"Anak! Anak! Congratulations! Nakapasok ka sa school ng papa mo noon, Im so proud of you." masayang-masayang ani ng aking ina habang kasunod nito ang aking ama at nangangaripas ito ng takbo papunta sa pwesto ko."Anak! Galingan mo doon ha! Gusto ko na maging isa kang matikas at lalaking-lalaking pulis in the future!" wika naman ng aking ama at nag-iimagine pa ito sa kanyang isipan kung paano ako magiging isang matagumpay na pulis sa panghinaharap.
Hays.
Ayoko na lang talaga magsalita dito sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung ano ang trip nila sa buhay. 😥
Humarap ako sa kanilang dalawa at nginitian ko ang mga ito. Saka ako tumayo sa upuan at nagmartsa habang kumekembot.
"Hoy! Kyle Angelo Dela Vega JUNIOR! Umayos ka nga ng lakad at itigil mo yang pa-kendeng kendeng mo d'yan na para bang isang bulate na inasinan!" saad ni papa sa akin na may seryosong tono ng boses.
"Papa! Kailan pa ho nagkaroon ng JUNIOR sa buong pangalan ko?! At saka Papa naman! ganito na po talaga ang lakad ko at may pa-kendeng kendeng na kasama! Para namang hindi ka na nasanay sa'kin, Pa!" sabi ko sa kanya at nakita ko siyang tumingin sa aking ina.
"Aba't talaga lang ha?! Ma, paki puno nga nung drum natin at may ilulunod ako." Sambit nito at saka niya ako tinignan.
ng masama."Papa naman, kahit ilang drum pa po 'yan na may kasamang tubig e hindi po ako malulunod. Kahit ihulog niyo din pa ako sa water falls, Pa! lulutang lamang ang kagandahan ko. " Pang-iinis kong sabi sa aking ama.
"Talaga lang ha?! oh sige tara at ngayon din ay pupunta tayo ng Pagsanjan falls para lunurin kita." inis nitong sabi sa akin at nakapamaywang ito habang masamang tumingin sa gawi ko.
"Hoy! Kayong mag-ama, itigil niyo na nga 'yang pinagtatalunan niyo! Tara na dito at kumain na tayo." Nakakunot noong sambit ni Mama sa amin at inaya kami upang makakain na.
"Ma, magaling na ba kami umarte ng anak mo?" Nakangiting tanong ni Papa kay Mama.
Ako naman ay natawa lamang dahil sa sinabi ng aking ama.
"Oo na! Magaling na kayo! Gusto niyo parehas ko kayong ingudngod sa lapag aber?!" Mataray na sabi ni Mama sa aming dalawa ni Papa.
Dahil sa sinabi ng aking ina ay nagtawanan kaming dalawa ni Papa kasabay noon ang pag-apir naming dalawa.
Sabay kaming tatlong nagtungo sa kusina para masimulan na namin ang aming pananghalian.
👣👣👣
"Anak! ikaw ang malapit sa telepono! Ikaw na ang sumagot sa tumatawag." Utos ni mama sa akin at ako naman ay itinigil ko ang aking kinakain, at dali-dali akong tumayo upang kausapin ko ang tumatawag sa kabilang linya.
'Pag hetong taong 'to eh walang kwenta yung sasabihin eh makakatikim ito sa akin ng hindi maganda! Sinasabi ko lang talaga
"Hello?" walang ganang tanong ko sa tumawag.
"You're the one who avail the slot? Remember?" napakunot ang aking noo ng hindi ko maintindihan yung sinasabi niyang slot-slot sa akin.
Sa Pagkakatanda ko eh wala naman akong natatandaang nagpa-reserve ako ng kung ano man?
Kahit naguguluhan ay minabuti kong sagutin ang nasa kabilang linya.
"Ahmm. Slot? maybe... Yes?" napilitan lamang na saad ko rito.
"Yes! You are. Congratulations Mr. Kyle Angelo Dela Vega. Welcome to ALL BOYS SCHOOL." Masiglang saad nito sa akin at nagulat na lamang ako dahil sa tinuran nito.
BINABASA MO ANG
Not All Boys School [BxB] ✔
General FictionTunghayan at subaybayan ang pagpasok ni Kyle Angelo Dela Vega sa isang paaralang puro kalalakihan lamang ang nag-aaral at makikilala ang isang Warren Xavier na kung saan ito ang apo ng may-ari ng eskwelahang kanyang pinapasukan. COMPLETED ✔ Highest...