Minion Shot 5

435 21 7
                                    

M.S 5-Escape

I dream a lot.

Hindi ako katulad ng ibang tao na minsan lang dalawin ng panaginip. Dreaming is my escape route from the reality of life.

Kaya nga gustong-gusto ko matulog. In my dreams, I can be whatever I want.

I can create a world where no one dares to enter.

Hindi nakukumpleto ang tulog ko kapag hindi ako nananaginip. Yung tipong nawawala ang kalahati ng buhay ko. That's why I spend most of my time, sleeping.

Hanggang sa isang araw, may lumabas na usong necklace tinatawag nilang 'dreamcatcher'. It looks cute so I bought it. At simula nung araw na binili ko iyon, sinuot ko ito at hindi na muling tinanggal pa.

And that's when everything started.

For the past few months, there's this guy who visits me in my dreams everytime I sleep. Palaging siya ang kasama ko. Whenever I sleep, I always see his grey eyes, his crimson lips and red spiky hair. You could say that he looks like an anime guy character, probably because I created him to be one.

Yes, I created that man. He's in my dreams afterall. Hindi ko pa siya nakikita sa tanan ng buhay ko. So I assumed, I created him.

Kahit saan ako pumunta, kahit anong scene sa panaginip ko, he's always there. We used to talk like we're old friends. No, scratch that, we’re more than friends.

I was in love with that man. Deeply madly in love.

Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa taong pasok na pasok sa standards mo? He was so perfect that I couldn't believe he was mine even if it is just in my dreams.

Naalala ko pa, we used to go to amusement park and date. Iyon ang unang pagkakataon na nagkasama kami. And that day also, he kissed me when we were on top of the ferris wheel.

Simula noong araw na napanaginipan ko siya, I always look forward to sleeping. Part of me was saying that I can have my little adventures through dreaming. And another part of me was saying that I want to be with him.

Hanggang sa nasanay ako na nandyan siya palagi. I'm always with him every single time that I sleep. Magkasama kami sa kahit anong adventures.

Being a member of the NBSB club and a total fangirl of every anime guy character, I enjoy every precious moments with him. Kahit na sa panaginip lang kami nagkakasama. My love for him grows each time I sleep. Mas gugustuhin ko na ngang matulog habang buhay.

But recently, nagsisimula na siyang mag-iba. Palagi niya na akong sinisigawan, pinagagalitan. Palagi na siyang nagagalit sakin kapag hindi ko sinusunod ang gusto niya. He became more and more of a sadist. Unti-unti na ring lumalayo ang loob ko sakanya.

Hanggang umabot sa puntong sinasaktan niya ako everytime I disobey him. Kahit na panaginip lang iyon, nararamdaman ko pa din yung sakit na binibigay niya. In the end, I was so terrified that I couldn't sleep. Hangga't maaari, ayokong gawin iyon.

He was not the man I created. He was a monster.

"Eris, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni mama. Umiling lang ako sakanya at natuon nalang ulit sa libro ang atensyon ko.

"Anak, baka magkasakit ka niyan. Tignan mo oh, ang lalim ng mata mo," minasa-masahe ni mama yung likod ko. "Hindi ka pa ba napapagod?"

Pagod na pagod na ako Ma. Gustong-gusto ko na ngang magpahinga. Kaso hindi pwede. Makikita ko nanaman ulit siya. Sasaktan niya nanaman ako.

Minion Shots: ABCDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon