Pano na ngayon.? Sino na nga ba? (chapter 5)

43 0 0
                                    

     Kung sa umaga, sa school ay halos parang di magkakilala ang dalawa, sa gabi sila nagkakausap. Sinasabihan pa rin ni jared si krista ng mga bagay-bagay tulad nung sila kahit nagsasabi rin siya ng mga matatamis na salita kay allice.

    Hindi pa rin mapagtanto ni jared kung sino na nga ba ang talagang may totoo sa pagtingin niya. Dahil hanggang ngayon nga, Di pa rin niya alam. Ganu na ba siya katanga? O ganun na siya kamanloloko para paglaruan ang puso ng dalawang babaing ito.

     Hindi naman kasi pwedeng kung sino lang ang maisip na lalambingin ay yun na ang mahal at pakaiisipin niya. "pare, manakit ka na dahil sa katotohanan, wag ka lang magpakilig sa kasinungalingan." Yan ang laging wika sa kanya ng mga kaibigan niyang hinihingan ng payo.

   Yun nga ang isa pang problema e, Di nya masakatan si krista dahil mahal pa nga "DAW" nya ito. E panu naman si allice, na kinagagalitan nya pag nagpapaulan at sa sobrang pasaway nito at kung ituring niya ay more than friends na talaga. Dahil diba nga.? Hindi pwedeng dalawa ang mahal mo.

     Wala kasing oras si allice sa mga bagay na hindi sila nagkakakita ni jared pero si krista ang lagi nyang kasundo sa mga ganito. Si krista naman, parang wala lang sa kanya si jared pag kinakausap siya ng binata kaya hindi narin ito masyadong pansinin o kausapin ni jared kaya si allice ang nababalingan nito. Nagkakakwentuhan sila, nagkukuhitan, kulitan, titigan at iba pa.

     Kapag nakikita ito ni krista, sa text niya lang ito nasasabi kay jared at si jared na ang bahalang mag exuse dito. "hindi naman e, sabi't friend ko nga lang siya, saka kay kervin yun.?"

"at ikaw, kanino ka naman...?" laging tanung ni krista

"syempre, sayo..." Mabulaang sagot ni jared.

    Kahit nagdududa na si krista, konting lambing lang ng lalaki, dahil mahal pa nga niya ito ng sobra, di magawang bumigay ni krsta at magtiwala ulit. Si allice naman ang pinagkakaabalahan niya. Mga letterings, drawings, tula, at messages na sobra namang inaapriciate ni allice kahit pangit ito, basta may connect sa kanila ni jared at galing kay sa lalaki. May pakilig kilig pa itong ngiti at titig kay jared pag naglalambingan na lagi namang ikinahuhulog ng loob ni jared sa dalaga.

High School LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon