Si jared ay isang 4th year student sa isang paaralan sa manila. Hindi siya kagwapuhan pero malakas ang appeal niya sa mga babae. Malapit siya sa isang barkada ng kababaihan kung saan, karamihan dito ay may pag tingin sa kanya. Isa sa pinakamalapit sa kanya ay si Krista na lingid sa kanyang kaalaman ay may kakaibang pagtingin din sa kanya. Ngunit para kay jared, best friend lang ang turing niya dito.
Madalas silang magkalapit sa klase, lumabas, at magkwentuhan. Halos wala na silang natatagong lihim maging problema sa pamilya ng isat-isa.
Samantala, madalas magulat si Krista sa laman ng kanyang locker. Dahil sa tuwing binibuksan niya ito, may laman itong mga papel na may mga simpleng pagpapahiwatig, lantang bulaklak na mukang galing sa hardin ng kanilang paaralan at tunaw na chocolate dahil sa pagkakakulong nito sa miinit na locker. Minsan pa nga, ito rin ang mga laman ng bag niya kapag nilalock nya ang locker niya.
In short, may admirer siya. =) Unti-unting nahuhulog ang loob ni krista sa kanyang lihim na taga-ibig. At ng masigurado niyang mahal na nga niya ito, nagiwan siya ng papel sa locker niya na may lamang "gusto kitang makilala, maaari ba?" Dumaan ang ilang gabi na hindi siya mapakali sa kaiisip kung sino nga iyon.
Isang araw, habang nagkaklase, nakatulala siya sa dingding ng kwarto nila dahil iniisip pa rin niya kung sino nga iyon. "Krista Benzel..." tawag ni Mrs. Tuazon sa kanya dahil nag aatendance ito ngunit hindi ito narinig ni krista, "Ms. Krista Benzel..!" pasigaw na pagtawag nito ngunit di pa rin ito narinig ng nakatulalang estudyante. Agad na tumayo sa Kervin at lumapit kay krista sabay batok nito sa kanya. "po..??? ma' mma' ma'am present.!" pagtugon ni krista sa kanyang guro. Si kervin ay ang crush ng kanyang kaibigan na si Alice at kaibigan ni jared.
Ngunit sa hindi sinasadyang paraan, napahawak si krista sa ilalim ng lamesa ng kanyang upuan. Napansin niya na may papel na nakadikit dito at agad niya itong sinilip. "Krista, sorry... hindi totoo ang lahat."
Dahil dito, sumama ang loob ni krista. Nilapitan niya si jared, "best, may ioopen ako sayo" pagbungad ni krista sa kanya. "anu yon best.?" mabilis na pagsagot ni jared sa bestfrined niya. "ok ka lang ba.? bakit parang badtrip ka.? anung nangyari,. ang aga-aga a..?" sunod sunod na tanung niya kay krista.
"Best, diba, nitong mga nakaraang linggo, may mga laman ang locker at bag ko na di ko alam kung kanino galing..?" sabi ni krista "oo, b'b'bakit?" pautal na tanung ni jared. "Kasi best, oo cge aaminin ko, nahulog na ako sa kanya.." sabay iyak nito. "o e anung masama.? bakit ka umiiyak.?" makabang tanung nito kay krista. "best, niloko lang niya ako..! kung kelan nafall na ako.. saka ko nalaman ang lahat.!" pahagulgol na pagsasalaysay nito sa kanyang kaibigan.
Dumating ang gabi, tinext ni jared si krista upang kamustahin kung ok na ito na mukang mabilis na nakarecover sa lahat. "ok ka na ba best?" text ni warren. "oo naman.. lalaki lang yan.. tsss.. haha." mabilis na pagreply nito sa kanya.
Napagusapan nilang magkita kinabukasan ng hapon sa isang parke upang magkakwentuhan sa nangyaring problema kay krista.
Kinabukasan, habang masayang nagkukwentuhan ang magkaibigan, di sinasadyang nasabi ni jared ang mga bagay ni ginawa niya sa isang babaeng napagtripan lang nya. Pero sa kasamaang palad, agad na napagtanto ni krista ang lahat. Si jared ang secret admirer niya.!! Di niya malaman ang gagawin, ni hindi nya alam kung magagalit siya kay warren dahil crush nya ito at best niya. Pero isinang tabi niya ang lahat ng iyon.
"Aminin mo nga sa akin JARED!! Ako ba yung pinagtripan mo?" pasigaw na patanung ni krista "huh.? ano.?" kinakabahang pagsagot ni jared, "hala.! bakit ko nasabi.. alam na niya ang lahat..?? anung gagawin ko.!?" pabulong na tanung sa sarili. "ikaw ba ang secret admirer ko.?! ha jared.! sumagot ka.!" ani krista
"oo ako nga.. sorry best" sagot ni jared, "Naman best.! naturingan kitang bestfriend.. bakit mo ako ginanyun.?! hah..?!" pagalit na sigaw ni krista. "best, gusto kasi kitang makilala ng sobra maliban sa mga pinag kukwentuhan nating gusto at problema natin... sorry talaga best." malungkot na pagsagot kay krista ni jared. Dahil sa sobrang galit, umalis si krista at mabilis na tumakbo pauwi habang umiiyak.
Kinabukasan, may nakita nanamang mga regalo si krista sa locker niya na may nakalagay na "sorry best". dahil dito, medyo gumaan ang bigat ng pakiramdam niya kay jared. Pero umarte parin ito na may sobrang galit siya sa kaibigan. Maging sa kanyang upuan ay may mga papel na nakadikit na sorry pa din ang nakalagay. At dahil sa ikatlong linya nakaupo si krista, maging likod ng upuan na nasa kanyang harapan ay meron nito, ng makita ang lahat ng ito ni krista, napangiti siya. Maya-maya ay nagtutunog ang kanyang cellphone. Nang buksan niya, si jared lahat ng ito, pero ganun pa rin ang mga nilalaman.
At nagpatuloy ang mga araw na nagsosorry si jared kay krista. Dahil dito, lalong naging sobrang close ang dalawa.
BINABASA MO ANG
High School Love
Romance.wow.. nakagawa ako.. habang tinatype ko ito.. tumatagaktak ang pawis ko sa init. kahit may nakatapat ng electrict fan sa akin.. grabe lang talaga.. BTW. ito ay tungkol sa pag-ibig na naranasan ng ibang nagdaan sa highschool. Hindi lahat ng pag ibi...