Episode 10: "Don't . . .

17 0 0
                                    

10: "Don't touch me!"

SUMMERS

"Una na ko, Elle ah? Bye!" paalam ko. Kumaway naman silang dalawa ni Nath. Nauna na akong pumunta sa classroom ko dahil baka malate pa ko ng pasok. Sabay sabay na kaming tatlo na pumapasok sa academy. Si Elle usually yung nagda-drive, si Nath, pupunta samin tuwing umaga para tumulong sa pagluto ng breakfast at kumain. Iniiwan niya yung kotse niya sa parking samin tapos babalikan niya kapag uwi namin. Dun rin kasi siya nagdi-dinner. Para nga siyang nakiki-live in rin eh. Pinagkaiba lang, hindi siya dun natutulog. Pero minsan, sinusundo kami ni Nath kapag hindi siya nakakapunta.

Pumasok na ko papunta sa building ng R-sec. Iba yung building ng R-sec sa ibang sections. Tanging room at facilities lang ng R-sec ang nasa building na ito. Yung ibang secs, sama-sama sa iisang building.

Umupo na ako sa upuan ko ng makapasok ako sa loob ng classroom. Itinago ko na yung bag ko sa ilalim ng desk ko. Yung desk kasi namin, malaki, study table ang laki niya. May mga drawers rin at lagayan ng bag sa ilalim.

Mahahalata mo talaga ang pinagkaiba iba ng mga secs sa isa't isa. Sobrang laki ng discrimination dito sa academy na to. Tulad nalang nung isang araw, nalaman ko na hindi pwedeng pumasok sa foodcourt yung mga low class at accelerando. Hanggang cafeteria lang sila. May mga fast food chains kasi dito sa campus.

Nalalaman nila kung anong sec ka dahil sa uniform. Yung tie at bow kasi sa uniform, iba iba kulay, depende kung anong section or class ka. For R-sec students, red. Red can signify royals.

This Academy is divided into seven hierarchies. On top of the hierarchy ang Royalties or R-sec. Sunod ang N-sec, which are Nobles. Third comes the Elites, the E-sec. Nandyan yung mga minions ni Bitchelin. After the Elites, sunod ang High-class or H-sec. Mid-class or M-sec naman ang sumunod. Pangalawa sa dulo ang Accelerando or A-sec. Nandun si Keith. Last ang Low-class or L-sec. Sila na yung mga hindi na talaga binibigyan ng pansin.

Masyado si Tito sa discrimination. Bakit kaya kailangan pang ihiwalay ang mga studyante base sa status nila? Bakit hindi nalang pwedeng pagsama-samahin sila sa para naman hindi nauuso yung bullying at abusive authority?

Ugh.

"Good Morning class." I went out of my thoughts. Tumayo kaming lahat at nag-bow sa mentor namin.

Nagsimula na siyang magdiscuss pero may napansin ako.

Bakit wala pa yung lima? At wala rin si Bitchelin.

Nasaan kaya yung lima na yun?

Nakakatuwa na nga na malaman na frequent na yung pagpasok nila tapos absent nanaman sila? Nasabi kasi sakin ni Elle na hindi naman daw sila usually mahilig pumasok dahil hindi naman daw required sa kanila. As long as mataas ang grades nila at nama-maintain yun, they're free to do whatever they want. Plus the fact the hari nga sila ng school na to.

And knowing na frequent na silang pumapasok simula ng makapasok ako sa Academy na to, nakakatuwa.

"You'll have a paired term paper as a requirement for my subject." rinig kong sabi ni Ma'am.

Ugh. Pinaka ayokong gawain sa school.

"I'll be the one to pair you dahil alam kong pagkakaguluhan niyo lang ang Centum." rinig ko yung mga reklamo ng mga kaklase ko. Nagsimula na si Ma'am sabihin yung mga magkakapair.

"Summers and Wu." rinig kong sabi ni Ma'am. Napatayo ako.

"MA'AM?!" sigaw ko. Napatingin sakin si Ma'am.

"Is there a problem, Ms. Summers?" aangal na sana ako kaso nakita yung mga itsura ng mga kaklase ko. Mga naka-irap sila at yung mukha nila, parang sinasabi na bakit pa daw ako umaangal.

Umiling nalang ako, "None Ma'am." sagot ko at umupo na. Mga tao talaga eh.

Pero bakit?! Bakit si Wu pa talaga ang partner ko?! Pwede namang si Lewis! Pero bakit pa yung malanding yun?!

***

Dahil wala ang Centum sa klase ngayon, napagdesisyunan kong puntahan sila sa playroom nila ngayong break. Kailangan ko rin kasi kausapin si Wu (kahit ayoko) tungkol sa term paper na binigay samin ni Ma'am. Kailangan makapagsimula na kami.

Palabas na sana ako ng building namin ng makita ko ang isang pamilyar na tindig ng katawan. Napangiti ako.

"Austin!" sigaw ko pero hindi siya lumingon. Bingi naman nun!

Akala ko titingin na siya sakin pero tumingin lang pala siya dun sa window sa hallway. Tinignan niya saglit yung labas at humarap na ulit.

Kaya naman pala hindi niya ako marinig, may earphones.

Hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya pero nagulat ako ng bigla niyang marahas na hinablot pabalik ang braso niya.

"Don't touch me!" sigaw niya.

Galit siyang napatingin sakin at ako, gulat parin.

Bakit ganun yung tingin niya sakin?

Parang nandidiri siya. Para siyang nakatingin sa isang basura.

"Why the heck did you touch me?!" galit niyang tanong.

"Ah.. sorry.." mahina kong sabi. "Tinatawag kasi kita pero hindi k—"

"DAMN!" inis niyang sigaw at lumabas na ng building. Naiwan akong nakatayo at tulala dun.

"Pero hindi ka tumingin kaya hinawakan ko yung braso mo..." mahina kong sabi. "Hindi ko naman alam na hindi ko pala dapat ginawa yun." dagdag kong bulong.

Bakit ganun siya?

Nung isang araw lang, nag-aalala siya sakin tapos ngayon?

Yung tingin niya?

"Madumi ba ako para panindirihan mo?" inis kong tanong sa sarili ko at naglakad na palabas.

***

"Gans. Ano ba ginawa niyang broccoli sayo at sinasaksak mo ng ganyan?" tanong sakin ni Nath.

"Wag mo kong kausapin." poker face kong sabi at patuloy na tinusok-tusok ng marahas yung broccoli gamit yung tinidor ko.

"Ano ba nangyari Aine? Galit na galit ka." alalang tanong ni Elle. Umiling nalang ako.

"Wala to, Elle." emotionless kong sabi.

Hindi na sila nagpumilit pa at nanahimik nalang.

Nakakainis naman kasi yung lalaking yun. Kala mo kung sino.

May lumapit sa amin na babae pero hindi na tinignan kung sino.

"Germaine!" rinig ko. Nabosesan ko siya.

"Keith. Bakit?" tanong ko at tumingin sa kanya.

"Ano... Pumunta ka daw sa quad." wika niya. Napakunot noo ko.

"Sino nagsabi?"

"Pumunta ka lang daw..." mahina niyang sabi. Umiling ako.

"Ayoko." Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko. Napatayo ako sa ginawa niya.

"Keith! Tumayo ka nga diyan!" utos ko.

"Please, Germaine... Kapag hindi kita napapunta dun, ano nalang mangyayari sakin...?" mangiyak-ngiyak niyang wika. Tumingin ako kina Nath at Elle na pagtataka ang nasa mukha. Tinayo ko si Keith.

"Lika na." wika ko. Sumunod naman kami nina Elle kay Keith. Hindi sinabi sakin ni Keith kung anong meron kahit tanong ako ng tanong.

Pagdating namin sa quad, sobrang daming tao. Nakakumpol sila. Nagexcuse ako sa mga tao para makita ko yung pinagkakaabalahan nila.

Ano to...?

"Bitch. Dahil to sayo..." galit na wika sakin ni Michelin habang basang basa ang katawan.

Jawbreaker [Lay]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon