Pag-ibig ba ito? (chapter 2)

62 1 0
                                    

     Di nagtagal, nahulog na din ang loob ni jared sa kanya ngunit di niya ito pinaalam o pinaramdam. Dahil di sigurado si jared sa kanyang nararamdaman, dumistansya siya kay krista na naging dahilan ng pagkakaruon ni krista ng ilan apng kaclose sa lalaking kaklase, nagkaruon ng ibang katext umaga't gabi. Pero di ito natiis ni jared. "best.??" pagbati niya kay krista. Di nag rereply si krista kaya tinadtad ito ni jared ng kung anu-ano.

     Lumipas ang ilan pang minuto, nainip si jared at tinext ulit nya si krista, "best.?! busy ka ba..?!, madaming katext.?!, ayaw mu na ba sakin.? sabihin mo naman o.?" pananadtad ni jared. "best anu ba.?! wala namang tadtaran.?"reply ni krista. dahil sa inis, di na nagawa pang magreply ni jared at dinaan na lang niya ito sa tulog.

     Kinabukasan, naiwan ni krista ang kanyang cellphone sa lamesa ng kanyang upuan para mag-c.r. Sakto namang napadaan si jared at nakita ito, kinuha niya ito sa pangambang baka mawala ito ngunit ng ilalagay na niya ito sa kanyang bulsa, nagring ito, sinagot niya ito dahil curious siya sa kung sino ito. "Hello, Krista, musta ka na? Ansaya ng topic natin kagabi a, Anung oras ka na ba natulog ha?" agad na pagbungad ng tumawag matapos itong sagutin ni jared sabay patay.

"best?" text ni krista kay jared

"oh" agad na reply nito.

"di na tayo nagkakakwentuhan a, miss na kita" ani krista

"hoooh.!! e may nakakatext ka namang iba a.! tumatawag pa nga sa iyo e.!" reply ni jared.

"sino.? si dennis ba.?"

"a, dennis ba yun.? oo basta.! kung sino man siya"

"ikaw pa ba ang best ko?"

"oo naman"

"e bakit ka nagkakaganyan?"

"di ko alam!"

"e kaibigan ko lang naman iyun e"

"haw ewan sa'yo!!"

"oo nga po.. best naman.!! bakit kaba ganyan.?!"

"kasi nga mahal kita.!!"

"????" sagot ni krista

"naman best.! di ka pa ba masaya na pinagtripan mo na ako dati.?! tas padtitripan mo nanaman ako.?! pagpapatuloy nito.

     Sumunod na araw, oras ng pagkain, lumapit si jared kay allice para tanunging kung ano ang mga tipo ng kaibigan sa isang lalaki. "wala naman masyado, di naman kasi ganun kaarte si krista sa lalaki e, kaya lang, baka medyo mailang siya kasi di pa siya nag kakaruon ng bf ever since e. Bakit.? inlove ka ba sa kaibigan ko.?" wika ni allice "Hindi a, ! bestfriend ko yun e" tugon ni jared.

     Doon nagsimulang maging close si allice ni jared. Di nagtagal, di na nakaya ni jared ang pagtitiis. Dahil biyernes ng hapon niyon, walang pasok kinabukasan.  Nagkaruon ng maraming oras si jared para pagplanuhan ang pagamin  kay krista, dito na rin dumating sa punto na nagsisi siya sa ginawa niyang panloloko kay krista dati. Di niya tuloy alam kung maniniwala pa sa kanyang sasabihin ang kaibigan.

     Dumating na ang lunes, oras ng pagkain, lumapit siya sa kaibigan, "best.. i mean... ui, puwede ba tayong mag-usap?"

"sure, bakit hindi.?"

"gusto ko lang sabihin na totoo yung sinabi ko sayo kagabi at hindi jowk"

"malamang,! hindi nga jowk diba.?" sabay tawa ng babae.

"best seryoso nga ako. Mahal nga kita. Oo, inaamin ko, nagsisisi akong niloko kita noon pero anung magagawa ko kung bumigay ako sayo, medyo matagal na ito pero di ko agad nasabi dahil di ako makakuha ng tamang tiyempo, pero ngayon, harapan ko nang sinasabi sa'yo na totoong mahal kita."

     Nakatingin lang sa kanya si krista. "ui best, magreact ka naman.!" sabay tapik ni jared sa pisngi ni krista. Pero biglang nagring ang bell, 'time na jared..... tara at baka malate pa tayo" sabay hila niya sa lalaki.

     Uwian na, habang naglalakad si krista at allice,kasama ang kaibigan si kervin, lumapit si jared at sinabing, "pwede ba kitang makasabay paglalakad?"

"hindi e, may pinaguusapan kami ni allice" tugon ni krista

"uhhhh.. sige lang warren.. kaw pa.. ok lang..' pagsabat ni allice

Paglipas ng ilang sageundo, "a kervin, nandyan ka pala sa likod, sabay na tayo, daan din tayo sandali sa canteen at may bibilhin ako" sabay hila ni allice kay kervin.

"Uhmmmmm.. so.. pwe" naputol na litanya ni jared

"anu nga palang assignment natin para bukas?"

"a physics lang.. so pwede ba..."

"a, anu gagawin dun.?"

"magdodrawing lang ng circles.. tuloy ko na.. pwede ba akong.."

"e san daw lalagay.?"

     di nila alam na kasunod na nila si allice ni kervin.

"sa short bond paper krista" wika ni allice

"ahem.! a e, krista,.. pwede daw bang manligaw itong si jared.?" sabat ni kervin

"para ho.!" palihis na sagot ni krista

"sabay na ako kay krista pag-uwi... geh,, bye guys....." sabi ni allice

     lumapit si jared sa driver at nagwika, "manong... dahan dahan lang po sa pagdadrive ha, sakay niyo po kasi ang mahal ko.. aeste.. bestfriend pala." sabay ngiti habang nakatingin sa magkaibigan.

     Nung gabing iyon, magkakatext ang apat, si kervin ni si jared, si allice at di mawawala si krista na natatanging topic nila. Topic ni allice at jared ay kung pano popormahan si krista, si kervin ni allice ang nambubuyo kay krista patungkol kay jared samantalang nagkakamustahan lang dalawa, si krista ni jared. Di nagtagal, dahil sa pambubuyo ni allice at kervin, napagpasyahan ni krista na pagbigyan si jared.

High School LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon