Chapter 7: MEET BETCHAY

78 2 0
                                    

Si Betchay P. Netsay

Pangit siya talaga. Naging maayos lang ang itsura niya dahil pinaretoke niya ang lahat ng parte ng katawan niya.

Sa pagkakaalam ko, mahirap lang siya nuon pero naging mayaman. Pero mas mayaman pa rin ako sa kanya. May mga naririnig akong tsismis tungkol sa kanya.. Pero di ko pinapansin dahil hindi ako naniniwala at di talaga kapani paniwala. Pero ngayon, di ko mapalampas na isipin ang lahat ng bagay na naririnig ko tungkol sa kanya.

May mga nagsasabi na patay na daw ang kanyang ama. Naniniwala ako dun. Pero ang di ko mapaniwalaan ay 7 lang daw ang buhok ng kanyang ama sa buong katawan? Maniniwala ba kayo dun? At ang higit na di kapani paniwala ay, bawat buhok daw ng kanyang ama ay may ‘split ends’?? WHAT THE!!! Di ako naniniwala dun..

Second, may nanay si Betchay at ang pangalan ng nanay niya ay Jennibelles. Grabe! Pero hindi iyon ang pinagtataka ko, kundi ang nanay daw niya ay isang karpintera at mahilig daw ito sa pinto at hagdan? At ang pagpukpok ng nanay niya ay laging may pattern? Grabe! Ang creepy!

Tapos ang higit na di ko talaga mapaniwalaan ay..

Si Betchay daw ay isang Pechay?? Oo, yung gulay! Pechay!

Weh?

Pero sabi ng iba, totoo daw yun. E paano naman ba kasi nangyari yun? Kung si Betchay ay isang pechay, paano siya naging tae? I mean, tao.. Di man ako interesado sa buhay ng Betchay na ‘to, pero aalamin ko…

Actually, kilala ko yung chronicler ni Betchay. At sa akda niyang “Ang Alamat ng Pechay”, nakasulat ang tunay na kwento ng buhay ni Betchay at kung papaano siya naging pechay.  Kaya naman naka dedicate ito sa kanya. Kung gusto niyong malaman ang tunay na nangyari kay Betchay, basahin niyo na lang yun..

Back to the ball game!

Nilapitan ko ang kumpol ng mga mongoloid.. At si Betchay nga talaga iyon..

Ang cheap ng suot niya. Kasing cheap ng mukha niya! Yuck lang! tapos yung labi niya, sobrang pula! Parang tilapia!

Nung nakalapit na ako sa kumpol, narinig ko ang mga walang kwentang pinagsasasabi ng mga estudyante..

“Ang ganda naman ni Betchay!”

“Wow Betchii! Ang cute ng dress mo!”

“Oo nga! Ikaw ang magiging Star of the Night!”

“Grabe Betchii! Ang ganda ganda mo talaga!”

“Betchii! Saan ka nagpaayos?”

Ohmy! This can’t be!

Di ko na napigilang magsalita.

“MAWALANG GALANG NA SA MGA DI NAMAN KAGALANG GALANG.” Sigaw ko sa kanila habang nakangiting plastic.

Nakita ko naman ang gulat sa kanila… Di sila kumibo.

Tinignan ko naman agad si Betchay… Mukhang gulat din siya.

“Dun nga muna kayo sa gilid at nakaharang kayo sa daan ko! Kakausapin ko lang ang Betchay na pinagkakaguluhan niyo.”

Sinunod naman ako ng mga mongoloid at tumabi sa daan na wala man lamang masabi. Ni ‘ha’. Ni ‘ho’. Wala talaga.

Nilapitan ko si Betchay.

ABA! Nakuha pang magmaganda.

“Sino ka?” sabi ni Betchay.

“Abbijoy Lhallie Glydelle R. Pastranity. Abbi for short.” Sabi ko at ngumiti sa kanya

“And so? Di kita kilala eh..” at inirapan niya ako. HAHAHAHAH! Siya pa ngayon ang may ganang mang irap?

Bakit Pantay ang Bangs ni Abbi? (ONGOING💛)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon