Kyle"What the f uck!" gulat na saad ng isang lalaki at agad na naghanap ng tela upang ipantapis sa kanyang...
OH MY GHAD!
Nakita ko ang pototoy niya! 😱
Ang laki!
Erase! Erase, Kyle Angelo! Ano ba itong nasasabi ko! Jusko po! Patawarin niyo po itong utak ko kung masyado ng maseselan ang mga sinasabi nito!
"Who the hell are you? What are you doing here in my f ucking room?!" sunud sunod na tanong nito sa akin at talagang mahihimigan sa boses niya ang matinding galit.
Kahit galit man ang mukha nito ay hindi pa rin nawawala ang angking kagandahan ng kanyang pagkakalaki.. este pagiging isang lalaki.
Napakagwapo niya.
Hindi ko napigilan ang aking sarili ng mapadako ang akig tingin sa maskuladong katawan niya dahilan para mas lalo akongmabighani at maakit sa kanyang perpektong abs.
Jusko mga kapanalig! Anim na perpektong pandesal ang nakahain ngayon sa aking harapan!
"Hey! I am talking to you, little gay! Why are you staring at my body?! Can you just answer my damn question!" Napabalik ako sa ulirat ng marinig kong pasigaw siyang nagsalita sa harapan ko dahilan para mapatigil ako sa pagtitig sa kanyang abs.
Hmm.. napakagwapo at almost perfect na SANA kaya lang napaka-attitude! Ang sama ng ugali ng lalaking 'to! Hmmp!
"Pasensya na kung naistorbo ko kayo... hindi ko naman sinasadyang maabutan kayo sa ganoong eksena. Huwag kang mag-alala, hindi na ulit mangyayari 'yon. Pupunta na ako sa kwarto ko." saad ko rito at hindi ko na ito hinintay pang magsalita dahil nakayuko akong naglalakad papunta sa aking magiging kwarto sana ngunit bigla ako nitong hinarang dahilan para mapahinto ako.
"At sino naman ang nagsabi sayong dito ang magiging kwarto mo huh?! Get out!" mariing sabi nito sabi sa akin at matapos ay itinuro ang pintuan sa labas.
"After I shower, I don't want to see your ugly f ucking face again!" tiim bagang nitong sabi sa akin at matapos ay iniwan ako nito sa aking kinatatayuan.
Nakita kong pumasok ito sa isang di kalakihang pintuan at sa tingin ko ay iyon ang pinto ng banyo.
"Alam mo ikaw lalaki ka, napakalaki mong epal! Binitin mo kaming dalawa ni Warren! Malapit na sana naming maabot ang langit eh! kaya lang bigla kang dumating at umeksena ka! Nakakainis ka!" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko yung babae na kasiping ng magaling na lalaki kanina.
Tinignan ko ang babae mula ulo hanggang talampakan.
Hmm.. mukha naman siyang paa.
Minabuti ko muna igilid ang dalawa kong bitbit na maleta bago ko hinarap ang babaeng mukhang adidas.
"For your information Ms. Adidas, Wala kang karapatang sabihan ako ng epal dahil in the first place dito ang kwarto ko. Heto ang naka-assigned na tutuluyan ko so wala ako pakialam kung nabitin ka man sa ginagawa niyo ng lalaking hambog na kasama mo!" naiinis kong sabi rito at hindi ko na natiis pa at inirapan ko ang babaeng ito.
Dahil sa sinabi ko ay mas lalo yata itong nainis.
"How dare you para sabihin ang mga bagay na 'yan!?! You ugly gay isusumbong kita sa boyfriend ko!" parang bata nitong sabi at saka siya nagtungo sa pinto ng banyo na kung saan ay naroroon ang lalaking ubod ng kahambugan.
"Babe! Inaaway ako nung bakla dito! Babe! Help me, Please! He wants to rape me! I'm so afraid babe! Please help me!" atungal ng babaeng mukhang adidas habang ako naman ay napataas ang dalawang kilay at literal na nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig kong sinabi ng babae.
BINABASA MO ANG
Not All Boys School [BxB] ✔
Fiksi UmumTunghayan at subaybayan ang pagpasok ni Kyle Angelo Dela Vega sa isang paaralang puro kalalakihan lamang ang nag-aaral at makikilala ang isang Warren Xavier na kung saan ito ang apo ng may-ari ng eskwelahang kanyang pinapasukan. COMPLETED ✔ Highest...