Kabanata III

5 0 0
                                    

Sedrick's POV

Umabsent ako ng first day of school hindi dahil tinatamad ako kundi dahil kinausap ako ni tita tungkol sa pagaaral namin ni kuya. Hindi niya alam yon. Second day of school naman normal lang kagaya lang ng sa dati kong school. Pero iba ang nangyare gabi after classes. Si kuya humihiling na makipagclose ako sa crush niya. Ang hirap hirap non pero sige para kay kuya. Third day of school na makikipagclose na ako sa kaniya.

"Kuya, pasok na 'ko" paalam ko sa kaniya at umalis na. Byahe lang ako. Si kuya lang ang may kotse sa aming dalawa e.

Nakarating ako sa school on time. First subject namin yung si Ma'am Kilay. At kaparehas ko nv schedule yung crush ni kuya. Tumabi ako sa kaniya.

"Hi. I'm Sedrick" sabi ko at nakipagkamay sa kaniya. Ngumingiti naman siya.

"Pwede makipagkaibigan? Kasi wala talaga akong kaibigan dito e" dagdag ko pa at tumango siya. So friends na kami.

Naglecture si Ma'am Kilay pero hindi ako makahabol kasi hindi ganito ang turo sa amin sa school ko noon kaya nang matapos ang klase kay Ma'am Kilay ay agad akong nagtanong kay Joyce.

"Pwede magpaturo? Medyo di ko kasi gets yung kanina e" sabi ko sa kaniya. Tumango lang ulit siya at naglabas ng libro. Pati sa sunod na klase ganoon din.

"Sa weekend punta ka samin. Vermosa Street yung dark grey na bahay sa tapat ng court sa Times Village" sabi niya at tumayo na para umalis.

Hanggang Biyernes ganon ang pangyayari. Tinuturuan niya ako ng pakonti konti. At araw araw simula noon ay nakikita ko ang bestfriend niyang si Rebecca. Nagiging close na din kami ni Joyce dahil palagi kami magkasama at magkausap. Biyernes ng gabi nagusap kami ni kuya.

"Punta ako kina Joyce bukas" sabi niya at dun din ang punta ko.

"Dun din punta ko. Nagpapaturo kasi ako kay Joyce" sabi ko kay kuya. Tumango siya at naghain ng pagkain namin.

"Bestfriend mo yun?" Tanong ko sa kaniya na nakapagpaangat sa ulo niya at napatawa.

"Ganda niya no?" Tanong niya sa'kin. Sa isip isip ko. "OO KUYA ANG GANDA NIYA AKIN NA LANG SIYA PLEASE" pero hindi pwede.

"Pwede na" matipid kong sagot at tinapos na ang pagkain.

"Mabait 'yon. Matalino at masipag. Parehas kayo ng hilig" kwento ni kuya. Umiling na lang ako. Hindi ko na siya pinapakinggan dahil baka mahulog ako sa bestfriend niya.

"Whatever. Tulog na ako kuya" sabi ko at nagpunta sa kwarto ko. Hindi ako makatulog. Nasa veranda lang ako ng kwarto. Nakaupo nagpapahangin.

Nagiisip isip ako. Tinamaan na ba ako? Grabe kasi e. Ang ganda ng bestfriend ni Joyce. Na bestfriend din ni kuya.

"Akala ko ba tutulog ka na?" Tanong ni kuya galing sa veranda ng kwarto niya. Hindi ko namalayan na 11 na pala.

"Oo nga nagpapahangin lang" sagot ko at ngumiti.

"Nagpapahangin? Tagal naman ata halos isang oras na?" Tanong niya. Hinuhuli niya ako. Yung problema ko.

"Babae ba yan?" Tanong niya ng seryoso at umupo sa dulo ng veranda niya para mapalapit sakin.

"Wala 'to kuya ano ka ba" sagot ko at umiling.

"Sabado bukas. Beer ka muna pagusapan natin yan" sabi niya at inabutan ako ng isang bote ng San Mig Lights. Ganito kami kapag may problema.

"Kuya, I like her" sabi ko sa kaniya at tumawa siya.

"Tinamaan ang masungit!" Pangaasar niya sakin. Oo. Masungit ako sa mga babae kay Joyce naging friendly ako. Kasi hindi niya ko type.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon