Minion Shot 3

384 19 5
                                    

M.S: 3-Chinito

“Mag taxi na lang tayo. Male-late na kayo, 7 am na,” sabi ni Tita habang nakatayo kaming dalawa ni Kuya sa sidewalk. Kanina pa kami nandito, nag-aabang ng masasakyan kaso punuan ang mga jeep pati fx. Isama mo pa ang traffic.

Ngayon ang araw kung saan kukuhain ko ang aking DLSUcet, short for De La Salle University College Entrance Test. Sabi dun sa form, kailangan daw nasa designated building na ang mga examinees thirty minutes before exam. Eh 8 in the morning ang exam ko at eto, nakatunganga sa tabi dahil walang masakyan papuntang La Salle. Ngayon din kasi ang araw ng One Run, One Philippines na gaganapin sa circle. Saktuhan pang madadaanan namin yun. Pag minamalas ka nga naman.

Si Kuya naman, parehas lang kami ng way. He has his OJT somewhere near Taft kaya sumabay siya sa amin para tipid sa pamasahe.

Sawakas, may taxing walang laman ang umabot sa amin. Sumakay si Kuya sa harap habang nasa likod kami ni tita. I plugged in my earphones and shut the world up. Sinubukan kong magpahinga and achieve peace of mind dahil nahihilo ako. Hindi ko kasi gusto yung amoy ng aircon sa loob ng taxi. Nakakasuka. May mga aircon kasi na merong halong air refresher, tapos sa sobrang tapang eh nakakahilo. Madalas mangyari sakin to, mapa-taxi man o bus. Kaya nga minsan, mas gusto ko pang sumakay sa jeep kesa sa ganito.

Mas lalo pang dumagdag sa hilo ko yung pasikot sikot ni Manong Taxi driver. Nag-uusap pa nga ata sila ni tita kung saan dadaan para makaiwas sa traffic. Halos masuka na nga ako dahil paliko-liko. Sinubukan kong mag-relax pero lalo akong na-stress.

“Ay lagot ka! Bar exam din pala ngayon ng UST,” narinig kong sabi ni tita. Ayun, good luck na lang sakin. Traffic ulit. Wish ko lang na sana umabot ako. Gusto ko pa namang makakuha ng scholarship sa La Salle. Bukod kasi sa maganda nang school, dito rin ako nakakuha ng gusto kong course.

Pero isa rin sa dahilan kung bakit gusto kong mag-aral dito ay dahil sa chinito ng buhay ko.

Dahil kay Jeron Teng.

Weird diba? Ewan ko ba. Unang panood ko pa lang sa game niya, na-attract agad ako sa kanya.

Ang cool nga eh. Hindi naman talaga ako masyadong mahilig sa basketball. Pero simula nung mapanood ko yung game niya, sunod-sunod na yung panonood ko. Mapa-UAAP man o NCAA. Pati Gilas Pilipinas, suportado ko. Kahit ultimong Governor’s Cup ay inuuna ko din kesa sa mga homeworks ko. Syempre NBA fan na rin ako dati pa. Siguro mas lumala lang. Miami Heat fan ata to.

Ewan ko ba. I was captivated by his chinky eyes. Para sa akin, ang cute kasi ng mga taong medyo singkit. Nagmumukha silang anime.

Nakakatawang isipin, tuwing napapanood ko siya, kinikilig ako. Yung parang may sparks na nararanasan ng mga babae kapag napapansin sila ng mga crush nila. Tipong mapapangiti ka na lang nang hindi mo nalalaman. Ang cool lang talaga. Kadalasan kasi, nakakaramdam lang ako ng ganyan sa mga crush kong anime characters.

Pero ngayon sa paningin ko, para siyang isang anime character na lumabas sa virtual world at pumunta sa earth para maglaro ng basketball.

Napapakanta tuloy ako ng chinito ni Yeng Constantino. Ohh~ Chinitoo~

“Sige tita, una nako. Hoy taba! Galingan mo,” paalam ni Kuya na binaba namin sa isang tabi.

“Lul. Baho mo,” sagot ko naman. Wag kayong magtaka, ganyan kami magsagutan. Umandar na ulit ang taxing sinasakyan namin papunta sa La Salle.

Wala pang ilang minuto at nadatnan na namin yung traffic sa bandang malapit sa La Salle. At dahil 7:30 na, wala akong nagawa kundi sumama kay tita at takbuhin na lang papunta sa mismong eskwelahan. Nakaka-stress, Gate D pa ako at nasa dulo ang building ko. Saklap lang diba?

Minion Shots: ABCDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon