" Maganda ka na , tas nagpapanget ka pa ? "
Meron bang mga babaeng ganan? Na handang magpapanget mabago lang ang buhay nila ?
Para hindi na sila tingnan sa pisikal na kaanyuan nila, kundi makita naman ang kalooban ng puso nya at ang totoong pagkatao nya .
Ganun nga ata ang gusto ko ! Gusto kong makilala ako bilang ako . Bilang babaeng marunong din sumigaw , magtitili , maging maarte , maging masungit o kaya naman paminsan minsan ay mataray .
Ayoko ng tratuhin akong parang prinsesa na hindi pwedeng dapuan ng lamok o kahit ng alikabok .
Gusto ko ng normal na buhay na walang maghihiyawan o magtitilian pag naglalakad ako papasok ng eskwelahan o pagpunta sa mall o kahit saan! Ayoko na ng nakakasilaw na flash ng camera na walang tigil sa pagpipicture sa pagmumukha kong hindi nila pinagsasawaan! Ayoko na din ng mga nagmamakaawang manliligaw na walang tigil sa pagpapadala ng mga kung ano anong hindi ko naman na kailangan.
Ayoko na! ayoko na ng ganung buhay! gusto ko ng takasan ang buhay na pinapangarap ng madaming kababaihan . Akala ba nila masayang maging sikat at maganda? Siguro nga masarap sa pakiramdam pero hindi masaya sa kalooban .
Dahil ang alam lang nila at ang nakikita lang nila ay ang pisikal kong kaanyuan . Hinahangaan nila ako sa bawat paghakbang ng paa ko , gustong gusto nila kung paano ko dalhin ang mga mamahaling damit na kayangkaya kong bilhin . Nagpapalakpakan din sila sa bawat pagngiti at pagsasalita ko.
Pero ganun lang ba nila makikita ang kagandahan ng isang babae? Ganun lang ba kasimple?
Hindi . Dahil ang totoong kagandahan ay hindi lamang nasusukat kung gaano kataas ang heels mo o gaano kahaba and hair mo dahil sa mga nagkakandarapa sayo ..
kundi sa kung paano mo ipakita ang totoong ikaw .
The True Identity will be revealed . Ipapakita ko na ang dalawang katauhan ko sa magkaiba ngunit iisang pagkatao .
Gulo diba? ;)
BINABASA MO ANG
The True IDENTITY
Teen Fictionmeron bang babaeng magpapakapanget para lang maging totoo sa sarili? wala? nako!! meron kaya!! At AKO YUN!! Kaya kong magpakapanget kahit pa tuksuhin ako o hindi ako pansinin ng kahit sino! Basta ba mapakita ko yung totoo ako , yung totoong ugali na...