I Don't Wanna Love You But I Do (Vice Ganda Intro - Part 1)

1.7K 7 0
                                    

Aminado ako na isa akong bakla at hindi ko ikinahihiya iyon. Masaya ako sa buhay ko ngayon dahil malaya na ako, hindi katulad noong ako'y nasa kabataan pa. Nakakulong, takot na hindi ako matatanggap ng mga tao at ng sariling pamilya ko. Pero bakit parang may gumugulo sa isip ko ngayon? May maliit na parte sa puso ko na gustong kumawala. Parang gusto nitong ibalik ang kasariang akin nang tinalikuran, ang pagiging lalaki. Isang babae lang gumawa sa akin nito at hindi ko inaakala na mangyayari ito. Akala ko "joke" lang ang nararamdaman ko, na mawawala rin sa paglipas ng oras. Pero sa tingin ko, habang tumatagal mas lalong tumitindi ang nararamdaman ko. 

Hay, nako. Ang deep ko naman magsalita. Kase naman kase itong babaitang 'to! Pinipilit ko nang lumayo, ah, pero yung mga tao pinaglalapit parin tayo. Tapos nagkaroon pa tayo ng libu-libo na "babies"! Pero hinde, to be honest, dahan-dahan na talagang nagpe-fade away yung feelings ko sayo, siguro nabawasan na ng isang hotdog, pero nung naging guest ulit kita sa GGV, nako nako nako nako! Bumalik lahat. Chot.

Hindi talaga ako nakatulog after ng damn taping natin sa GGV. Though hot guys ang guests ko after you, parang nung time na yon, wala akong pakialam sa kanila. Nung time lang na yun, ha. Nai-chika ko na nga sa lahat ng beki friends ko kung gaano ka ka-blooming at gorgeous noong time na yon. Kung gaano ka ka-hot. Sabi ng mga krung krung nagiging "Pogi" na daw aketch. No way, no. Ugh! Hindi ko maloko sarili ko. Sige na nga, hanggang ngayon talaga iniisip parin kita. Karylle. 

*GGV*

Vice: "Anong meron sa February 14?"

VR baby: "First kiss niyo!!!"

Vice: "Eto ba yon?"

(shows Showtime's "Sine Mo 'To" clip)

Nagtilian ang mga babies namin. Nakakabingi sila, ha. Pero noong pinanood ko yon, kinilig din ako. Tinignan ko si Kurba nakangiti siya. Sana hindi siya nadiri sa akin noong ginawa ko iyon. Kasi ako, kahit bakla, hindi ako nadiri one bit. I liked it and actually, I want that kiss to last longer. Pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko noong mga time na yon. Bakla ako. May boyfriend siya. May boyfriend din ako. 

*GGV*

Vice: "Actually, mali yang clip na yan. February 13 ang first kiss namin."

Karylle: "Oo nga."

Vice: "Pero may nauna pa don. Yung sabi mo hindi ka nakatulog."

Bago pa talaga ang first on-cam kiss namin ni Kurba, nag-kiss na kami. Nangyari pa talaga yon sa condo pa nila Yael, ah. 'Di naman ako masyado bad girl. Chot. Pero, doon nga talaga nangyare ang first kiss namin ni K. Kasama namin ang Showtime family, friends ni Yael and maraming pang iba. Party-party lang yon. Walang sine-celebrate. Trip-trip lang! Walang basagan ng trip! At dahil party nga, syempre may inuman, asaran and lafangan of course. Habang nagkakainan, merong tawag ng tawag kay Yael sa fone. Napapansin ni Kurba na palabas-labas siya ng room. Syempre, bilang mabait na girlfriend, hindi niya pinahalatang naiinis na siya at parang nagseselos. Pero ako, pansin na pansin ko yon. At naiinis ako kay Yael dahil iniiwan niya si Karylle. 

Natapos na ang kainan, nagkayayaan na ng ilang shots, nasa labas parin si Yael. Akala niya siguro hindi napapansin ni Karylle ang ginagawa niya. Hindi pa rin umimik si K non. Nag-shot lang siya nang nag-shot hanggang sa mukhang medyo drunk na ang lola niyo. Dahil pinipigilan na siya ni Anne sa kasha-shot, pumunta siya sa terrace dala yung bote ng tequila at doon, uminom siya mag-isa. Pinuntahan ko ang girlaloo kase baka sa sobrang kalasingan, eh ma-out of balance at malaglag sa terrace! Nagmadali ako pero ayon, nakita ko siyang nakaupo lang naman pala sa bench, nagsha-shot mag-isa. 

Vice: "Hoy, Kurba. Anong drama naten?"

Karylle: "Hey, Vicey. Wala 'to." *drinks tequila* "Shot ka?"

I Don't Wanna Love You But I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon