Chapter 2

19 1 0
                                    

~~~

-Tamasha's POV-

Hi, I'm Tamasha Jai Alonzo.

Napaupo na lang ako ng maayos ng mapansin ko na nag-land na pala ang eroplano.

Kaya kinuha at ni-ready ko na yung mga gamit ko at bumaba na lang nung wala na masyadong mga tao.

Grabe ang tagal ko ng hindi nakauwi dito sa Pilipinas. Kasi I'm from New York, my parents live there for a living and sinama nila ako. Doon na ako nag-aral at lumaki.

Papasok na ako sa airport at naalala ko pala na susunduin ako ni Tita Chev. Sa kanila muna ako titira habang tinatapos ko ang pag-aaral ko dito sa Pilipinas.

"Tamtam! Nandito kami!" sigaw ni Tita Chev habang kinakaway ang mga kamay.

Tumakbo ako papunta sa kanila habang tinutulak yung mga gamit ko.

"Tita!" bati ko rin sa kaniya habang hinuhug niya ako ng mahigpit.

"Tita sino toh?" takang tanong ko sa kanya habang tinuturo yung katabi niya.

"Ahh, Tamasha meet Lawrence, my son. Lawrence meet Tamasha, my favorite pamangkin. So you both are cousins." sagot niya habanh nakangiti ng sobrang lapad.

"Let's go na" energetic na sabi ni Tita Chev.

"Lawrence please bring Tamasha's bags" utos ni Tita Chev kay Lawrence.

Nakasakay na kami sa kotse ni Tita Chev, si Tita Chev yung nagda-drive katabi ko naman si Lawrence.

"Do you both know na halos sabay lang namin kayo pinanganak ng mommy mo" kwento ni Tita Chev.

'Kaso lang you didn't know each other kasi mga 2 years old pa lang kayo pumunta na kayo sa New York"

'Wait so Tamasha hindi ka pa pala tapos sa High School years mo, right?" takang tanong ni Tita Chev.

"Yes po tita. I decided na dito na lang ako magtapos ng Senior High. Then College sa New York" sagot ko habang nakatigin lang sa may window ng car, kasi ngayon ko lang talaga nakita toh.

"Okay so saan mo ba balak mag-aral, eh one week na lang pasukan na?" tanong ulit ni Tita Chev.

"Uhmm, saan po ba nag-aaral si Lawrence? Doon na lang po ako mag-aaral" sagot ko.

"Oo nga pala, Lawrence ikwento mo na lang kay Tamasha about your academy" sabi ni Tita Chev kay Lawrence habang si Lawrence poker face lang parang emo.

Tumango na lang siya.

"Tita pwede bang mag-lunch anywhere kasi gutom na po ako eh" makaaws ko sa kanya, kasi sino ba naman hindi magugutom sa overnight na flight. Diba?

"Okay sige saan mo ba gusto?" tanong ni Tita Chev.

"Anywhere basta filipino food" sagot ko habang nakangiti.

Tumigil kami sa isang original filipino restaurant at nag-park si Tita Chev. Umupo na kami sa isang table, magkatabi silang mag-ina at kaharap ko sila.

Pumunta sa tapat namin ang isang waiter at tinanong kung anong orade namin.

"Sa akin adobo sa puti, sinigang na hipon, kilawin, menudo tsaka sinangag, at buko. Salamat" sagot ko sa waiter kasi palaging American food ang kinakain namin sa New York minsan na lang kami mag-filipino food.

"Ano na lang akin, barbecue tsaka sisig. Ikaw Lawrence?" sabi ni Tita Chev habang tinitignan si Lawrence.

"Letchon" sagot niya na parang nasa ibang mundo.

"Yun lang po?" tanong ng waiter at tumango na lang kami.

Mga 30 minutes katagal binigay yung order namin.

Kaya nagningning ang mga mata ko nung nakita ko na yung pagkain namin.
Agad komg kinuha at kumain sa dahon ng saging. Halos walang tigil akong kumakain parang pakiramdam ko nga di ko na nginunguya.

"Oh siya, cr lang ako ha" paalam sa amin ni Tita Chev.

Ang sarap talagang kumain grabe parang since birth hindi pa ako nakakain sa sobrang takaw ko. At sa sobrang takaw ko nabulunan ako.

"Ahh.. shhh" di na ako makapagsalita at hinahanap ang buko ko. Syete naman oh kung kailan kailangan doon hindi pa nabibigay yung order, habang hinihimas ang ang throat ko.

"Oh ito na yung tubig ko" alok sa akin ni Lawrence habang nakatingin ng masama.

"Ang takaw takaw kasi eh" parinig ni Lawrence kaso di ko na lang pinansin at ininom ng straight yung tubig.

"Thank you" yun na lang sinabi ko habang padabog kong pinatong yung baso niya sa harap niya.

Di ko na lang pinansin yun at kumain ulit di ko tuloy nakita na nandito na sin Tita Chev. Kinuwento ni Lawrence ang nangyari ito namang si Tita Chev tawa ng tawa.

Pagkatapos namin kumain, pumasok na kami sa kotse at nag-kuwentuhan. Malayo layo rin pala ang airport sa bahay nila kaya inavutan na kami ng gabi sa daan, traffic pa naman.

~~~

Thank you sa pagbasa!

😄😄😄

Sorry, I Fell For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon