Trouble. Trouble. Trouble.

220 5 0
                                    

(Pagdating ng Showtime family sa Pilipinas)

Pagkatapos mag-beso sa isa't-isa, kani-kanilang uwi na ang Showtime family. Naiwan si Karylle dahil hinihintay niyang dumating ang boyfriend niyang si Yael. Si Vice naman, nakasakay na sa kotse niya. Pinauna na niya sina Buern na umuwi. Pero siya, hindi siya umalis agad. Tinatanaw lang niya si Karylle mula sa sasakyan niya, hinihintay na makaalis.

Pero bago umalis sina Buern, inasar muna siya nito...

Buern: *binabasa ang tweet ni Vice* "Super long distance call. Yan ang bagong super hero. Hahaha! Tulog na 'ko. Ang init na ng tenga ko. Mamaya ako naman ang sasabak. Congrats!" Sinech itey? Eh, kahapon lang bad trip na bad trip kase inisnab ang beauty niya. Hindi tinawagan ang bakla!!! May something ka teh, ha! Anong kasinungalingan 'to?! HAHAHAHAHA!" *sabay sakay ng van at alis ng airport*

Vice: *sumisigaw sa bintana ng kotse niya habang paalis ang van na sinasakyan nila Buern*  "Huy! Baliw ka, Buern! Iba yan, huy!" 

Makalipas ang 30 minutes, nakatulog na si Vice sa kotse niya kakahintay at nagising na pero wala parin si Yael at nandoon parin si Karylle sa waiting area. 

Vice: *pabulong* "Puta. Bakit nandyan parin siya?" *tanaw kay K*

May tumigil na kotse sa harapan ni K. Tinanaw ni Vice nang mabuti si K. Nakita niyang tumayo si K at naisip niyang baka si Yael na iyon. Ini-start na niya ang kotse niya at nag-ready nang umalis. Pero bago pa niya paandarin ang kotse niya, tinanaw niya ulit si Karylle.

Nagulat siya dahil umalis na ang kotseng pumarada sa harapan ni Karylle pero naiwan naman si K sa waiting area.

Vice: "Shet? Eh, sino yon? Anak ng puta naman, eh." *suntok sa manibela*

*BEEEEEEEEEEEEEEEEP!*

Vice: *nagpanic* "Ay, shit!"

Napatingin si Karylle sa kotse ni Vice na nakaparada sa kabilang kalsada. Inaninag niya ito at nakilala na kotse nga ito ni Vice. Pero para makasiguro, ti-next muna niya ito.

"Vicey, ikaw ba yang Porsche na bumusina? Yung naka-park sa tapat? :)"

Tumunog ang fone ni Vice, nabasa niya ang message ni K pero hindi na siya nagreply. Wala na siyang magawa kaya pinaandar na niya ang kotse niya papunta kay Karylle. Pero, bago pa siya makarating kay K, may nauna sa kanyang dilaw na kotse at pumarada ito sa harapan ni K.

*Yael, bukas ng pinto at baba sa kotse*

Karylle: "Hmp! Akala ko hindi ka na dadating, eh. Ang tagal mo." *frowns*

Yael: *beso kay K* "Sorry ha. Kumain kasi kami kasama sila kuya Raymond." *kuha ng bagahe ni K*

Karylle: *sakay sa kotse* "Lagi nalang sila inuuna mo." *sara ng pinto*

Yael: *sakay din sa kotse* "Sorry na. Eto naman. 'Di ako makatanggi, eh." *sara ng pinto*

At umandar na paalis ang kotse ni Yael. Nakita ito ni Vice at nalungkot nanaman siya pero masaya rin dahil makakauwi na si K para makapagpahinga.

Vice: "Mabuti naman at dumating rin ang hunghang. 10 years!" *kuha ng fone at ti-next si K*

"Echosera ka, Kurba. Kanina pa ako nakaalis kasabay nila Buern."

Tumunog ang fone ni K at nakita ang message ni Vice. Nag-reply naman siya agad dito.

"Ah, ganun ba. Akala ko ikaw yun kasi parehas na parehas ng kotse mo. ;)"

I Don't Wanna Love You But I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon