Chapter 6: THE RED CARPET ENTRANCE

63 1 0
                                    

Sabi sa invitation, 4PM daw ang start ng ball. Pero it’s already 5PM. My god!!! Estimated kong 200 students pa lang ang nasa loob ng venue. And speaking of venue, isa itong malaking open-spaced area kaya kitang kita ko ang mga nasa loob. May swimming pool pa sa gilid. Tapos naka prepared na rin ang sound systems, photobooth, catering, at yung mga decorations na maganda naman pero halatang cheap. Hay nako, sinasabi ko na nga ba ee! Di talaga nababagay ang isang mayamang tulad ko dito sa venue. May mga nakahanda na ring chairs tapos may table settings na. Ang name nga pala ng venue namin ay ‘Villa Ellamika’, medyo creepy diba? At tsaka pangalan pa lang, pang mahirap na. Sorry, wala na akong maisip na word na pwedeng ipintas sa venue.

By the way, kung yung mga students ay nasa loob at nakaupo na, pwes ako, nasa loob pa rin ako ng convertible ko at naka park kami ngayon dun sa sulok ng parking area sa harap lang mismo ng pinaka venue. And, para maiba, kumuha ako ng driver ko. Yung tita ko. Kasi naman, kailangan ko na talaga ng driver lalo na ngayong ball pa namin. Malinis naman sa katawan yung tita ko, kaya naman nasisiguro kong wala siyang gaanong maiiwang germs sa loob ng kotse ko.

Kaninang 4:30PM pa ako nasa loob ng kotse at pinagmamasdan ko lang ang mga hinayupak at nagmamagandang estudyanteng paparating. Grabe, yung ibang babae, kung makapag make up, daig pa ang clown. Yung iba namang babae, dinaig pa ang sexy lips ng Camera 360. Yung mga lalaki, ‘kala ko may palong na sa sobrang tayog ng buhok. Manok lang ang peg. Mga ganun po. Nakakairita rin yung mga nagmamagandang janitress. Kala mo namang kasali sila sa acquaintance ball namin.

Ayoko pang lumabas ng kotse ko dahil hindi pa sila kumpleto. Hindi pa kumpleto ang mga college students, faculty, staff, epals, gatecrushers, and so on. Basta, ayoko pang bumaba dahil wala pa ang LAHAT.

Gusto ko kasi, pag bumaba ako ng kotse, kumpleto na sila. Gusto kong makita nilang LAHAT. Mula sa pagbaba ko ng sasakyan, pag ‘taas ng bangs’, paglakad sa red carpet, pag kaway sa mga fans at followers ko, pag upo sa pinaka comfortable at pinaka malinis na upuan, pagkain, pagsayaw, pagrampa, pagmamaldita, pag uwi, at sa lahat lahat ng pwede kong magawa ngayong gabing ito. Gusto kong makita nilang LAHAT at kainggitan nila ako.

Of course, I have my ‘revealing’ outfit for this night.

I have my flimsy chiffon white summer dress. Pero nagdala na rin ako ng soft cloth na pwede kong ipambalabal sa sarili ko habang naglalakad sared carpet. I'm also wearing my silver sandals. Hindi naman ito masyadong high heels. Sakto lang siya.

And finally!

Whoah!

After almost 2 hours na paghihintay sa mga nagpapa-VIP na students at faculty ng school, feeling ko, nakumpleto  na rin sila. Hindi ko man pansin yung ibang students na paparating, pero na fi feel ko na talaga na nasa loob na ang lahat. Malakas akong makaramdam kaya wag kayong KJ! At kung ayaw niyong maniwala sa akin, pwede na kayong lumayas sa mundo ng Wattpad!

Ok. I’m super ready na! Tinignan ko muna ulit ang sarili ko…

Sandals? CHECK!

Dress? CHECK!

Pouch? CHECK!

Flawless Skin? CHECK!

Make-upless Face? CHECK!

Shining Teeth? CHECK!

Long and Pumipilantik na Eyelashes? CHECK!

Pantay na Bangs? SUPER CHECK!!!

Bumuntong- hininga ako. Then, I wear my ‘semi-plastic-semi-real-smile’ tinignan ko si Tita sa may driver’s seat.

“Tita, they are just completed a few minutes ago. Bababa na ako at kating- kati na akong umeksena.”

Bakit Pantay ang Bangs ni Abbi? (ONGOING💛)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon