Part 4

91 2 0
                                    

Nang kami ay magtapos at tumuntong sa kolehiyo, isang beses sa isang linggo na lamang kami kung magkita. Nakakapanibago dahil nasanay ako na lagi siyamg nasa tabi ko. Noong una ay maayos pa rin ang aming relasyon ngunit lumaon ay tila nagbabago na ang lahat. May mga panahong hindi na kami nagkakaintindihan at dumadalas na rin ang aming pag-aaway. Akala ko at normal lang iyon dahil lahat naman ng magkakasintahan ay dumaranas ng mga pagsubok. Iniintindi ko na lamang siya sa mga panahong wala siyang oras para sa akin. Hanggang sa isang araw ay tinext ako ng kapatid ni Albie na si EJ. Tinanong niya sa akin kung kami ng kanyang kuya ay naghiwalay na. Nagulat ako at nagtaka sa kanyang sinab kaya't tinawagan ko siya. Aking napag-alaman na nakita ni EJ ang kanyang kuya na may kasamang ibang babae. Unang inakala ni EJ ay kaibigan lamang ni Albie ang babae. Ngunit nagpunta ang babae sa kanilang bahay at ipinakilala ito bilang kasintahan ni Albie. Hindi ko alam ang aking magiging reaksyon sa aking mga naririnig. Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak ng araw na iyong. Lahat ng magagandang pangyayari na pinagsamahan ni Albie ay naisip kong muli. Hindi ko inaasahang magagawa niya iyon sa akin.

Become a Fan|Vote|Comment

Chixx si Author! XD Hehehehe.

IKAW PALA (Kathniel Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon