SPG Alert! Read at your own risk! Be openminded for the ones who want to read. Pasensya na po!
————————————————————
Simula
Tumakbo ako palabas ng bahay. Nag-ingat ako para hindi ako makita ni Nanny Eli pero sa kasamaang palad ay nahuli niya ako.
"Julianna! Bumalik ka dito! Ikaw'ng bata ka! Malalagot ka talaga sa akin pag nahuli kita," sigaw ni Nanny Eli.
Sigaw pa rin ng sigaw si Nanny Eli.
Nagtago muna ako sa loob ng karton na lalagyan sana ng mga laruan na ipapamigay nina mommy at daddy pero hindi ako pumayag kasi sayang at paborito ko pa naman ang mga iyon. Hindi naman siguro ako mahuhuli ni Nanny Eli.
Pangatlong beses ko na itong ginagawa. 'Tsaka kasyang-kasya ako sa loob ng karton.
Nang nasigurado kong pumasok na sa loob ng bahay si Nanny Eli para siguro isumbong ako kay mommy, lumabas na ako ng karton. Napasinghot ako ng nakalabas na ako dahil sa alikabok at baho. Buti nalang hindi ako nakita at narinig ni Nanny Eli.
Sigurado nga lang ako na malalagot ako mamaya. Okay lang. At least naman magkikita kami ni Victor.
Mabilis kong tinakbo ang daan papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Victor. Malapit lang sa resort kung saan kami tumutuloy. Sulitin ko na nga ito ngayon. Sa susunod na araw, aalis na kami eh. Walang kasiguraduhan kung magkikita uli kami.
Tumingin ako sa paligid at nagulat ako ng walang Victor ang nagpaparamdam. Akala ko ba magkikita kami rito?
"Sinungaling!" bulong ko sa sarili ko.
Umupo ako sa isang malaking bato at binunot ang mga damo. Galit ako sa kanya.
Bakit hindi siya pumunta dito? Ganito na ba ako ka pangit para hindi niya ako magustuhan? Ganito nalang ba siya sa akin? Akala ko ba gusto niya ako?
Sayang naman ang lipstick ko. Sayang naman ang mukha ko. Baka naman siguro nalate lang siya, diba? Nagtatampo na ako! Dapat may regalo siya sa akin pagdating niya.
Pinasyal ko muna ang sarili ko dito sa beach. Ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng beach at ang kagandahan nito. Matapos kong ipasyal ang sarili ko ay bumalik na ako kung saan ako naghintay kanina.
Naghintay ako sa kanya hanggang sa dumilim. Naghintay pa rin ako sa kanya. Nagbabaka sakaling dumating siya.
Imposible naming ayaw niya sa akin! Siya pa nga itong payakap yakap sa akin at hinahawakan ang kamay ko.
"Pst!" isang hindi pamilyar na boses.
Lumingon ako sa likod ko pero wala naman akong nakita. Nakakatakot dito, ah? Saan na ba kasi si Victor? Nakakatakot na.
"Pst!"
Lumingon ulit ako sa likod ngunit wala akong nakita.
"Victor! Hindi ako nagbibiro. Magpakita ka na!" sigaw ko.
"Hi!"
Bumaling ako sa harap ko at nakita ko ang isang matandang lalaki. Tumindig ang balahibo ko ng nakita ko ang ngisi niya.
"S-Sino ka?" nanginginig na ang boses ko ngayon.
Hindi siya sumagot sa akin pero tumabi siya sa akin. Binigyan niya ako ng nakakakilabot na tingin pero hindi ko nalang iyon pinansin. Ika nga nila don't talk to strangers kaya dapat kilalanin muna siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/72103239-288-k567842.jpg)
BINABASA MO ANG
To Forget
General FictionWould forgetting everything mean, healing all the wounds and starting over again? Is it still love despite all the sacrifices and bad things that happend? And when revenge is the archetype topic, would mercy still show? Magagawa mo ba talaga lahat n...