Give Me Love

309 19 7
                                    

( Oneshot )


Datirati sabay pa nating pinangarap ang lahat

Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat

Naaalala ko pa non nag-aagawan ng nintendo

Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento.





"Di ba't ikaw nga yung reyna at ako ang iyong ha―" hindi ko naituloy ang pagkanta ko ng bigla siyang magsalita.


"Aga nating manggulo ah!" aniya at saka ako tiningnan ng masama.


"Uso din kasing gumising ng maaga.." sarkastiko kong sabi.


Inirapan niya ako, "Ang aga pa kaya!" Nagtaklob pa siya ng kumot na para bang ang aga-aga pa. Talaga 'tong babaeng 'to! Sarap pektusan minsan! Kinuha ko yung alarm clock tapos hinila ko yung kumot at ibinigay sakanya yung alarm clock. "Oh, ayan! Tingnan mo kung anong oras na!" kinuha niya naman yun at tiningnan yung orasan.


"Hala! Alas-siyete na ng umaga! Bakit ngayon mo lang ako ginising? Nakakainis ka talaga! " irita niyang sabi at nagsimula ng kumilos.  Grabe! Ako pa ata ang may kasalanan. Ako na nga 'tong nag-magandang loob sakanya! "Grabe ka! Siguro nga kung hindi pa'ko nagpunta dito, malamang tulog mantika ka pa din dyan hanggang ngayon!" sigaw ko at narinig ko ang padabog nyang pagsara ng pintuan nung banyo. Napailing nalang ako dahil sa kasungitan niya.


Pero kahit ganyan yan, hindi ko pa din siya matiis. Kahit na sinusungitan ako nyan palagi, wala akong pakielam, sanay naman na ako. At saka hindi naman nya ako kaya eh, asar talo yan kaya ako pa din ang nananalo. At isang bagay na hindi niyo maaalis sa babaeng yan, yung pagiging late lang naman niya. Oo, laging late yan! Pero syempre hindi siya nagiisa. Kasama niya ako sa lahat ng bagay. Hindi naman ako malelate kung hindi dahil sakanya. Lagi ko kasi syang sinusundo at hinihintay. At nakasanayan ko na din.


She's Kaylee Natalie Tan. Bestfriend ko since birth. Kasama ko siya mula pagkabata hanggang sa paglaki. Kaya nga kilalang-kilala ko na ang babaeng yan. Mga gusto niya, ayaw niya, lahat 'yon alam ko. Pag may problema yan, sa'kin agad yan lumalapit. Ako lang daw kasi ang nakakaintindi sakanya.


Alam niyo ba na ayaw niya akong nawawala sa paningin niya? Gusto niya palagi lang daw akong nasa tabi niya, hindi siya makaisa, gusto niya lagi niya akong kasama. Siguro kung kayo yung nasa kinalalagyan niya, malamang matagal niyo na akong pinagsawaan! Pero bilib din ako sa babaeng yun! Hindi siya nag-sasawang kasama ako. Syempre naman! Sa gwapo kong 'to? Pag-sasawaan niyo ako? Malamang mas pipiliin niyo na akong makasama habang buhay.


"Akala ko habang buhay ka na sa banyo." pangaasar ko sakanya. Hindi siya umimik at binigyan lang ako ng masamang tingin. Tinawanan ko lang.


"Oh, Nat. Hindi ka ba nahihiya kay Dylan? Late na din siya ng dahil sa'yo." sabi ni Tita Claire, Mommy ni Natalie. "Psh! Alam ko naman na hindi ako kayang tiisin nyang si Dyl! Mahal kaya ako nyan!" Agad naman akong napatigil sa pagkain ng dahil sa sinabi niya. Tumingin ako sakanya at kitang-kita ko sa mukha niya ang pangaasar. Ewan ko pero iba yung dating sa'kin nun kasi totoo. Pero syempre, hindi ko ipinahalata na medyo kinikilig ako, kaya ini ba ko,  "Baka nga mahal kita? Sa sungit at taray mong yan! Uy, wag na."


"Ang sama mo! Ang mean mo talaga sa'kin pag na sa harapan tayo ni Mama! Pero pag hindi na kaharap, kung maka-paglambing sa'kin, wagas!"


"Lakas mo ha? Edi wow." Inirapan niya lang ako.


"O siya, tama na nga yan! Talaga kayong mga bata kayo oh, late na nga kayo't lahat eh mas pinili niyo pang mag-asaran dyan! Sige na, lumakad na kayo." Tumayo na ako at lumapit kay Tita Claire, "Sige po , Tita." sabi ko at yumakap sakanya. Sumunod namang lumapit si Natalie at binangga ako. Abuso 'to ha! Kung hindi lang talaga kita mahal.


Give Me Love : OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon