FBR /|7|\

167 9 3
                                    


Good morning world!

Sabado pala ngayon at wala kaming pasok. Napag-desisyonan ko munang mag jogging tutal boring naman dito sa bahay.

Bumaba muna ako pero pag kababa ko mukang walang Tao. Siguro umalis lang yun sila ate Fiona at ate Lauren. Nag iwan na lang muna ako ng note sa ref namin na mag jojogging lang ako.

Bago pa-man ako makalabas ng bahay may nakita akong pulang box sa May tabi ng pintuan namin. Naisip Ko na baka padala lang yun para kay ate Lauren kasi nabalitaan ko na may manliligaw daw sakanya kaya di Ko binuksan pero nakita kong may note na nakalagay dun sa box..

To: Bianca

Have a nice weekend..

From: .......

Na-curious ako nung nakita kong para sakin pala yung box.. Pero kanino naman yun galing? aish,
Yaan mo na nga -_-

Agad ko namang binuksan yung box kaso medyo nahirapan ako dahil masyadong marami ang tape na nakapakupot dito kaya mas lalo tuloy akong na-curious.

Nang mabuksan ko na yung box nagulat ako sa laman nito...

"Waaaa!! Pusa! Dugo!! Ayoko sa dugo! Waaaa!" kanino to galing?!

Agad kong nabitawan ang kahon.

Yes! You heard it right! Patay na pusa ang sumalubong sakin! kanino yun galing? Pano nakapasok yun dito sa village namin eh sa pagkakaalam ko chinecheck naman ng mga guards yung mga gamit ng tao dito bago sila makapasok? Ang daming tanong sa utak ko! Ahh!

Pero Isa lang naman ang pwedeng gumawa nito!

Si Sabrina... TAMA! Si sabrina Lang naman ang may kayang gawin to sa'kin. Sumosobra na talaga sya!

May nakita naman akong sulat na nasa box. Nag dadalawang isip ako kung kukunin ko ba yun o Hindi pero ang sabi ng utak ko.. Kukunin ko yun!

Dahan-dahan kong kinuha ang sulat at binasa ito..

Nasa samin ang ate mo.. Kung ayaw mong may mangyaring masama sakanya mabuti pa't pumunta ka sa address na'to.

Mayami st. Blk 6 lot 4

Sa oras na nakita kong may kasama kang pulis tiyak na di ka na sisikatan ng araw.

From: .......

Wait! Akala ko umalis lang sila dahil may pinuntahan! Sumosobra na talaga si Sabrina!

"Bianca.." nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat Ko..

"ate fiona!" gulat kong sabi.

"Bianca.. Ang ate Lauren mo.. May dumukot sakanya.."

Nanghina ako sa mga sinabi ni ate fiona feeling ko anytime mawawalan na Ko ng Malay..

"ate fiona. Alam ko kung nasan sya.. Sumama ka sakin.."

"pero bianca baka mapahamak ka!"

"no ate fiona! Ako yung gusto nilang saktan. Alam ko yun ate."

"sige.. Pero marami sila eh baka di natin kayanin." mahinahon nyang sabi pero alam ko sa kalooblooban nya naiinis na din sya katulad ko.

Sa ngayon wala na akong pakialam pa sa sasabihin ni ate Fiona basta kailangan kong iuwi ng ligtas at walang masamang nangyari kay ate Lauren.

Sumama sakin si ate Fiona at nag maneho na ko ng sasakyan Ko. Pumunta kami sa binigay na address ng nakasulat sa box..

Nang makarating na kami dun mukang lumang bahay na sya. Siguro noong sinaunang panahon pa tong bahay na to.

Fakes Become Reality [BIGUEL FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon