Minion Shot 2

565 29 16
                                    

M.S: 2-Broken Glass

“Blair”

Dahan-dahan siyang humarap sa akin, pero bumalik lang ang tingin niya sa mga batang naghahabulan. Walang emosyon niyang pinapanood ang mga ito.

Blanko.

Umupo ako sa tabi niya. Sabay naming pinagmasdan ang masasayang tawanan at matatamis na mga ngiti ng mga bata. Buti pa sila, malayong-malayo sa problema. Walang pakielam sa paligid. Para sa kanila, simple lang ang buhay. Gigising, kakain, mag-aaral, maglalaro at matutulog. Dyan lang umiikot ang buhay nila.

“Ang saya nila no?” nakangiting sambit ni Blair habang nakatulala sa mga bata. Ang mga ngiting iyon, dyan siya nakilala ng mga karamihan. Mga ngiting nakakapagtago ng kanyang mga tunay na nararamdaman. Mga ngiting nakakapanlinlang ng ibang tao.

Mga ngiting kahit siya mismo, naloloko kung ano ba talaga ang nasa loob ng puso niya.

Nanatili akong tahimik. Nakakatawa, pumunta-punta ako dito pero wala naman akong masabi sa kanya. I am not good in comforting people. Wala akong matinong advice. Hindi rin naman ako magaling sa pakikipag-usap. All I can offer are my listening ears and shoulders to cry on. Yan lang naman kasi ang kaya kong gawin sa mga kaibigan ko.

Ilang minuto kaming tulala, tahimik. Marami akong gustong sabihin sakanya. I want to comfort her. But no words came out from my mouth.

I am a good-for-nothing bestfriend.

“Bakit hindi mo pa iiyak yan?” I looked at her. Instead of looking back at me, she flashed another fake smile.

Ang galing niya lang talagang magtago.

Minasdan ulit namin yung mga bata. Tapos na silang maglaro. Papalubog na ang araw at uuwi na sila sa kanya-kanyang pamilya para makakain ng hapunan. Their lives are simple as like that. Natapos nanaman ang isang masayang araw para sa kanila.

“Tapos na ang palabas. Wala nang nakakakita. Pwede ka nang umiyak,” muling sabi ko sakanya. Ganyang ako mang-alo. Napaka-walang kwenta.

This time, kasabay ng paglubog ng araw ang pagkawala ng kanyang ngiti.

She bit her lower lip. Pinigil niya ang pagtulo ng kanyang mga luha pero kahit anong gawin niyang pagpigil dito, unti-unti nang kumawala ang mga ito sa kanyang mga mata.

She was crying precious crystal-like tears.

Napatungo siya. She was crying in silence. Nanginginig-nginig pa ang mga braso niya habang umiiyak. Pain already reached her heart.

Nasasaktan siya.

Nasasaktan siya ng sobra.

Hindi ko mapigilang umiyak sa kalagayan niya. Siya ang pinakamasayahing taong nakilala ko sa buong buhay ko. She takes everything lightly. Para siyang mga bata kanina, hindi kinikilala ang salitang ‘problema’ at ‘kalungkutan’.

Sa aming magkakabarkada, Blair is our comfort zone. Siya ang takbuhan namin kapag may problema. She’s the sweetest treasure we have in our group. And when you see those smiles of her, mapapangiti ka na lang din.

She’s our angel.

But her wings were ripped and torn apart by the guy she loves for a long time.

Masakit lang isipin na kung sino pa ang lalaking minahal niya ng sobra, siya pa ang mananakit sakanya.

She showered him with love. But he wrecked her into pieces.

“C-Chin. A-Ang sakit,” she barely said those words. Hirap na hirap siyang magsalita dahil sa kakaiyak. Para siyang batang inagawan ng laruan. "Ang sakit sakit eh~ Ba't ganun?"

Minion Shots: ABCDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon