Chapter 3

10 0 0
                                    

~~~

-Tamasha's POV-

Kakarating pa lang namin simula kaninang sinundo nila ako sa airport. Gabing-gabi na eh kasi sobrang traffic talaga dito.

Binuksan na ni Tita Chev yung likoran ng kotse para ilabas ang mga gamit ko. Kukunin ko na sana yung malaking trolley kaso inabot niya kay Lawrence.

"Hindi, Tita kaya ko na 'toh" reklamo ko kay Tita habang pinipilit kunin ang trolley.

"Hindi, Tamasha babae ka kaya dapat si Lawrence ang magbuhat. Kung gusto mo ito na lang na backpack ang dalhin mo" utos ni Tita Chev habang inaabot ang backpack ko.

Tatanongin ko sana si Lawrence kaso tumango na lang siya, kaya tumango na lang rin ako kay Tita Chev.

Papasok na kami ni Lawrence sa main na pintuan bubuksan ko na sana kaso siya na nagbukas. Kaya nginitian ko na lang siya.

Nasa loob na kami particularly sa may sala at sa pagpasok mo mabubungad mo na ang isang malaking spiral stair case. In fairness mayaman pala sila.

Paakyat na kami sa staircase at tinulungan ko na siya sa pagbuhat ng trolley.

"Lawrence, salamat ha, kanina, sa restaurant. Salamat din sa inyo ni Tita Chev at pinatuloy niyo ako dito sa bahay niyo" sabi ko kay Lawrence habang paakyat kami sa second floor.

Ngumiti lang siya sa akin sa sinabi ko. Pipi ba tong lalaking toh???

Nauna na siya sa akin at iniwan ang trolley sa tapat ng pinto. Siguro ito na yung kwarto ko, di ko na siya natanong kasi tumakbo na siya sa kwarto niya siguro.

Binuksan ko ang pinto at ang ganda sobrang ganda parang yung kwarto ko sa New York kaso mas malaki toh. Naka-interior design na siya and color mint blue and green ang theme and motive.

Kaya pumasok na ako kasama ang mga gamit ko. Nilagay ko na ang mga gamit ko sa mga cabinet or storage something something.

Pagkatapos ay humiga ako sa kama, magpapalit na sana ako kaso lang... saan yung CR?

Kaya dali-dali akong bumaba kahit nakakahilo man at hinanap si Tita Chev. Nandoon pala siya sa kusina at nagluluto. Kaya pinuntahan ko siya.

"Tita, saan po yung CR?" takang tanong ko sa kanya habang natataranta.

"Tamasha may private CR ka sa kwarto mo. Yung isa pang pinto sa loob ng kwarto mo yun na yon" tawang tawa si Tita Chev habang sinasabi yun.

Kaya ngumiti na lang ako at tumakbo papunta sa taad ulit at pumasok na sa kwarto ko at hinanap ang banyo. Hindi naman sa alam niyo na kasi wala lang gusto ko lang mag-cr. Hehehehe.

Kaya nunh binuksan ko yung pinto at nakita ko mukha namang cr ay napangti na lang ako.

Niready ko na yung pambahay ko at saka naligo.

Pagkatapos kong naligo at nag-ayos ay sakto tinatawag na ako ni Tita Chev para kumain na ng dinner kaya bumaba na ako.

"Tamasha, tawagin mo na nga si Lawrence. Kanina ko pa siya pinapatawag hindi pa rin siya bumababa" utos niya sa akin.

"Ah. Sige po" sagot ko naman at habang paakyat ako, sakto naman na pababa na siya.

"Kanina ka raw pinapatawag ni Tita Chev" sabi ko kay Lawrence habang pababa.

"May tinapos lang ako kanina" sagot niya.

"Okay" sabi ko habang papunta na sa dining room.

Umupo na kaming lahat kasabay rin namin sina Aling Martha, Aling Feliza at Aling Marieta. Pinakilala nila ako kanina sa kanila. Habang si Tita Chev ay papunta sa amin may dala-dala siyang bowl na malaki na laman ay ang kakainin namin.

"Pesto Pasta for dinner" sabi niya habang nakangiti. After 3 seconds ay inilapag na niya ang bowl sa gitna ng lamesa at tinanggal ang gloves.

"Let's eat na!" bati ni Tita Chev habang binibigyan kami ng pasta sa plate.

Ngumiti na lang kami at kumain, habang kumakain ay nagkukuwentuhan rin kami.

"Ah! About the school that you are going to, Tamasha?" tanong ni Tita Chev sa akin.

"Nakalimutan nga po pala naming pag-usapan ni Lawrence about that" sagot ko habang nakangiti ng mapait.

"Bukas na lang, Tamasha. Samahan na kita sa pag-enroll sa academy na pinapasukan ko. May imi-meet din ako bukas eh" seryosong sagot ni Lawrence.

"Oh sige. Sakto tutal bukas may business meeting ako, hindi kita masasamahan Tamasha" pang-sang-ayon ni Tita Chev.

Kaya ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga lang kami saglit at natulog na.

~~~






Sorry, I Fell For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon