Episode 9: "Dont . . .

25 1 0
                                    




9: "Don't mind them."

SUMMERS

P.E. na yung naabutan naming klase ni Lewis. Pinauna na ako ni Lewis na pumunta ng gymnasium dahil pupuntahan pa daw niya yung mga kaibigan nya. Hindi naman na ako umangal dahil gusto ko rin namang maalis sakin yung atensyon ng bawat dinanadaanan namin, kahit kaunti lang.

"Maka-akting kanina, kala mo nagfifilm siya! Azar!" rinig kong sabi ng isang babae.

Ate naman, kung alam mo lang talaga. Tsaka maasar ka diyan. Basta ako nakahawak ako ng abssss.

Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan nila dahil sila lang rin naman ang nauubusan ng laway. Naglakad na ako papunta sa gym.

"Aine!" nagulat ako ng makita ko si Elle sa harapan ko. Nandito na ako ngayon sa gym at nakitang ang daming tao. Bakit ganun?

"Bakit ka andito? P.E. namin ah?" tanong ko.

"HI Gans!" bati naman ni Nath mula sa likod ni Elle. "Hindi mo ba alam? Sabay P.E. natin ngayon dahil wala prof niyo." dagdag niya. Tumango lang ako.

"Hoy Aine! May hindi ka sinasabi sakin no?!" irap sakin ni Elle. Napakunot naman noo ko.

Nanlaki ang mata ko, "Paano mo nalaman?"

"Duh!—"

Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit. "Sorry na Elle! Dahil sakin kaya nilanggam yung uniform mo nung isang araw. Pramis! Di ko sinasadya na maiwan yung flat tops na bigay ni Nath sakin! Sorry na mother earth!!!" Pagmamakaawa ko.

"HA?! IKAW MAY KASALANAN NUN?!" "GANS! ALAM MO BA HIRAP NA DINANAS KO DAHIL DUN?!" sabay nilang sigaw.

"Oo mother earth! Ako may kasalanan nun!—ARAY!" napasigaw ako sa sakit ng batukan ako ni Elle.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?!" galit niyang tanong.

"Eh kasi— ha? Eh alam mo naman na diba?" tanong ko.

"Bopols! Hindi!" binatukan niya ulit ako, "Iba kasi yung tinutukoy ko!"

"NAPAAMIN AKO NG WALA SA ORAS?!" sigaw ko.

"Yan kase Gans! Nako Pangs! Batukan mo pa nga si Gans!" utos ni Nath. Siya naman binatukan ni Elle.

"Ikaw kaya batukan ko?" umamba ulit si Elle na mambatok.

"Nabatukan mo na kaya ako!" angal ni Nath at nagtago sa likod ko. "Gans oh! Si Pangs, abuse!" tumawa lang ako pero natigil rin dahil sa death glare na binibigay sakin ni Elle ngayon.

"Nagtatago ka na sakin ah." seryoso niyang sabi.

Kumunot noo ko, "Ano ba kasi yun?" tanong ko.

"Ugh." she rolled her eyes, "Sige. Panggap pa na hindi mo alam na sinagip ka ng isang Ken Lewis mula sa pagkalunod."

AH.... YUN NAMAN PALA GUSTO NIYANG MALAMAN.

"Yun lang pala gusto mong malaman, hindi mo pa sinabi sakin." wika ko.

"Eh gusto ko ikaw magsabi eh." Hinila niya ako papunta sa bleachers, randam ko parin yung pagsunod ni Nath sa likod ko. "So dali, kwento."

"Wala namang dapat ikwento eh." simula ko, "Nalunod ako tapos sinagip niya ko. Tapos na."

"Baka maniwala ako sa storya mo diba?" inis niyang sabi, "Kelan ba nalunod ang isang swimmer? Child prodigy pa ha?" tanong niya.

"Nung sumakit yung balikat niya dahilan para hindi siya makalangoy ng maayos?" sarcastic kong sagot. Kumunot noo niya.

Jawbreaker [Lay]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon