Kabanata I

13 2 0
                                    

"Gising na! Hoy! Kumag 8 na oh! 9 pasok natin!" First day of school excited siya, ako? Hindi. Pano ba ako maeexcite kung yung mga kaklase ko palaging lumilipat ng course? -.-

"Oo na babangon na. Grabe ka" bumangon na ako kumuha ng damit at dumeretso sa banyo.

After 20 mins. Eto na naman ako. Tinatamad na naman kumilos. -.-

"Kumag? Breakfast" aya ni kupal pagkababa ko ng hagdan.

"Pass. Kain ka lang. Intayin kita sa labas. Sasabay ka ba?" Nagpunta ako sa banyo sa baba para manalamin kung ayos lang ba ang itsura ko.

"Oo kumag. Ayoko malate e. 8:30 na" sabi niya at pumasok na din sa banyo para mag toothbrush. Buti na lang kahit 3 hrs ang lecture ko tuwing umaga kaya ko. Walang nagbabago sa schedule ng klase ko. Panimula 1st year college ako yun pa rin.

"Ano oras labas mo kupal?" Tanong ko sa kaniya. Nagkibit balikat lang siya. Hindi kasi talaga niya tinitingnan ang schedule ng klase niya. Sabay naman ang vacant namin tuwing Tuesday at Thursday yun nga lang 3 hours vacant ko sa kaniya 1 hour lang.

"Tuesday and Thursday magdadala ka ng kotse mo kups ha. 8 labas ko" napatingin lang siya sakin. Hindi kasi niya alam na umaabot ang klase ko ng ganon kagabi. HRM student ako e.

"6 to 7 labas ko. Bakit may hanggang 8 ka?" Tanong niya.

"Hindi ko din alam." Sabi ko at lumabas na ng bahay. Hawak ko ang susi ng kotse ko. Kasunod ko na si Joyce.

"Tara na malelate tayo." Sabi ni Joyce. Hindi kami nakauniform. First month of school pwede kang hindi mag uniform. Kaya madalas RIP Closet kami ni Joyce.

Nagdrive ako palabas ng village at papunta sa University Lane ng school. 5 minutes lang nasa school na kami. Malapit lang kasi pagkalabas na pagkalabas mo ng village tatawid ka lang lakad konti tapos yun na. Pero sa U-Lane kami dumadaan kasi may dala kaming kotse.

"Miss? Pwede magtanong?" May lalakeng lumapit kay Joyce habang ako inaayos ang gamit ko.

"Hindi ako HRM Student. Siya yun" sabi ni Joyce at tinuro ako. Naka-HRM uniform kasi yung lalake.

"Miss, Sean Lopez nga pala. HRM ka ba?" Tanong niya. Nginitian ko siya at tumango ako.

"Rebecca Dominique. Yes. Ikaw? Transferee ka?" Tanong ko sa kanya. Kamot ulo siya. At tumango.

"Patingin ako ng schedule mo" sabi ko at inabot naman niya ang schedule nya.

"Same sched tayo. 9:30 start ng first class natin. Sabay ka na sakin ihahatid ko lang si Joyce" sabi ko at nilingon ang bestfriend ko.

"Kupaleng tara na" sabi ko at hinigit ko na siya. Kasunod ko lang yung transferee hanggang sa makarating kami sa classroom ni Joyce.

"Kumag hintayin mo ko sa Japanese Garden mamaya ha. Sabay tayo kumain" sabi ni Joyce bago pumasok sa classroom niya.

"Sister mo?" Tanong ng transferee. Napatawa ako. Halos magkapatid na ang turingan namin ni Joyce.

"Hindi. Bestfriend ko siya" sabi ko at naglakad na kami papunta sa classroom namin.

Umupo ako sa likod sa sulok. Ganito ako simula first year. Uupo sa sulok sa likod para matulog.

"Miss Dominique! Tulog ka na naman!" Sigaw ni Ma'am Kulot

"I'm not sleeping ma'am. And it's the first day of school what would you even discuss?" Tanong ko at hindi na lang siya umimik. Naging hobby ko na ang magsungit sa mga teachers lalo na pag inaantok ako. Kaibigan ko ang mga kaklase ko. Lahat sila at pag hindi ako inaantok, ako ang pasimuno ng gulo.

Bestfriend LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon