Chapter 6

15 0 0
                                    

~~~

-Tamasha's POV-

May pasok na kami bukas kaya inayos ko na yung mga gamit ko. Kanina pa siguro akong umaga dito kakaayos tapos di pa ko nakakalabas sa kwarto, di pa ko nakakakain. Kaya nakakagutom.

"Phew, pwede na siguro to" seryosong sabi ko habang pinupunas yung noo ko gamit ang braso ko.

Maliligo lang ako at tsaka kakain na ko sa baba. Habang pababa ako parang walang tao.

Tingin sa dito, tingin doon. Sulyap dito, sulyap doon. Wala eh, walang tao.

Habang nasa labas ako para tumingin sa garden saktong bumukas ang gate. Sina Aling Martha, Aling Feliza at Aling Marieta. May bitbit silang mga plastic at paper bag. Tapos nakita ko si Tita Chev na pababa ng sasakyan.

"Tita Chev! Saan po kayo galing? Kasi wala pong tao rito eh" mabilis kong reklamo kaya nasungit ang mukha niya

"Wait! Where's Lawrence? Pinaiwan ko siya dito para bantayan ka" sumbat agad ni Tita Chev kaya hinawakan ko ang kamay niya para patigilan siya. Umepekto naman.

"Tita it's ok kakababa ko lang naman eh. Kaso di pa ko kumakain eh" makaawa ko habang kinakamot ang ulo ko. Hey, wala akong kuto noh.

"Ok sige kumain ka na lang sa labas kasi di pa nagluluto sina Aling Martha" utos niya.

"Sige po" sagot ko kaya nagmamadali akong kunin ang bag ko tsaka umalis na.

Tinuruan na rin nila ako mag-commute kaya kabisado ko na, ako na lang mag-isa ang pupunta.

Balak ko sana na sa mall na kumain kaya naghanap ako ng jeep na papunta roon.

Nagbayad na ko at nung nakarating na bumaba na ko. Naglibot-libot lang ako tsaka naghanap ng makakainan.

JOLLIBEE!

Wala naman si Lawrence kaya pwede tsaka konti lang masyado ang tao.

"What's your order mam?" tanong ng staff kadi ako na yung next eh.

"Cheeseburger, spaghetti, fried chicken, fries, sundae, and coke float" mabilis na sagot ko kaya parang napanganga na lang yung kumuha ng order ko.

Number lang ang binigay sa akin kasi daw masyadong marami yung inorder ko, nabayaran ko na rin kaya naghanap na ko ng table. Iisa na lang at nasa may window yun. Kaya no choice.

Naka-upo lang ako naghihintay, kapag may aalis na may papalit. At napansin ko na lang na nandiyan na pala ang order ko.

"Than- salamat" compliment ko at saka umalis na siya.

May napansin lang ako habang kumakain. Halos lahat ng mga kumakain dito simple lang manamit tsaka mga pamilya na halos nanay at tatay tapos mga batang anak.

Sana ganoon kami nina mama't papa kasi palagi raw silang busy sa trabaho.

Inubos ko na yung pagakain ko tsaka naglibot ulit.

-Drake's POV-

"Drake" tawag sa akin ni mama.

"Yes ma" sagot ko naman.

"Puntahan mo si Tita Mailine sa cafe niya, ibigay mo toh sabihin mo pinapabigay ko" utos sa akin ni mama habang may binigay na papel

"Ma. Si Kuya Mike na lang" reklamo ko.

"No. May inutos na ko sa kanya regarding the new club in the academy" mabilis at seryoso niyang sagot.

"Abby?" reklamo ko pa rin.

"Abby is still young okay Drake tsaka nireready na niya yung mga gamit niya. Eh ikaw alam ko wala ka namang mga gamit diba?"
bilis ulit na sagot ni mama at yung last sentence parang papilosopo pa niyang sagot. Ni choice na ko kaya nagpaalam na ko tsaka umalis.

-Tamasha's POV-

Dahil sa paglibot ko na parang dalawang beses na inikutan ang mall ay nagutom na naman ako. Balak ko sana na mag-dessert kasi kumain pa lang ako kanina.

Naghanap ako ng kainan pero wala namang SB.

Magc-cr lang nga muna ako.

Pagkalabas ko sa ibang direksyon nako pumunta, sa paglalakad ko may nakita akong cafe kaya roon na lang ako pumasok.

Binati ako ng mga staff at tsaka pinaupo, mabait naman pala sila.

"Banoffee cake and mixed berries frappe. Thank you" pag-order ko kaya naghintay ulit ako.

Habang naghihintay merong isang lalaki na biglang sumulpot sa pintuan. Si Drake?!? A-anong ginagawa niya dito?

Pero-

Don't jugde muna kasi pwede naman siyang magutom eh. Public place naman to.

"Tita! Tita Mailine!" sigaw ni Drake habang nakatingin sa counter. So wait. Tita niya yung cashier??

"Drake" bati ko sa kanya ng mahina lang ayaw ko kasing mapansin ako ng mga ibang tao.

Humarap naman siya at kinawayan lang ako ng kamay at saka siya pumasok sa room kung saan nagpapahinga yung mga staff.

Kaya pinagpatuloy ko lang ang pag-kain ko.

-Drake's POV-

Nang makapasok na ko sa loob tinawagan ko na agad si Tita Mailine, nagtanong tanong ako sa mga staff. Sumagot naman yung cashier kaya napaharap ako sa kanya.

Wala pa mang mga ilang segundo may tumawag sa pangalan ko. Pagkalingon ko si Tamasha? Well ok lang naman kasi costumer siya eh. Kaya kinawayan ko lang siya at pagakatapos nun sinabi ng mga staff na nasa loob ng staff room si Tita Mailine kaya pumasok na ko.

"Tita Mailine" bati ko sa kanya at nagbeso-beso kami.

"Good afternoon, Drake" bati niya rin.

"What are you doing here?" takang tanong ni Tita Mailine.

"Pinapa-abot lang po ni mama" sagot ko at saka binigay yung papel na pinapabigay ni mama.

"Okay sige" tipid niyang sagot.

"Tita Mailine mauna na po ako" paalam ko sa kanya.

"Sige. Ingat ka" paalam niya rin.

Kaya lumabas na ako at hinanap si Tamasha. Baka kasama niya si Lawrence. Si Tita Chev kasi pinapabuntot si Lawrence kay Tamasha. Hehehe.

"Tamasha" bati ko nang makita ko na siya sa inuupuan niya.

"Hi" tipid niyang bati at umupo na ako.

"Si Lawrence?" tanong ko.

"Ahh si Lawrence... wala siya" pabitin niyang sagot habang hinahalo ang frappe niya.

"Wala. Akala ko kasi pinabuntot na naman siya ni Tita Chev eh" patawa kong sabi kasi nakabusangot siya eh.

"Yun na nga eh" sagot niya at di pa rin natawa sa sinabi ko.

"Anong 'yun na nga eh'? takang tanong ko. Di ko talaga ma-control ang pagka-chismoso ko.

"Ganito kasi yun' panimula niya.

"Kanina kasi umalis sina Tita Chev at walang natirang tao sa bahay. Pinaiwan ni Tita Chev si Lawrence para raw may kasama ako. Eh wala siya nung pagbaba ko. Kaya nagalit si Tita Chev, baka kasi mapagalitan si Lawrence dahil sa utos ni Tita na bantayin niya ako. Nakaka-guilty lang" sagot niya habang ganon ulit ang mukha.

"Okay lang yan, alam ko naman na hindi ka sisisihin ni bro Lawrence kasi kilala ko siya, mabait siyang tao lalo na na pinsan ka niya" advice ko sa kanya.

"Salamat" compliment niya at inubos na ang frappe niya.

~~~

Mahabang UD na naman po 😁😁😁

Salamat po sa pagbabasa.

Tytytyty😘😘😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sorry, I Fell For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon