DEMI DEMONYITA 45 LAST CHAPTER

552 11 1
                                    

N/A: Read it outloud damdamin niyo yung mga nakalagay.. ^^ ifeel niyo artista kayo! Makisakay nalang okay?

[Jordan's POV]

Ano ka ba Mr. Kim.. ang dami mo nang case na natatalo!, sabi sakin

Im sorry wala lang talaga ko sa focus.., sabi ko habang nakayuko

Umalis na yung kausap ko umuwi ako nang bahay at kumuha nang alak.

Kaya ko pa ba?!

Alam kong baka mamaya... bukas.. isang araw.. mawawala nalang sakin yung kapatid ko..
Yung taong nakasama ko simula pagkabata ko.. Yung nag aalalay sakin kapag tumatawid kami nang daan. Yung kasama ko lagi sa kautuan ko..Yung laging nakikisakay sa trip ko..Kung makikita mo si Dylan.. ang laki nang pagbabago niya..Pumapayat na siya at nanghihina ngayon nasa ospital siya at binabantayan ni Demi.

Kuya...

Akala ko pa naman makakasama kitang mag basketball habang may mga tungkod na tayo at nangangapa nalang..Akala ko ba makakasama kitang mag golf pagtanda natin..Kuya naman eh! Mang iiwan ka. Nawala na nga si Ate Danica pati ba naman ikaw mawawala din.. Hindi ko kayang mag isa.. Ikaw na nga lang kasama ko sa mga kagaguhan ko eh..Kahit na may Marga ako.. na nagmamahal sakin..Iba pa din kase talaga kapag galing sa kapatid yung pagmamahal eh..Kilala kitang tao na hindi agad sumusuko sa mga problema..Pero bakit dito nagpapatalo ka?!Madaming nagmamahal sayo tapos iiwan mo nalang.. Kuya! Hindi mo alam kung gaano kasakit para sakin toh! Gusto kong akuin yung sakit mo! Sana ako nalang! Ako nalang ang nagkasakit sa halip na ikaw!

********
[Demi's POV]

Demi ako na muna ang magbabantay kay Dylan.. magpahinga ka na muna.., sabi ni Tita Cassandra

Hindi po ayos lang ako... ako nalang po dito.., sabi ko

Demi kanina ka pa hindi kumakain.., sabi nito

Oo nga kanina pa ko hindi kumakain.

Ako na.., sabi ni Tita at hinawakan ang balikat ko

Tumango ako at tumayo hinalikan ko muna yung pisngi ni Dylan at umalis muna ko saglit.

Nagpunta ko sa bilihan nang pagkain sa labas nang ospital at itinake out ko yun dumiretso muna ko sa clinic ko at doon kumain.

Pagkatapos ko kumain ay uminom nako nang tubig at nagpahinga napadukdok nalang ako at umiyak nang umiyak.

Hindi ko kakayanin kung kukunin ka sakin Dylan.. alam mo kung gaano kita kamahal.. pero please naman wag mo kong iwan.. ngayon palang naiisip ko pa lang halos hindi ko makaya.. paano pa kaya kung mangyari na yun?
Wala na ba talaga kong karapatang maging masaya?! Lagi nalang ipinagkakait sakin ang maging masaya.. si Dylan nalang nga ang nagpapasaya sakin tapos mawawala pa?

May kumakatok kaya pinunasan ko agad yung luha ko.

Demi.., tawag sakin si Katsy

Inakap niya ko at napahagulgol naman ako.

Katsy i can't! I can't! Kahit pilitin ko hindi ko makaya! Sobra kong mahal si Dylan.. ayoko kong mawala siya sakin.. ayokong kunin siya sakin! Bakit ba lahat nalang nang nag papasaya sakin kinukuha! Katsy.. hindi ko kayang mabuhay pag nawala si Dylan.. kung makikita mo siya.. hirap na hirap na siya.. sa mga galawa niya parang gusto na niyang magpaalam... ayoko..., sabi ko habang umiiling uling pa at umiiyak

Demi.. alam kong mahirap tanggapin para sayo.. mahirap talaga.. kase ikaw ba naman mawalan nang taong sobra mong mahal makakaya mo diba hindi? Alam kong masakit.. sakin din masakit din eh.. kase naging kaibigan ko din si Dylan naging kakulitan ko rin.. lahat tayo ayaw natin siyang mawala.. pero kasi Demi we need to let go.. kase sa ginagawa mo nahihirapan din si Dylan na iwanan ka.., sabi ni Katsy habang hinihimas himas yung likod ko

DEMI DEMONYITA #Wattys2018 [COMPLETED] •Editing•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon