GUIDANCE OFFICE 2"I.. I.. Im sorry Ruru.." Hinawakan ko ang dalawang kamay nya nag babakasakaling mapatawad nya ako.
Nakita ko ang sakit at galit sa mga mata ni Ruru. Nangingilid ang mga luha nya at handa ng bumuhos. Kahit na hindi sya nakatingin ng diretso sakin, nakikita ko parin ang mga mata nyang puno ng mga luha. Damn, it!
Bumaling ang tingin ko kay Miguel na ngayon ay nakayuko at nakasarado ang mga kamao. Nag titimpi din sya ng galit. Damn, i don't like those face. Please lang, sana mapigilan nya ang galit nya dahil baka mamaya sumugod sya kay Ruru. Nasa tapat kami ng guidance council and i don't think it's a good idea to make scenes here.
"Im sorry too, Bianca." Napalingon ulit ako kay Ruru na nakayuko. "Im sorry dahil pinilit pa kita."
Dahan dahan nyang inangat ang ulo nya at tumitig sakin. This time, tumulo na ang luha nya. Gusto ko syang patahanin ngunit naalala ko na nandito pa pala si Miguel sa likod ko. Masasaktan ko si Miguel kung sakaling ginawa ko yun.
"Pinilit? Saan?" Nagtatakang tanong ko.
Bahagya syang ngumisi. Ano ba kasing pinilit ang sinasabi nya? Naguguluhan ako.
"Don't mind that." Hinawi nya ang buhok na tumakas sa tenga ko.
"Anong don't mind? Ruru, sabihin mo nga sakin." Hinarap ko sya sakin.
Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Dati naman napakadaling basahin kung anong nasa utak nya pero magkaiba ngayon.
"Ruru, sabihin mo nga sakin. I don't fucking get it."
"Bianca.." Panimula nya.
"I'm sorry for being too much desperate. I'm sorry dahil pinilit kitang mahalin mo 'ko pabalik. I'm so fucking desperate that i don't even fucking care if there's someone's hurt."
Bumagsak na ang mga luha na kanina pang iniipon ni Ruru. Ibang iba ang Ruru na nakikita ko at kaharap ko ngayon. Parang hindi sya yung nakilala kong Ruru.
Hindi sya yung matapang at palaban na Ruru. Tama pala, hindi ko pa talaga sya kilala. It's funny to think that the person you thought who has a strong personality, is the one who has the softest heart.
"What do you mean?" Mas ikinagulat ko ang biglaang tanong ni Miguel.
"Bianca, listen to me. Una palang kitang nakita, mahal na kita. Nung nabalitaan kong kayo na ni Miguel, halos mamatay ako sa sobrang sakit. Araw araw akong tulala, hindi ako makakain, at gumunaw ang mundo ko." Hinawakan nya ang dalawang kamay ko bago sya magsalita ulit.
"Hanggang sa nabalitaan ko yung ginawa sayo ni Sabrina. Nagalit ako kay Miguel kasi wala syang nagawa para sayo. Nainis ako sakanya dahil hindi nya ginampanan ang pagiging boyfriend nya." Tumingin sya kay Miguel saglit pero agad din naman ito bumalik sakin.
"Pero nung nag sama tayo sa sementeryo, inisip ko na baka ito na yung tamang panahon para sabihin sayo yung totoong nararamdaman ko. Pero nung inamin ko na, ang akala ko ganun din ang nararamdaman mo para sakin. Akala ko sasabihin mo na mahal mo din ako, na matagal mo na din akong gusto."
Natigilan ako dun. Nasasaktan ako para kay Ruru. All these time pala na nagkasama kami, may nararamdaman na sya para sakin. Ang manhid ko na hindi ko man lang yun naramdaman. Ang tanga ko ng dahil sa akin, maraming nasasaktan. Isa na dun si Ruru.
Nung una naming pagkikita nung dumating si Sabrina at nag selos ako nun kay Miguel, nandun sya para sakin. Hindi ko pa man sya kilala nun, hindi ko alam na may gusto na pala sya sakin. Teka, yung sinabi ba nyang ganun din yung sitwasyon naming dalawa ay dahil din sakin yun? Bakit di ko man lang alam? Gusto ko pa sana iyon itanong ngayon ngunit naisip ko na masyado pang magulo ang sitwasyon namin kaya itatanong ko na lang yun sa ibang araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/40163067-288-k35754.jpg)
BINABASA MO ANG
Fakes Become Reality [BIGUEL FANFIC]
FanfictionYung feeling na ipinagtagpo kayo, pero hindi pala kayo itinadhana. #UmasaZoned Inspired by BiGuel Fan fiction Copyrights 2015