5:45 a.m

20.3K 305 190
                                    

------------------------------------> Vote niyo , Please ! ☆

Hi ako si Carlo , ako ay isang 3rd year high school lamang. Nag - aaral ako sa isang public school dito sa aming probinsya . Hindi ako naniniwala sa mga kwento kwento dito sa aming school na maraming multo , Dahil di pa naman ako nakakakita ; Baka mamaya ay Kabarberohan lang yung mga kwentong yun. Dito rin nag sisimula ang aking kwento...

Nag sisimula ang klase ng 7:00 , kaso ako'y pumapasok sa school sa oras na 5:45 , Oo nga maaga ; Kaso sa school kasi ako kadalasan nag sasayang o nag bababad ng oras dahil wala naman magawa sa bahay. 

Wala akong ginagawa doon kundi mag basketball kasama rin ang 3 kong kaibigan na si Mark , John , at Jc.

Tuwing kami ay nag babasket ball ay mayroong babaeng nasa bench na puro puno lamang ,  kaso ito ay may pagka malayo sa amin.

Nagtataka lang ako kung bakit siya'y laging nanonood samin. Hindi ko rin gaano makita ang kanyang mukha dahil sa kanyang mahabang buhok. Hindi naman ito'y sobrang haba siguro hanggang baba lang ng balikat. 

Siya rin ay maputi at sexy. Siya ay nakasuot ng dress na hanggang  tuhod. Siguro maganda yung mukha niya , Siguro chicks yun.

 Sabi nila yung pwestong yun ay "HAUNTED" pero di kami naniniwala , Sus ! mga duwag lang yun.

ISANG ARAW....

Tinatanong ko sa mga kaibigan ko kung nakikita ba nila ang babaeng iyon. " Pareng Mark , Nakikita mo ba yung chicks na yun yung naka bestida na nakaupo sa bench ? "

" Ha?! San wala naman akong nakikita a " Ang sagot ni Mark

" Sus ! ang labo talaga ng mata mo. , ayun o yung tumayo " Ang sabi ko.

" Wala talaga malabo  ang mata ko  nakikita ko lang sa bandang yung bench, balang araw mag iipon ako pang pa laser nito , Hahaha" Ang sabi ni mark

Tumayo ang babae na nasa upuan at umalis.

"Hahaha " Ang sagot ko.

KRRRIIIIINNNGGGG !!!

" Ayan nag ring na yung bell , tara na pumunta na tayo sa room "  Sabi ni John

" Sige sige " Ang sagot namin

Kami ay mag kakahiwalay ng classroom ang tangi ko lang na kaklase ay si Mark

Minsan humihiwalay ako sakanila minsan ako ay nasa bench na kung saan ay nakaupo ang babae , dahil mahangin at presko doon.

Isang araw ako ay pumasok  , kaso ako lang ang tao dun at ang guard dahil tinatamad gumising ng maaga ang aking mga kaibigan. Ang guard house at ang basket ball court ay sobrang layo , Dahil ang basket ball court ang pinakasulok , Dulo ng aming eskwelahan

Ako ay nag babasketball mag - isa at mamaya maya minuto ang makalipas sinilip ko ang bench na inuupuan ng babae , sapagkat wala siya doon. Habang ithro - throw ko na nang bola , umihip ang malamig na hangin na nakaka taas ng balahibo. Ang puno ay nag wawagayway na sumasabay sa daloy ng hangin.

5:45 a.mTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon