Chapter 2

20.8K 536 34
                                    


Kyle

"Anak, bakit mo kami iiwan? May mali ba kaming nagawa sayo? Sabihin mo, anak! Anong dapat naming gawin para hindi ka umalis? Wala kang kasalanan anak.. hindi namin kaya ng papa mo na mawalay ka sa amin." nagdadramang saad ng aking ina sa akin.

Nangunot naman ang aking ulo sa kanyang sinabi.

"Ma, 'di po ba kayo ang may gusto nito---" pinutol niya ako sa aking sinasabi at siya ang nagpatuloy.

"Anak.. hindi.. ayaw ko! Hindi ko ito gusto.. Hindi namin ito gusto! Huwag kang umalis sa bahay natin Kyle. H'wag mo kaming iwan, anak!" naiiyak nitong sabi sa akin at hinawakan pa ang magkabila kong kamay.

Napatanga na lamang ako sa kanyang ginawa.

"and cut!" Sigaw ni papa at hininto ang pagkuha ng video sa aking ina. Lumapit naman kaagad si mama at pinanood nilang dalawa ang eksena na kinuhanan ni Papa.

"Mahal.. ang galing-galing ko diyan! Grabe! Pwede na ba akong mag-audition sa Starstruck? WAAH! Nakaka-excite!" tuwang tuwa na saad ni Mama at hindi magkamayaw na purihin ang kanyang sarili sa pinapanood niya.

"Oo Mahal! Napakagaling mo. UNBELIEVABLE!" Masayang turan ng aking ama kay Mama na mas lalong ikinatuwa ng aking ina.

"Spell unbelievable nga, Pa?!" Sabat ko sa kanila at tumingin ako sa kanilang dalawa.

"Tigilan mo nga ako, Kyle Angelo! Oh sige.. Magaling na lang! Mahal, ang galing galing mo. " pumapalakpak na saad ni Papa kay Mama at matapos ay hinalikan niya ang pisngi ni Mama.

Hays.

Hindi ko alam kung anong nakain ng nanay at tatay ko.

Hindi na lamang ako sumagot sa kanilang dalawa dahil panigurado naman na alam niyo na ang pinaggagawa ng aking mga magulang.

Well, Ang nanay ko raw yung artista habang angaking ama naman ang Direktor slash Video operator.

"Anak, anong oras na? Anong petsa ka raw ba susunduin dito nak? Umalis ka na kaya? Pumunta ka na lang kaya doon sa school mo, anak?" Napairap na lamang ako sa tinuran ng aking ina.

Sinasabi ko na nga ba eh! Kung alam niyo lang na puro kabaliktaran lahat ng sinasabi nito ni Mama kanina. Sa totoo lang, Mas excited pa nga siya na umalis na ako dito. Pero joke lang naman daw 'yon? Ang gulo ano?

Sa totoo lang ay medyo malayu-layo ang papasukan kong university ngayon. At talagang Mamimiss ko ang mahal kong nanay at tatay dahil heto ang unang beses na mapapawalay ako sa kanilang dalawa.

"Anak, mag-iingat ka doon ha?! Kumain ka ng marami para naman tumaba-taba ka na. Wala kami doon kaya 'wag na 'wag mong papabayaan ang sarili mo. Maligo ka araw-araw. Kapag pawis yung likod mo punasan mo kaagad. Huwag puro lalaki ang isipin ha? Mag-aral ka doon! Basta isipin mo na lang magkakasama pa rin tayo ng Papa mo. Tatawag kami palagi sayo, anak. I love you, mahal kong Kyle." Madamdaming sabi ni Mama sa akin at niyakap ako nito ng mahigpit na siyang ginantihan ko naman.

Bawat salitang sinambit ni Mama ay tumagos sa aking puso at tinandaan ko ito lahat dahil para sa akin naman ang mga ito.

Hindi namin napigilan ang aming emosyon at napaiyak kaming tatlo habang magkakayakap.

"Anak,mag-iingat ka doon ah. Magpakabait ka sa mga magiging professors mo. Tandaan mo, anak.. mahal ka namin ng mama mo." dagdag ni Papa sa akin at naramdaman kong humalik siya sa aking sentido.

Napakalas kaming tatlo sa aming pagyayakapan ng biglang dumating ang school bus na nasa tapat na ng bahay namin. At ito na ang hudyat na malapit ko ng lisanin ang aming tahanan.

Not All Boys School [BxB] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon