012

263 27 33
                                    

Doyoon

Sineen ko lang yung message ni Cheol. Oo alam ko. Hindi ako nagreply kasi wala lang. Hehe. Ayoko lang.

Naglalakad na nga ako sa park, papunta dun sa fountain na sinabi niya. 11:56 palang. Nauna na ako.

Bakit ganun? Kinakabahan ako. Kasi dahil magkikita na kami ulit? o Dahil madilim na dito sa park at wala na halos tao? Hayst ewan.

"Siguraduhin mong pupunta ka, gago." Sabi ko habang nakatingin sa chat box namin ni Cheol.

Napatingin ako sa fountain. Ang lungkot niya tignan kapag hindi nagsasayaw yung mga tubig. Parang buhay ko lang, nung naalis si Cheol.

"11:58. Pag ikaw hindi talaga dumating. Hindi ko na alam gagawin ko." Baliw na ba ako kasi kinakausap ko yung cellphone ko? Hahaha. Siguro hindi naman.

Medyo malaki yung fountain. Kaya malayo pa lalakarin mo papunta sa kabilang dulo.

Parang yung posibilidad na mahalin ulit ako ni Cheol, malayong paglalakad pa.

Nakatayo lang ako nang may naaninag akong naglalakad sa may kabilang dulo ng fountain. Naka sumbrero siya kaya hindi ko makita yung mukha.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at naglakad papunta sa kanya. Matapang kasi ako. Hehehe. Di wao.

"S-seungcheol?" Tanong ko dun sa lalake. Napalingon siya. Ow my Shet!

"Doyoon-ah." Mahina niyang sabi at bigla akong niyakap. Mahigpit yung yakap niya. Papatayin niya na ata ako.

"Bakit ayaw mo ako yakapin pabalik?" Tanong nito. Ay oo nga haha. Niyakap ko siya pabalik pero hindi kasing higpit nung kanya.

"Buti naman at sumulpot ka ngayon." Biro ko. Narinig ko hagulgol niya. Lah gago.

"Uy, tanginamoba?! Bat ka umiiyak?!" tanong ko sakanya. Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang luha niya.

"Gago ka kasi." Sabi niya habang pinupunasan ang mukha niya.

"Ako pa?!" Sabi ko tapos kinatokan siya. Tangina netong lalakeng toh.

"Oh. Nagkita na tayo. Uuwi na ako ah? Bye." Sabi ko at akmang tatalikod na.

"Lahtanginamoka." Sabi niya at hinila ang braso ko.

"Umuwi ka na, Cheol. Hinahanap ka na nung mga bata... Pati ni... Ni Jeonghan." mahinahon kong sabi. Shet. Ang sakit sa puso. Tangina mo Dadeh Cheol. Ajujuju.

Napabitaw siya ng hawak. "A-ano... hindi sa ganon. Teka nga. Bakit ba tuwing naguusap tayo si Han lagi ang sinasabi mo?"

"Kasi naisip ko kung siya yung topic baka interesado kang makipag usap." sagot ko. No sense.

"Doyoon naman. Hindi ako pumunta dito para pagusapan natin si Jeonghan."

"Pumunta ako... Para sayo."

"Eh wala nga tayong dapat pagusapan pa. Diba nga? Ikaw si Daddy Cheol, siya ni Eomma Han. Ako? Sino nga ba ako? Si Ex Mama Dodo? Psh." Sabi ko tapos ngumisi.

Nasasaktan ko ba siya sa mga salita ko? Edi patas lang, nasasaktan ako sa mga kilos niya.

Naglakad ako palayo pero hindi ko naisip na mabobother ako sa salitang sinabi niya.

"Doyoon... Mahal parin kita."

"Doyoon... Mahal parin kita."

"Doyoon... Mahal parin kita."

"Don't look back, Doyoon. Wag ka nang lumingon. Umalis ka na." Sabi ko sa sarili ko. Atsaka umalis.

-------

Hello mga readers. Medyo cheesy at corny tong chapter na toh. Bored ako kaya maguud ako lolololol Naiiyak ako kay Mama Dodo ajujuju ;;-;;

We Meet Again || DoCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon