngumuso.










"Mas konektado kayo ni Barbie dahil mas nauna siya sayo."








"Stop talking about her."








"Masasanay ka din sa kanya. Nagawa mo ngang markahan ako kahit na alam mong ikakamatay ko 'to diba? Wag kang mag-alala, Cirino. Mawawala din ako sayo. Kay Barbie pa din ang bagsak mo." sabi ko at nakita kong pumungay yung mga mata niya.










Unti-unti siyang lumapit sakin at hinawakan ako sa magkabilaang braso.










"Bakit ang dali lang sayo na iwanan ako? Bakit hindi mo ako kayang ipaglaban? Fxxk, Xiarana! Kayang kaya kitang ipaglaban sa harap ni Barbie. Hahanap ako ng paraan kung paano ka mabubuhay. Kahit pa sobrang hirap ng paraan, gagawin ko para sayo kasi mahal na mahal kita. Sawang sawa ka na ba sakin kaya tinutulak mo ako palayo? Magsisimula akong humanap ng paraan mamayang gabi. Sige, kung gusto mong lumayas ay lumayas ka. Sisiguraduhin kong makakahanap ako ng paraan para mabuhay ka. At kapag nangyari yon, siguraduhin mong maitatago mo ang sarili mo. Dahil pag nakita kita, wala ka ng kawala." iniwan niya akong nakatulala doon. Ni hindi ko alam kung anong gagawin ko.









Masyado ba akong natakot sa mangyayari kaya kahit yung mahal ko ay hindi ko kayang ipaglaban kay Barbie? Pero si Barbie ang nauna... mas may karapatan siya. Pero mahal ko si Cirino. Pero ikamamatay ko ang pagmamahal ko kay Cirino----- nagulat ako ng bumukas ang pinto at iniluwa non si Barbie.









"Hi! May dala akong prutas!" sabi niya at ipinatong sa side table yung basket.










"Xiarana, wag ka ngang tumingin sakin ng ganyan! Walang lason yang mga prutas. Kung gusto mo ay kagatan ko pa iyan eh." sabi niya pero nginitian ko lang siya.











"Nag-away ba kayo?" tanong niya na ikinagulat ko.










"No need to answer it. Halata naman sa ekpresyon niyo. Para kayong mga bata. Don't worry, ako na lang ang lalayo. Paalis na din naman ako sa isang buwan. I'm sure mas gugustuhin ni Cirino na mamatay ako kesa sayo." nagulat ako sa sinabi niya. Napaawang ang bibig ko at kinunutan siya ng noo.











"What do you mean?"













"Kapag namatay o nagpakamatay ang unang minarkahan ay magiging malaya na ang ikalawang minarkahan."











*****
Binago ko po yung cover! Baka manibago kayo. Magcomment lang kayo kung gusto niyong ibalik ko yung dating cover. Hahaha!

Follow me on twitter: @.xangelxxi_wp nasa profile ko yung link 😝

Marked by the Vampire (FIN.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon