Chapter 37

14.2K 328 34
                                    

A/N: Epilogue na po yung next. :))) Naiiyak ako habang tinatype ko to. Huhubells

***

pcr. bomb!boy

 bomb!boy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***


Nagising ako ng nakatali ako sa isang silya. Tanging sinag ng araw lang mula sa bintana ang nagsisilbing ilaw sa madilim na kwartong ito. 





"HELP!" sigaw ko pero parang nasa iisang isla ako na ako lang ang tao. Ang tahimik ng paligid.





"Gising na pala ang prinsesa." kinilabutan ako sa isang boses na pamilyar na pamilyar sakin. 





"Please don't h-hurt me." hindi ko na inangat ang ulo ko dahil ayokong makita ang mukha ng isang taksil.





"Hindi naman ako ang magdedesisyon niyan eh. Ang pinakamamahal mo ang magdedesisyon niyan." napaangat ako ng tingin.





"Nasaan si Cirino?" tinignan ko siya ng masama pero mukhang tuwang tuwa pa siya.





"Sabihin na nating nasa safe na lugar siya. Watch this." may pinindot siyang maliit na remote at tumambad sa harap ko ang isang video. Naka upo si Barbie sa isang silya at nakatali ang mga kamay at paa. May duct tape na nakatakip sa bibig niya at gulo gulo na din yung buhok niya. Nasa hindi kalayuan ang pwesto ni Cirino na nakaluhod at mukhang nanghihina. Nakakadena ang mga kamay at paa niya at nakaduct tape din ang bibig niya. Sa lapad ng kadena sa kamay at paa niya ay imposible na makakatakas pa siya doon. At may nakatayong lalaki sa gilid niya. 





Marked by the Vampire (FIN.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon